Sabay sabay kaming lumabas sa venue. Masaya kami para sa gongong na Sakuragi. "Hoy Bonsai, ang lakas mo naman yata magdasal. Malakas ba ang kapit mo sa taas? Pano mo nalaman na mapa-foul out si Sakuragi?" Tanong ni Mitsui. "Nako predictable thing na yun Mitsui" sagot ko naman. Hindi naman kami narinig ni Sakuragi dahil kasama sya ng mga tropa nya sa unahan at nagyayabang na naman. "Salamat nga pala Bonsai." Sabi Mitsui. "Para saan?" "Dahil naniwala ka at nagtiwala. Hindi pa natin ganoong kakilala ang isa't isa pero naniniwala ka sa kakayahan ng bawat isa sa amin. Sa totoo lang nung sinabi mo kanina sa locker. Yung Panis si Godai sa 3 points ko. Aaminin ko mas lumakas ang loob ko noon. Kaya salamat Bonsai" paliwanag ni Mitsui. "Sinabi ko lang kung ano ang gusto kong sabihin. Yun lang yun. Saka napaka walang kwenta ko naman assistant manager kung wala akong tiwala sa inyo diba?" Sabi ko naman. "Hoy bungal, kung ano-anong sinasabi mo jan. Drama mo" sabi ni Rukawa. At dahil doon nag asaran na naman sila. Hay, buti na lang nakilala ko sila. At mas nagpapasalamat ako dahil minahal ako ng Maputlang Soro na ito.
Noong gabing iyon tumawag si Mommy. "Hello Mommy?" Sagot ko dahil nasa kabilang linya si Mommy. "Oo ako nga anak. Kumusta ka na?" Tanong ni Mom. "Everything is great Mom. In fact nanalo nga ulet kami kanina sa Tsukubu." "Really anak? Omedetou Kariya. Oo nga pala anak. May favor kasi sana ako sayo" sabi ni Mom. "Tell me Mom, what is it?" Tanong ko. "Hindi ako makakauwi this saturday kasi may emergency na nangyari dito sa Madrid, Spain. So anak, pwede bang bisitahin mo ang Kainan? May konting problema kasi na dapat ayusin anak. Ang Daddy mo naman ang daming ginagawa sa office nya. Pwede ba yun my dear?" Paliwanag ni Mommy. Do I have a choice. "Got it Mom, ipapadala ko na lang sayo ang report through email" "Thank you anak." After that binaba ko na ang telepono. You got it right guys. Sa mura kong edad exposed na ako sa business. Pero okay lang naman. Keribels naman ng power ng Lola nyo.
Kinabukasan nauna akong pumasok sa school. Pagdating ko nga sa classroom wala pa dun si Haruko. Nagpunta ako sa library para humiram ng ilang libro. "Kariya, andito ka rin pala. Ang aga mo ha." Si Fujii na nauna pa sa akin. "Oo, humiram lang ako ng ilang libro sa library" sagot ko naman. "Masipag ka din ha... Oo nga pala Kariya. Totoo ba ang usapusapan?" Tanong nya. "Na ano?" Ano na naman kayang chismis to? "Namamataan kayo ni Sendoh ng Ryonan na magkasama minsan. Nanliligaw din ba sya sayo?" Tanong nya. Bwiset, sino na naman ang nagpakalat ng usapang ito? "Ewan ko" yun lang ang sinabi ko kay Fujii at umalis na ako.
Maghapon ko ding inisip ang chismis na yun. "May problema ka ba?"tanong ni Rukawa. "Yung chismis Kaede, kumakalat na. Alam na nang lahat na nililigawan mo ako. Pero masyado akong naging kampante na maiintindihan ni Akira ang ginagawa ko. Pero nanggugulo na sya" wika ko. "Wag mong intindihin yun, eh di manligaw sya kung gusto nya. Para namang papayag ako na mapunta ka sa kanya" sagot nya. Tama, nasa akin amg desisyon kung sino ang nais kong makasama. Ako lang din ang tatapos ng usaping ito. Naglakad na kami nang makasalubong namin si Akira. "Mas napapadalas yata na magkasama kayong dalawa" bungad nya. "Akira" bulong ko sa sarili ko. "May naligaw yatang hangin dito" sabi ni Rukawa. "Dumaan talaga ako dito para hintayin kayo" sabi nya at nagtaka naman ako... "May kailangan kasi akong bawiin sayo Rukawa" nako po naloko na. "Sa pagkaka-alam ko Sendoh wala akong inaagaw sayo" sagot ni Rukawa. "Meron, yung babaeng katabi mo sakin sya" ika ni Sendoh. "Alam kong nakatakda na kayong magpakasal. Fiancè mo sya pero wala akong pakealam. Hindi pa kayo kasal kaya hindi ko rin sya inagaw sa iyo. At higit sa lahat... Hindi ka nya mahal" sagot ni Rukawa. "Akira, tumigil ka na. Kilala mo ako." Sabat ko sa kanila. "Ang pag-ibig parang basketball. Kahit hawak mo na ang bola marami pa ring gustong umagaw. Kaya wag kang magpakasiguro na sayo lang sya hanggang sa huli" sabi ni Sendoh. "Pasensya ka Sendoh, mapaopensa o dipensa magaling ako. Kaya hindi mo sya madaling maaagaw" sagot ni Rukawa at naglakad na kaming palayo. Nasa malayo na kami nang marinig namin si Sendoh. "Tignan na lang natin" sabi nya. Pambihira si Sendoh.. Akala ko talaga naiintindihan nya na mahal ko si Rukawa. Pero hindi sya papayag.
Weekend at kailangan kong pumunta sa Kainan. Ang Kainan Dai high school ay isang private school na pagmamay-ari ng pamilya ko. May report na nakarating sa akin na marami daw nagrereklamong magulang na nakabayad na daw sila ng tuition ng mga anak nila pero ginigiit ng treasurer na hindi pa. Pagdating ko doon naroon na ang Principal kahit weekend. "Ohayo, Okade-sama. Pasensya na po at pinapunta ka po namin dito kahit weekend" sabi ni Principal Itagaki. "No, I should be the one to say sorry. My parents are too busy on their works. So andito ako para ayusin ang gulo. Ano ba kasing nangyari at maraming nagrereklamong parents?" Tanong ko sa kanya. "Half a Million yen po ang nawawala sa pera ng school Ms.Okade. So we therefore conclude na marami pang parents ang di pa nakakabayad ng tuition fee. Marami ang nagreklamo dahil nang hinanapan namin sila ng reciept marami sa kanila ang walang naipakita. Sorry, dear Miss. Pero di na po namin alam ang gagawin." Paliwanag ni Mr.Itagaki. "ganun ba? Let me check it on the computer. Aanhin pa ang computer kung di magamit diba?" Sabi ko. Kaya naman tinignan ko ang computer at hinalungkat ko ang mga files.
After sometimes, nakita ko na... "Bull's eye!" Nagulat ang mga nasa loob ng room. "Nakita ko na. Marami talagang magrereklamong mga magulang. Lahat sa kanila nakabayad na ng tuition pati na ang mga naka kuha ng scholarship program natin. Ngayon ang treasurer ang kukwestiyonin. Kasi sya ang tumatanggap ng pera na galing sa mga magulang." Sabi ko. "Pero Ms.Okade. wala akong kinalaman dito" sabi ng treasurer. "Oh really? Sige Mr.Itagaki, imbestigahan lahat ang mga yan. Dadating na si Atty.Kimura para tumulong. Meron kayong maghapon para ayusin ito. Pupunta lang ako sa basketball court para magliwaliw habang inaayos nyo ito." Sabi ko sabay alis. Sa inis ko naibagsak ko ang pinto.
Nasa pinto na ako ng basketball court nang makita ko si Manong. Yung lalaki na nakatama ng bola sa akin nung nakaraang linggo. "M-m-ma-manong anong ginagawa mo dito?! School ito hindi ito home for the Aged! Kasama mo pa ang tsonggo na yan?! Sabihin mo alaga mo ba sya?" Napatingin sa akin yung Tsonggo na kasama nya noon pati na ang teammates nya. "Ano daw?" Tanong nung malaking tao na may hawak ng bola. "Neneng bawal ka dito" sabi pa ng isa. Yung may salamin na mukhang lampa. "Bakit may elementary dito?" Sabi ni tsonggo na nangaasar. "Anak siguro sya ng faculty member" sabi pa nung isa. Lumapit sa akin si Manong.. "Bakit ka nandito? Gusto mo ng candy ha neneng?" Tanong pa ni Manong. "Anong sinabi nyo? Neneng? Elementary? Anak ng Faculty member? Ano bang problema nyo sa 4'11?!" Galit na galit kong sigaw at nabagyan ko si Manong ng isang flying kick. Sinugod ko si Tsonggo at inupakan sya.
Nagulat silang lahat sa ginawa ko. "Talaga itong bulilit na to daig pa ang putakti"sabu ni manong. "ANONG SINABI MO MANONG?" sabi ko. "Wala, sabi ko suko na ako sayo". Sabi ni manong. "Ibang klase kang babae ka. Ikaw pa lang ang nakapang asar at nakapangbugbog kay Kapitan ng ganyan." Sabi ng mukhang lampa. Nagbago ang ihip mg hangin. "Kapitan? Sino ang kapitan nyo?" Tanong ko. "Eh di ako." Sabi ni manong. Ay Bwiset... "Ikaw ang kapitan?... Eh di ikaw si Shinichi Maki!" Tumayo sya at ngumiti. "Oo ako nga" sabi ni Manong. Si Tsonggo tatawatawa "nyahahahahahahaha NaBINGO ka neneng na Elementary. Sya ang kapitan namin" sabi nya with a chibi face. "At ikaw sino ka? Ikaw ba si Boots the Monkey? Yung bestfriend ni Dora. LAH FAN MO AKO!" Pangaasar ko sa kanya. "Ikaw na elementary ka sumosobra ka na. Ang liit liit mo ang yabang mo" sabi nya. "Atleast ako may ipagmamayabang di tulad mo. Ang kupal mong maliitin ako ha. Hinahamon kita sa isang shooting game. Paramihan ng maipapasok na 3 points sa loob ng 5 minutes sya ang panalo" hamon ko. "HAHAHAHAHAHA, Nagbibiro ka ba.... Sumusugal ka sa larong matatalo ka" tanong nya. Tumango ako. "Pero bago yun, gusto ko muna kayong makilalang lahat." Sabi ko. Nagpakilala na silang lahat. Mula sa kapitan hanggang sa substitute players. Kaya pala sabi ko nakita ko na si manong... sya pala si Shinichi Maki. Pambihira, ang tanda nga nyang tignan.
BINABASA MO ANG
Nang Dumating Ka
Fanfictiontungkol sa isang mayamang high school girl na naghahanap lang ng bagong experience. Ayaw magpakasal sa lalaking gustong ipakasal sa kanya. Pero wala syang magagawa laban sa gusto ng mga magulang nya. Kaya nakiusap sya na payagan syang mag aral sa is...