Chapter 41: Ang Kasunduan

44 3 0
                                    

(Kariya's P.O.V)
Nagising ako sa isang di ko kilalang lugar.. Jusme ang sakit ng ulo ko.. Pero ang huli kong naaalala kinidnap ako ng Mitsuki sa Kanagawa Train Station pagkahatid ko sa team.

"Gising na pala ang prinsesa.." ang wika ng isang boses na di ko kilala. Nagbukas na ang mga ilaw sa madilim na silid na iyon. "Sino ka?" Tanong ko sa lalaking nakaupo sa blue couch sa tabi ng bintana.. "Ako? Sino ako? Ako lang naman si Ryujin Ishida.." ang pakilala ng lalaki sakin.. "Para sa kaalaman mo ang mga Lolo ko ang founder ng Mitsuki." Ang dagdag pa nya.. "Wala akong pakealam kung sino ang founder ng Mitsuki.. ang gusto kong malaman.. ano ang kailangan nyo sa akin at kailangan nyo pa akong kidnappin?" Ang cold kong sagot sa kanya..

"Dating magkaibigan ang Mitsuki at Tsurugi. Laging magkasama ang dalawang grupo sa laban at hindi pinapabayaan ang bawat isa. Kung kayat nagkasundo ang dalawang grupo na pagkasunduin ang mga apo nila upang mapagtibay pa ang samahan.. walang iba kundi ikaw at ako. Pero, sa kasamaang palad sinira ng mga magulang mo ang kasunduan noong ipinagkasundo ka nila kay Akira Sendoh.." ang paliwanag nya. Nakaupo na ako sa carpet sa harapan nya.. "Ryujin, tama? Wala na ang kasunduan sa gitna namin ni Akira... kaya walang kasalang magaga-" "HINDI KA NGA IKAKASAL KAY SENDOH PERO NAGMAMAHALAN NAMAN KAYO NI RUKAWA!"  Ang pagputol nya sa sinasabi ko.. "Kung ganun nga ay ano naman sayo.. may magagawa ka ba para mabago ang lahat?" Ang pagmamatigas kong wika sa kanya.. "Oo, sa oras na maikasal ka sa akin at mabigyan mo ako ng anak.. naiintindihan mo ba?" Sa sinabi nyang iyon, labis na tumaas ang mga balahibo ko at nakaramdam ako ng takot..  alam ko na sa puntong ito mas kailangan kong maging matapang.. isa lang ang paraan para hindi matuloy ang kalokohan nya.. yun ay ang makatakas ako..

Pero how on earth? Hindi madaling tumakas dahil bantay sarado nila ako..

(Akira's P.O.V)
Ano nang gagawin ko..  nakidnap si Kariya at nasa interhigh si Rukawa..  "May naiisip ka bang maaring kumidnap kay Ms.Kariya ha Sendoh?" Ang taong sa akin ni Fukuda.. "Walang iba kundi ang grupo ng Mitsuki. Na kalabang grupo ng Tsurugi na kinabibilangan ko" ang tangi kong sagot sa kanya. "Sa palagay mo ba ipapaalam pa natin to kay Rukawa kapag nanood tayo ng laban nila Kainan?" Tanong ni Hikoichi.. "Ano? Makakalaban ulet nila ang Kainan?" Tanong ni Uozumi. "Oo Captain Uozumi.. Natalo na nila ang Sannoh.. at ang ilan pang team na nakasali sa interhigh.. ang Kainan naman ang makakalaban nila. Kapag natalo nila ang Kainan kasama na sila sa Championship." Paliwanag ni Hikoichi.. Ibang klase ang lakas talaga ng grupo ng Shohoku. Pero hindi ito ang oras para mamangha ako sa kanila.. Kailangan kong ipaalam kay Rukawa ang nangyayaring ito. May gana pa syang maglaro gayong nasa panganib si Kariya.. nakakainis ka Rukawa... "Sendoh, alam ko kung anong iniisip mo. Pero ako na ang magsasabi sayo.. wag mo munang ipaalam kay Rukawa ang nangyari. Hindi mo ba nahahalata? Isang buwan na ang nakararaan mula ng makidnap sya. Dapat alam na niya yon. Nakasisigurado ako na sinasadyang itago ni Akagi ang pangyayaring iyon kay Rukawa. Dahil kung ako ang nasa katayuan nya at ikaw ang naman ang nasa katayuan ni Rukawa. Hindi ko rin yun sasabihin sayo dahil alam ko na masisira ang laro mo." Sa sinabing yun ni Uozumi natauhan ako.. At sa ngayon. Ako na muna ang bahalang humarap sa Mitsuki.

