CHAPTER 31: Isang araw sa buhay ni Sendoh..

47 2 0
                                    

Sa sabado na ang laban nila sa Ryonan. Makakalaban namin ang grupo ni Akira. Pinapunta ako ni Coach sa Ryonan para makipag-coordinate sa venue ng susunod na laban. Nasa ospital kasi si Coach. Inatake sya sa puso habang nanonood kami ng laban ng Ryonan at Kainan. Buti nadala agad sya ni Sakuragi sa ospital. "Saan ka pupunta?" Tanong sakin ni Kaede.

"Sa Ryonan ang punta ko. Wala si Coach kaya ako ang makikipag coordinate kay coach Taoka." Ang sagot ko. "Asus... sabihin mo si Sendoh lang ang pupuntahan mo don Bonsai nyahahahaha!!!!" Ang pang aasar ni Sakuragi. "Nako Rukawa, mukhang babalikan na ni Kariya si Sendoh. Hahahah... Kung sa bagay sila naman talaga ang ipinagkasundo hehehe" ang dagdag pa ni Mitsui. "Saka isa pa, inagaw mo lang si Kariya kay Sendoh.." ang sabi pa ni Miyagi. Mga tarantadong ito.

Nainis na ako kaya pinagsasapak ko sila ng notebook ko. "Alam nyo, kung yung pang uosyoso nyo sa amin ni Kaede ay pinagpapractice nyong mga tinamaan kayo ng magagaling... Mas magaling pa." Ang pangsesermon ko sa kanila. "Tama... kaya..." pinagsasapak din sila ni Ayako ng pamaypay. "Balik na sa practice!" Ang dagdag pa nito at ngunguto ngutong bumalik sa practice ang tatlong gunggong. "Sige na mahal aalis na ako. Wag mo na akong hintayin kasi after ko doon uuwi na ako." Wika ko.. "Wag ka lang magpapahatid kay Sendoh" ang sabi nya at hibalikan ko na sya sa pisngi. "Oo promise.." sabi ko bago ako tumalikod at narinig ko na kinotongan sya ni Akagi. "Masyado kang bantay kay Kariya.. Wala ka bang tiwala ha Rukawa? Balik na sa practice." Wika pa nito.

Pagdating ko sa Ryonan, agad kong nakita si Hikoichi. "Hi Kariya..  Kumusta ka na?" Ang bati niyo sakin. "Okay na okay na ako Hikoichi. Andito nga pala ako para makausap si Coach Taoka. Si Coach Anzai kasi nasa ospital" sagot ko naman. "Oo alam ko kaya nga pinaabangan ka ni Coach sakin dito sa  may gate eh... Ano... Tara na?" Wika nya at tumango na lang ako.

Habang nasa daanan kami di ko maiwasang mailang sa mga tingin sa akin ng mga estudyante dito. "Hayaan mo na Kariya, masyado ka kasing cute kaya ka pinagtitinginan. Oo nga pala... Paano mo nakilala si Maki ng Kainan?" Wika nya. "Si manong Maki? Heheheheh, hindi sa pagmamayabang sayo... pamilya ko ang may ari ng Kainan at ang pamilya nya malaki ang shares ng pamilya nya doon kaya doon sya nag aral." Sagot ko sa kanya.

"Talaga? Eh bakit sa Shohoku ka nag aral kayo pala ang may ari tapos assistant manager ka pa ng basketball team." Wika nito. Ngumiti na lang ako.

Pagpasok ko sa basketball gym, agad akong nakita ni Akira. "KARIYA!!!" Ang nagsisisigaw nyang wika habang tumatakbong palapit sa akin. Niyakap nya ako at ikinabigla ko iyon. Pati na nang mga kateam nya. "Natakot ako nang makita kitang duguan. Nag alala ako dahil akala ko hindi na kita makikita pa ulet.." ang wika nya habang lumuluha sya. "Sorry hindi kita naprotaktahan Kariya..." dagdag pa niya.

"Totoo ba ito?" Wika ni Kashino. "Si Sendoh... Umiiyak?" Dagdag ni Fukuda. "Iche check ko yan" ang singut naman ni Hikoichi "Masyado nyang mahal si Kariya para hayaan si Kariya sa piling ni Rukawa kung saan sya masaya. Pero ngayon na nasaktan at napahamak si Kariya... Sa tingin ko gagawin nya lahat mabawi lang ang babaeng itinuturing nyang buhay nya." Sabi naman ni Uozumi.

"HOY SENDOH!!!! KAY RUKAWA YAN!"  Sigaw naman ni Ueksa. "Akira.... yung sugat ko sumasakit... sobrang higpit ng yakap mo." Reklamo ko. Kumalas sya sa yakap nya at pinunasan nya ang luha nya. "Sorry na agad. Nag alala lang talaga ako." Sabi nya.

(Akira's P.O.V)
Ang saya ko na pumunta dito si Kariya... Once lang kasi ako nakadalaw sa kanya. Binabantayan kasi sya ni Rukawa. Pinaubaya ko sya kay Rukawa dahil alam ko na mahal sya ni Kariya. Masakit para sakin ang desisyon kong magparaya. Maluwag kong tinanggap na hindi ako mahal ni Kariya at pangkaibigan lang ako. Pero... Nasaktan na si Kariya. Napahamak sya at muntik na naman syang makuha ng Mizuki.

Mamaya pa ay kinausap na ni Kariya si Coach Taoka. Pero heto ako. Ginagalingan ang practice. "Iba talaga ang nagagawa ng pag ibig ano Koshino. Hindi naman ganyan si Sendoh twing may practice tayo eh" wika ni Fukuda. "Tama ka Fukuda..." pag sang-ayon naman nito. "Hay... Sana lang laging nandito si Kariya para laging ganado si Sendoh nahahawaan nya ang mga ka team mates natin sa mga kilos nya." Wika ni Uozumi. "Alam nyo sa halip na pag chismisan nyo ako bakit di na lang kayo mag practice jan ha.. mga lalaki kayong tao pero napaka chichismoso nyo." Ang sagot ko sa kanila.

Natapos ang paractice namin at pauwi na din si Kariya. "Kariya, ihahatid na kita." Ang pag aanyaya ko. "Wag na Akira. Okay lang... Saka kaya ko naman eh" sagot nya. "Eh pano kung balikan ka ng Mizuki?" Ang nag aalala kong wika sa kanya pero sinagot nya akonng ganito. "Akira, wag ka nang mag alala... Kaya ko naman."

"Kariya alam ko na malakas ka pero di mo sakin maaalis na mag alala sayo. Alam mo ba na halos tumigil ang mundo ko nang makita kitang duguan sa gym habang nasa bisig ka ni Rukawa? May ideya ka ba kung gaano ako nasaktan nang makita kang walang malay sa lugar na yun? Alam mo bang halos mabaliw ako na hindi man lang kita matulungan ng time na yun dahil nanjan si Rukawa? Kariya... Batid ko na mali itong mga pinagsasasabi ko sayo. Pero anung magagawa ko? Mahal kita pa rin kita kahit na pinili mo na si Rukawa. Ni hindi ko maturuan ang puso ko na magmahal ng iba dahil kahit anong gawin kong paglimot hindi kita kayang kalimutan..." ang pag amin ko sa kanya. Wala akong pakealam kung anong hitsura ko ngayon habang umiiyak sa karapan nya. Pero malaking bagay sakin na nasabi ko ang mga bagay na yun.

"Patawarin mo ako kung nasaktan man kita, Akira. Hindi ko sinasadya." Ang tangi nyang naisagot. Nakita ko ang lungot ng mata nya sa kanya pagluha. Alam ko naman na ayaw nya akong saktan. Pero hindi nya kayang magsinungaling sa sarili nya. Mahal nya si Rukawa.

Hindi ko namanalayan na dumating pala si Sakuragi. "Sendoh, kapag ayaw sayo wag mong ipilit ang sarili mo." Wika nito. "Ano... Wasted ka ano nyahahahah hashtag Sendong Sawi nyahahaha" ang dagdag pa nya habang tumatawa. "Anong ginagawa mo dito nagi-ispiya ka ba?" Tanong ko. "Ako? Nag iispiya? Hindi ko gawain yan ha... Henyo ako di ko kailangang mag ispiya." Sagot nya..

Hehehehe, kaya pala nung practice game namin sa kanila noon nag ispiya sya habang naka time out... Gunggong na to. "Andito ako para sunduin si Kariya." Sabi nito habang naka patong sa balikat nya ang duffle bag nya. "Sendoh... hindi ko akalain na bantay salakay ka pala. Para kang di lalaki, lumaban ka ng patas." Wika ni Rukawa. Kasama din pala nya. "Andito ka rin pala Rukawa." Ang wika ko. Yung mga ka team mates ko kakarating lang.

Kinuha ni Rukawa si Kariya na hawak ko sa braso. "Wow, intense ang pre face off ni Sendoh at Rukawa..." wika ni Koshino. "Sayang walang pop corn." Dagdag pa ni Fukuda. "Akin sya Sendoh. At wag kang umasa na maaagaw mo sya sakin...." ang malamig na wika ni Rukawa sakin. "Tingnan lang natin." Wika ko. "Puro ka salita." Ang agad nyang wika sakin. At agad silang umalis kasama si Kariya.

"Aba may himala yatang nangyari... Bakit parang magkasundo sina Sakuragi at Rukawa ngayon.. Samantalang noon, sa tuwing makikita natin sila... Kulang na lang magdeklara ng world war III sa pagbabangayan pa lang nila." Wika ni Ueksa. "Oo nga no... Iche check ko yan!" Wika ni Hikoichi. At napabuntong hininga na lang ako.

Alam ko, kinuha ni Mrs.Okade si Sakuragi para magbantay kay Kariya. Pero... hindi pa rin ako makampante dahil sa grupo ng Mizuki.

Nang Dumating KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon