CHAPTER 29: Sa Ospital

70 4 0
                                    

Pinauwi muna ako ni Tito Shion. Ayoko pa sana umalis kaso kailangan ko daw magpahinga para sa pagsasalin ng dugo sa kanya bukas ng umaga. "Kaede, anung pagmumukha yan? Bakit malungkot ka?" Tanong ni Mama sakin. Niyakap ko sya at dun ko na lang binuhos ng lungkot at galit ko sa sarili ko.

"Mama, nasa ospital po si Kariya. Napahamak po sya. Hindi ko sya naprotektahan Ma.." ang wika ko may Mama na umiiyak. "Kaede, napano si Kariya?" Tanong nya sakin habang tinatapik ni Mama ang likod ko. "Na-late po sya kanina ng dating. Natalo po kami laban sa Kainan. Hinawakan nya po ang mga pisngi ko kanina. Tapos nawalan na po sya ng malay Ma. Nang buksan ni Ayako ang Jacket nya.... ang daming dugo Mama. Kasalanan ko po hindi ko sya naprotektahan" ang wika ko.

Pinaupo ako ni Mama sa sofa. "Ssshhh, Kaede wala kang kasalanan. Walang gusto ng nagyari. Sige na anak.. Kumain ka na at magpahinga. Bukas pupunta tayo sa ospital. Lulutuan ko sya ng paborito nyang pagkain. Nag-aalala na rin ako sa kanya." Wika ni Mama at ngumiti na lang ako.

Naisip kong hilingin kay Papa na paimbestigahan ang nangyari. Mananagot sakin amg gumawa nito kay Kariya.

Kinabukasan pumunta ulet ako sa ospital para magdonate ng dugo. Kasama ko sina Mama at Papa. "Shion, long time no see!" Ang bungad ni Papa kay tito Shion. "Kaname, ikaw pala. Matagal nga rin tayong di nagkita" wika naman ni tito Shion. "Tito Shion, nagising na po ba sya?" Tanong ko naman at umiling lang sya. Lumapit ako sa tabi nya at hinalikan ko ang noo nya. "Wag kang mag-alala. Magigising ka na. Di ako papayag na mawala ka." Wika ko.

"Talagang tinamaan sa anak mo ang malamig na puso ni Kaede, Shion." Wika ni Papa kay Tito. "At ang matigas na puso ng anak ko ay napalambot ni Kaede, Kaname" sagot naman ni Tito. "Di ka pa rin nagbabago.." wika ni papa. "Teka, Miracle? Ikaw na ba yan?" Tanong ni tito Shion at ngumiti si Mama. "Kanina pa ako dito pero ngayon mo lang napansin... nakakasakit ka Shion." Wika ni Mama. "Sorry na agad." Wika ni Tito Shion.

"Oo nga pala Shion, andito ako para sana imbestigahan ang nangyari kay Kariya." Wika ni Papa. "At nandito din ako para dalhan sya ng paborito nyang pagkain." Dagdag naman ni Mama. "Malaking tulong ang magagawa mo Kaname, Salamat. Hayaan mo at makikipagtulungan ako." Wika naman ni Tito Shion.

"Good morning po, sasalinan na po ng dugo si Ms.Okade ready no po ba ang donor?" Wika ng nurse na kakarating pa lang. "Opo nurse" wika ko.

Kami ni Tito Shion ang magdodonate sa kaniya. Matapos namin syang salinan ng dugo ay dumating ang mga ka team mates namin. Kasama sina Sendoh, Ouzumi, at Fukuda. Dumating din sina Kiyota at Maki.

"Hi Tito Shion." Ang bati ni Sendoh kay Tito Shion. "Akira, kayo pala. Ayos lang..." ang sagot ni Tito. "Aba, ang tatangkad nyo naman... mga basketball players ba kayo?" Tanong ni Mama sa kanila. "Opo ma'am. Mga kaibigan po kami ni Kariya. Kukumustahin po sana namin sya kasi nag aalala po kami." Wika ni Akagi. "Ganun ba? Salamat Akagi at napabisita kayo kay Kariya." Wika ni Tito Shion. "Ay nako Shion, naaalala ko ang kabataan natin sa kanila. Ako nga pla si Prosecutor Kaname Rukawa. Ang papa ni Rukawa." Wika naman ni Papa.

"Nice to meet you po Mr.Rukawa, kami po ang mga kaibigan ni Kaede." Wika ni Akagi. "Sya pala ang matandang Soro...." sabi ni Sakuragi at binukulan na sya ni Akagi sa ulo. Napabunting hininga na lang ako at sinabi kong... "Buti nga."

"Kung hindi po ako nagkakamali, kayo pong dalawa ang mga basketball legends na kung tawagin ay ang THE BASKETBALL TERRORISTS" Wika ni Maki. "Nako, nakakahiya naman na nakilala nyo kami bilang mga terorista ng basketball... heheheh" ang wika ni Papa. "Ka-kaede..." ang bulong ni Kariya. Hinawakan ko ang kamay nya. "Kariya andito ako..." wika ko.