(Kariya's P.O.V)
Gabi na at ang alam ni Ryujin na tulog na ako. Sa isang buwan ko dito alam ko na ang pasikutsikot ng mansion na ito. At napag alaman ko din na nasa Aichi ako malapit sa magiging venue ng championship.

Tulog na rin ang mga nagbabantay sakin.. Matalino ka Ryujin para dalhin ako sa pinakamataas na kwarto sa mansion mo. Pero pasensya na madiskarte ako. Alam ko kasi na dadalawin mo ako ng dis oras ng alas dose. Kaya nagpunta na akong banyo at binuksan ko ang kisame doon. Paglabas ko nagtago ako sa likod ng pinto ng dressing room ko.

Sakto namang pasok ng kupal na Ryujin. "Shino! Pagara! Anong ginagawa nyo bakit natutulog kayo?!" Ang wika agad ni Ryujin.. "Ano po kasi boss.."  wika ng isa. "Ano po kasi boss kayo jan.. HANAPIN NYO SI KARIYA! NATAKASAN KAYO NG BINABANTAYAN NYO!" Ang sigaw ni Ryujin sa kanila.. binuksan nila ang dressing room pero di nila ako nakita dahil nasa likod ako ng pinto. Kaya lumabas na sila at naiwan ang pinto ko na di naka lock.

Nagbihis ako ng pang maid kaya di nila ako napansin. Kasi yung mga maid dito panay Muslim kaya karaniwan lang na mata lang ang kita sa kanila kaya mas pabor ako na magpanggap bilang isa sa kanila. Nakalabas naman ako hanggang makaabot ako sa may Garden..

At pumalya pa ang plano ko.. may nakakita sa akin na papatalon ng bakod. "Ikaw! Anong ginagawa mo jan?! Nakita mo ba si Ms.Kariya?" Tanong ng isang lalaki. Hinangin ang suot kong balabal at nakita nila kung sino ako "ANDITO SI MS.KARIYA!" Sigaw ng lalaki pero huli na ang lahat.. dahil nakatalon na ako sa mataas na bakod.

Paglanding ko sa lupa ay agad na akong tumakbo ng tumakbo.. ng tumakbo hanggat hinahabol nila ako.. sakto naman na may nadaanan akong kumpol ng mga muslim sa may pedestrian lane kaya ako nakatago ako sa kanila. Nagtago lang ako sa tumpok ng mababahong basura ng mga ilang oras pa.

Sumapit na ang umaga at bukadkad na ang araw. Lumabas na ako sa kinalalagyan ko at naglakad lakad. Hindi ko pwedeng buhayin ang phone ko para kontakin si Mommy o Daddy. Matetrace nila ako dahil sa tracking device na kinabit nila sa phone ko. Maaactivate yun kapag bunuksan ko ang phone ko. Pero may pera naman ako dito kaso lang. Di ako pwedeng mag tren papuntang kanagawa dahil mate-trace pa rin  nila ako.

Gutom na ako kaya kumain na lang ako ng streetfoods sa kanto.. masarap naman sya sa totoo lang. Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay makapunta sa Fukushima.. Kaya naman ng bus ang byahe papunta dun.. pero magtataxi na lang ako.

Nakapara na ako ng taxi at agad akong sumakay. Napansin ko na ang daan na tinatahak namin ay hindi papuntang Fukushima.. kundi pabalik ng Mansyon ni Ryujin. "Manong.. mali po yung daan.." sabi ko. At sumagot sya.. "Hindi ko basta basta matatakasan ang liwanag ng buwan lalo na kung kabilugan.."

The F myembro sya ng Mitsuki.. naman..  wala na akong magawa kundi  makipagpangagawan ng manubela sa kanya.. dahilan para magpagewang gewang ang takbo namin sa high way. Nabangga kami sa isang malaking puno at nawalan ng malay si Manong.. pero nakalabas pa ako.. pero sa hindi inaasahan.. nabangga ako. Ang huli kong nakita ay si... Sendoh..

Nang Dumating KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon