Maya maya pa ay nagtawag na ng time out si Kogure. Pagdating sa bench... "Bakit ka nagtawag ng time out Kogure? Sayang lang sa oras.." wika ni Akagi. "Hindi, tama lang ang pagtatawag mo ng time out." Wika naman ni Mitsui. "Dahil wala sa focus ang paglalaro ni Gori... Ang henyong ito na lang ang bahala..." ang wika ni Sakuragi. Sapakin ko nga ng notebook ko. "Aray! Bonsai naman eh!" Angal pa nito. "Gunggong" ang sabay naming wika ni Kaede.
Nagkakainitan na dito sa bench nang i-headbutt ni Sakuragi si Akagi. "Hayan... Kailangan na nyang magpahinga.." wika pa nito.. " Ano na namang kalokohan to Sakuragi. Bumangon si Akagi at pinektosan si Sakuragi. Bukol na naman para kay Sakuragi mula kay Gori.
Pumito na ang ref... Magsisimula na ulit ang laro. "Sa inyong tatlo na lang kami umaasa! Mukhang walang gagawing maganda ang dalawang yan eh!" Wika ni Kogure at nakita kong bumuntong hininga si Mitsui. Pero kung ano man ang nangyari kanina ay nakabuti naman. Nag init na sa paglalaro ang dalawang kumag.
Mabuti naman kung ganun. Si Fukuda... hinahamon ba nya si Sakuragi.. ano naman ang gusto nyang mangyari? Sinaway ni Coach Taoka si Fukuda. Wag na lang daw pansinin si Sakuragi... pero di ko inaasahan ang itatawag ni Sakuragi kay Coach Taoka. "GURANG! AMOY LUPA!" langya... walang galang ang gunggong na ito.
Habang tumatagal ang laro nila... nagiging mainit ang labanan. Ishoshoot na sana ni Sakuragi ang bola ng mablock sya ni Uozumi at mapasalampak.. nagtawag ng offensive foul ang ref para lay Uozumi. "Sa estadong ito... dapat tumatayo na ang gunggong na yan..." sinisipa sipa pa ni Kaede si Sakuragi. "Ano buhay pa ba? Itapon nyo na kaya." Wika nito. Maldito talaga ang potek na ito.
Bigla na lang lumapit sa amin ang mga gundam ni Sakuragi. "Boy labo! Emergency!" Wika ni Mito. "Si Hanamichi... Nagagalit yan " Wika naman ni Takamiya. "Pero kilala namin sya, oras na galit sya hindi na sya kayang pigilan" dagdag pa ni Noma. "Ano? Naloko na..." tumayo na si Sakuragi at nilapitan sya ng mga kaibigan nya. Susugudin na sana ni Sakuragi si Ouzumi nang... "Sige Sakuragi subukan mo!" Wika ni Noma na suot ang maskara ni Ouzumi. Saan naman kaya nila nakuha yun?.
Hinabol ni Sakuragi si Noma hanggang sa mauntog ito at sumalampak muli sa sahig. Saka pa natauhan. "Ano number 10. Kaya mo pa ba? Makakapag free throw ka na ba?" Tanong ng ref kay Sakuragi. "Anong akala mo sakin?" Hindi pa man din natatapos ang sinasabi ni Sakuragi binukulan na sya ni Akagi sabay sabing... "Masyado ka nang nagpapatagal... Nasasayang ang oras."
Nag free throw sya mula sa ilalim. Tulad ng ginawa nya nung last game. Pumasok ang bola. Natatawa na lang talaga ako sa pinagagagawa ni Sakuragi.
Muling nag init ang labang sa Gitna ng Shohoku at Ryonan. Sa pagmamayabang ni Fukuda kay Sakuragi ay sumalampak ito sa mga upuan. Dahilan para magkasugat ang ulo ni Hanamichi. "Sakuragi....." ang wika ko habang nakatingin sa kanya. Dinulog namin sya ni Ayako. "Sakuragi. Okay ka lang..." wika ko pero di sya nagsalita. Naglakad na kami pabalik sa Bench. Sa galit ko... Tumigil ako sa harapan nila. "Kichou Fukuda... Mas kilala ko si Sakuragi higit sa iyo... Kailanman ay wag mo syang mamaliitin. Maniwala ka sakin pag sinabi kong sya ang magiging pinaka malaking banta sa inyo... Ryonan." Wika ko at tinapik ni Kaede ang balikat ko. "Mahal, relax lang. Magiging okay si Sakuragi. Unggoy naman yun eh. Hindi sya tao." Wika nito at bumalik na kami sa bench.
Matapos ang charge time out, bumalik na sila sa paglalaro. Ako ang nagsusulat sa stats nila. Habang si Ayako... Inaayos ang sugat ni Sakuragi. Pagtingin ko sa stats ni Ayako... 2 points pa lang ang nagagawa ni Kaede... Oh my sweet Mapple. Kilala kita. Alam kong may pinaplano ka.
Mula ng mawala si Sakuragi ay si Mitsui na ang gumawa ng mga puntos. "Ayos!!! Akalain mong di ka pa kumukupas matandang bungal hahahahah!" Wika ko at sinamaan ako ng tingin ni Mitsui. Joke lang naman eh.
Natapos na ang 1st half. Binilhan ko ng energy drink si Kaede. "Miyagi..." ang pagtawag ni Akagi kay Miyagi at sumagot ito ng... "Boss..." "mag ingat ka. May tatlong fouls ka na." Wika nito "Oo boss" sagot nito. "Ikaw din Sakuragi... may tatlong foul ka na din." Wika pa ni Akagi at nagulat ako na pagsusuntukin ni Saluragi ang locker. "Humanda ka Fukuda! Makikita mo babawian kita!" Wika nito at nang akmang iuuntog nito ang sarili nito sa locker. "Hep hep hep hep, wag mong gagawin yan." Ang pagpigil ni Ayako kay Sakuragi. "Aba, mukhang ready to fight na naman si Sakuragi ah." Wika ni Miyagi. "Matigas naman talaga ang bungo nyan eh" dagdag pa ni Mitsui. "Hindi nakakaganti ang locker gunggong." Sabi ni Kaede. "Anong sinabi mo Soro! Ayako, ilang puntos ang nagawa kanina ng Soro na ito?" Tanong ni Sakuragi. "Dalawang puntos." Ang sagot ni Ayako. "Kita mo, nakadalawang puntos ka lang pala... Ibig sabihin ikaw ang tinalo ni Sendoh" wika ni Sakuragi nang
bigla syang piningot ni Ayako at may binulomg ito sa kanya. "Ha? Bakit naman di mo sinabi agad? Nag-aalala pala sakin si Haruko my Loves hu,hu,hu,hu." Ang pag iinarte pa nito. "Nakakakilig no." Wika ni Ayako. "Kahit mapula, na ang buhok ko hu,hu,hu,hu." Ay nako ang babaw talaga nya.Mamaya pa ay bumalik na kami sa Gym. Ibabalik namin si Sakuragi sa game. Gunggong nga sya. Pero kahit papano ay may maaasahan pa din kami sa kanya.
Ang 2nd half ay parang naging laro lang sa pagitan ni Sendoh at Kaede. Hindi kaya... "Kaede..." ang wika ko. "Hm? Bakit Kariya? May problema ba?" Tanong ni Kogure. "Kanina ko pa nahulaan na may binabalak sya. Pero ngayon ko lang napagtanto kung ano yun. Si Kaede.. Sa buong 1st half 2 points lang ang nagawa nya. Kilala ko sya... Sigurado ako, ibinalato nya ang 1st half para buo ang lakas nya ngayong 2nd half. Ngayon nya babawian ang Ryonan." Paliwanag ko sa kanila. "Tama ka Kariya..." wika ni Ayako.
Naging mainit ang laban sa pagitan ng Ryonan at Shohoku. Lalo na sa mga Ace Players namin. Si Sendoh at Kaede. Matapos makapuntos ni Kaede matapos nyang ma fake si Sendoh, balik na agad sa depensa ang shohoku. Tumigil saglit si Sendoh sa harap ng bench namin. "After this game, mababawi na kita kay Rukawa." Wika nito.
"Narinig nyo yun? Mababawi?" Wika ni Ayako. "Ah, oo, yun na nga yun." Wika ni Yasuda. "Bakit Yasuda?" Tanong ni Kogure. "Nung isang gabi kasi hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ni Sendoh at Rukawa sa train station. Nagkainitan sila dahil binabantaan ni Sendoh si Rukawa. Ang narinig ko... Sa larong ito nakasalalay ang pustahan nila." Wika ni Yasuda. "Pustahan?" Usisa ko naman. "Oo Kariya. Kapag nanalo ang Ryonan, sapilitan kang babawiin kay Rukawa at magta-transfer sa Ryonan. Pero kapag nanalo ang Shohoku, kahit anong mangyari ay di na makikialam si Sendoh sa inyong dalawa..." ang paliwanag ni Yasuda. Ikinabigla ko yun. Lalo na ngayon at birthday ko pa. Gusto ko silang pag untugin pero sa ngayon, I just want to cry it out. "Excuse me lang..." wika ko. "Kariya, okay ka lang?" Usisa ni Kogure. Umiling ako. "Sige na Kariya. Naiintindihan ka namin. Iiyak mo ang galit mo. Yan lang ang maipapayo ko. Bilang isa sa mga Senpai mo." Wika ni Kogure. Tumango lang ako at umalis na ako.
Nagpunta ako sa may hagdanan kung saan umupo ako. Bakit mo ginawa yun Kaede. Hindi ako manok para pagpustahan... Birthday ko ngayon tapos ganyan ang malalaman ko... Ang sama mo. Ang sama nyo ni Sendoh. Ang sama ng ugali nyo.
Nagpunta ako sa CR. Naghilamos ako at inayos ang sarili ko. Nagbukas ang pinto at iniluwa noon si Haruko. "Okay ka lang ba Kariya?" Tanong nito. "Masama ang loob ko kay Kaede. Pinagpustahan nila ako ni Sendoh..." wika ko. "Cheer up. Ipinaglalaban ka ni Rukawa. Hindi sya magpapatalo kay Sendoh." Pag aalo sa akin ni Haruko. "Saka bawal malungot Kariya. Birthday mo ngayon diba? Kaya ngiti ka na." Dagdag pa nya. Ang swerte ko talaga na nagkaroon ako ng kaibigang katulad ni Haruko.
BINABASA MO ANG
Nang Dumating Ka
Fanfictiontungkol sa isang mayamang high school girl na naghahanap lang ng bagong experience. Ayaw magpakasal sa lalaking gustong ipakasal sa kanya. Pero wala syang magagawa laban sa gusto ng mga magulang nya. Kaya nakiusap sya na payagan syang mag aral sa is...