Nagising na sya. "Rise and Shine Bonsai!" Ang sigaw ni Sakuragi. Sinapak naman sya ni Kiyota. "Wala kang galang na unggoy ka. Anjan yung Daddy nya oh tapos tatawagin mong Bonsai!" Sabi nito. "Ano ka ba namang matsing ka. Mas maalma pa rin ang tinawag ni Kulotzki kay Bonsai..!" Sagot naman ni Sakuragi at sinapak sila ng pamaypay ni Ayako. "Wala kayong kawala sa pamaypay ni Ayako.." wika ko.

(Kariya's P.O.V)
Nagising ako at una kong tinawag ang pangalan ni Kaede. "Kariya andito ako." Ang sagot nya habang nakahawak sa kamay ko...

Andito din pala ang team ng Shohoku kaya pala naririnig ko ang ingay ni Sakuragi. Andito din sina Akira, Ouzumi at Fukuda. Pati na sina Maki at Kiyota. "Mga kasama... Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko at ngumiti lang sila. "Nakakatampo ka naman Kariya. Ako ang Daddy mo pero si Kaede ang una mong tinawag.." wika ni Daddy. "Daddy... Sorry po..." wika ko. "Kariya iha, pinagluto kita ng paborito mong pagkain.." wika ng Mama ni Kaede. "Mama, Papa Kaname.. andito rin po pala kayo." Ang wika ko at niyakap ako ni Mama Mira. "Nag alala ako sayo iha. Ano ba ang nangyari?" Tanong nya. "Oo nga Kariya, nag alala kami. Pano ka napahamak? Sino ang may gawa nyan sayo?" Tanong ni Ayako.

"Na late po ako ng alis kaya nagmamadali na po akong naglakad. Hanggang sa may naramdaman po akong may sumusunod sakin.." wika ko. "Iha, kilala mo ba ang nanakit sayo?" Tanong ni Papa Kaname. Tumango ako. "Kahit po si Daddy kilala din sila. "Syanga?" Usisa naman ni Akira. "Mizuki" yung ang tangi kong nasabi. Alam kong alam na ni Daddy at Akira ang ibig kong sabihin.

Nagkausap usap pa kami. Matapos ng ilan pang sandali ay umalis na sila. Naiwan sina Akira at Kaede dito sa kwarto. "Ano pang ginagawa mo dito?" Pagmamataray ni Kaede. "Andito ako para makausap ka tungkol sa Mizuki. Alam naman ni Tito Shion na kakausapin kita dahil dito. Kung nais mo syang maprotektahan dapat alam mo ang lahat." Ang wika nya. "Akira... Sa usaping iyan ako dapat ang magsabi sa kanya." Ang wika ko sa kanya at ngumiti sya. "Tama ka.. Sige na, aalis na rin ako. Rukawa, kung hindi mo sya kayang protektahan... Ibalik mo na lang sya sakin." Ang wika nya at umalis na sya.

"Wag kang mag-alala. Di ako babalik sa kanya."sabi ko kay Kaede. "Ano bamg nangyari ha mahal? Sabihin mo sakin. Sino ang nanakit sayo?" Tanong sa akin ni Kaede habang nakahawak sya sa mga kamay ko.

"Hindi lingid sa kaalaman mo kung sino ako. From head to toe, kilala natin ang isat-isa. May kalaban na Yakuza ang grupo namin. Ang Mizuki. Mula ng makita ako ng Master nila ay ninais na nila akong kidnapin at dalhin sa pinuno nila ng di ko alam ang dahilan. Nung 10 years old nga ako, tinangka rin nila akong kidnapin sa Okade Mansion dun sa Fukushima. Kaya nga nilipat ako dito sa Kanagawa ng palihim para maprotektahan laban sa kanila. Pero ngayon na alam na nila kung nasaan ako... Hindi sila titigil hanggat hindi ako nakukuha." Ang paliwanag ko. "Ikaw, kumusta ka na? Alam kong nalulungkot ka pa din sa pagkatalo nyo sa Kainan." Dagdag ko pa.

"Kasalanan ko kung bakit natalo ang Team. Kung naging sapat lang sana ang lakas ko sa buong laban, marami pa sana akong nagawa. Kami ni Sakuragi. Pero hindi... Napatunayan ko lang sa sarili ko na mahina ako." Wika nya at niyakap ko sya. "Kaede, makinig ka sa sasabihin ko. Kahit natalo kayo, proud pa rin ako sayo dahil inilabas mo pa rin ang makakaya mo. Ngayon, ito ang nais kong malaman at matutunan mo." Kumalas ako sa pagyakap sa kanya at tinignan sya sa mga mata nya. "Tao lang tayo, minsan may pagkakataon sa buhay na matatalo tayo.... Hindi masama ang magkamali kung alam mo na may natutunan ka. Ikaw ba.... may natutunan ka ba?" Dagdag ko pa. Tumango lang sya.

"Nagugutom ka na ba? Dalawang araw ka ring walang malay." Wika nya. "Oo gutom na nga ako eh. Na missed ko din yung luto ni Mama." Sabi ko at kumain na kami. "Susubuan na kita ha... Wag kang makulet." Sabi nya. "Kaede kaya ko naman eh..." pagpoprotesta ko pero sinamaan nya ako ng tingin. "Ang mga pasyente dapat nakikinig sa mga nag-aalaga sa kanila. Kaya wag kang makulit." Sa sinagot nyang yon talagang wala na akong magawa. Eh di yun, para akong batang sinubuan nya hanggang sa maubos ko ang pagkain.

Nang Dumating KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon