CHAPTER 13: Shohoku vs. Tsukubu

87 4 0
                                    

Ngayong araw ang laban namin sa Tsukubu. Noong mga practice namin panay rebound ang tinuturo ni Taki-kun kay Sakuragi. Ang taas kasi tumalon ng unggoy na yun. Ibang klase pwede syang ilaban sa jump ball. Bukod pa doon, ang laban na ito ay isang pustahan na si Haruko amg mapapanalunan. Ano naman kayang iniisip ng mga hinayupak na to? Kung bakit ba naman itong si Sakuragi nagsinungaling pa kay Rango.

Andito na kami sa venue ng labanan. Nagbe-basic drill lang ang ginagawa ng team ng Shohoku. Si Sakuragi hindi sya kasali sa starting 5. Kaya itong si Rango ang lakas ng pang-aasar kay Sakuragi. "Pano ba yan Sakuragi! Pangbangkuan ka lang naman pala eh. Bench Warmer! Susunduin ko na mamaya si Haruko nyahahahah!!!" Sabi ng unggoy na may gintong buhok. "Hoy ikaw jan! Lumapit ka na dito" sabi ng referee. Itong si Sakuragi kinukulit na naman si Coach. "Tatang, bakit naman di mo ako sinali sa first 5? Alam mo namang henyo ako eh hindi ako pangbangkuan!" Sabi nga. Kinuha ni Ayako ang pamaypay at kinuha ko naman ang notebook ko. Lumapit ako kay Sakuragi at sabay naming sinapak ang unggoy na ito. "Manahimik ka jan Sakuragi!" Sabi ni Ayako. "Ayako naman, pinagtulungan nyo pa ako ni Bonsai". Angal nya.

Ang unggoy na may gintong buhok, si Rango. Sya pala ang sentro? "Ang number 15 ang sentro nila. Balita ko freshman pa lang sya" sabi ng isa namin player. Nagsimula na na ang jumpball at natapatan ni Rango ang laks ni Taki-kun kaya nagulat kami. Para isiping freshman lang sya at natapatan nya ang lakas ng kapitan namin. Malakas nga sya. Dahil siguro matangkad din sya. "Alam mo Ayako, yung number 15 pwede ko syang ikumpara kay Sakuragi." Bulong ko kay Ayako. "Sabihin pa ba eh pareho naman silang unggoy." Sagot nya at tumango lang ako.

Sa 1st half naging banta ang 3 points shooter na kapitan ng Tsukubu, si Godai. Inoobserbahan ko lang ang kapitan nila at si Rango. Sa palagay ko kasi sila lang ang banta sa team. Si Rukawa, wala yata sa pace ang paglalaro nya ngayon. Hindi.... sinusubukan nya lang kung hanggang saan si Rango at Godai. At si Mitsui. Hindi pa rin sya pumupuntos. "Hay nako, ito talagang mga to" napatawa na lang ako. "Bakit Kariya?" Tanong ni Ayako. "Napansin ko kasi na wala pa sa pace ang laro ng team. Sigurado ako na sinusubukan nila kung hanggang saan ang kakayahan ng Tsukubu." Sagot ko. Mayamaya pa, pinapasok na ni Coach Anzai si Sakuragi na inangasan agad ng trash talk si Rango. Sinuntok agad sya ni Taki-kun. Buti nga.

Katulad ng inaasahan namin, madali lang nakukuha ni Sakuragi ang rebounds. Si Godai kasi, hindi kasing galing tumira ng 3 points ni Mitsui.
Natapos ang 1st half na may score na 52-40. In favor of Tsukubu.

"Mitsui, ikaw na ang bahalang pumigil sa 3 points ni Godai" sabi ni Taki-kun. "Oo sige ako na ang bahala. Kayang kaya ko sya" sagot ni Mitsui. "At ikaw Sakuragi, wala kang ibang gagawin kundi ang kunin ang rebounds." Sabi pa ng kapitan. "Alam nyo team, kung sa 3 points lang din naman ang usapan panis si Godai kay Mitsui. Maniwala kayo na anumang oras ay sasablay at sasablay ang tirada ni Godai. Kaya Sakuraging UNGGOY, malaki ang gagampanan mong tungkulin dahil maliban kay Taki-kun at Rukawa, ikaw lang ang mataas tumalon at makakakuha ng rebound" paliwanag ko. "Tama ang sinabi mo Kariya. Napansin mo rin pala na nawawala sa rhythm at porma si Godai." Sabi ni Mitsui. "Sige team, mananalo tayo" sigaw ni Taki-kun. "YOSH!" Ang sagot ng team. Naisip ko na sabihin kag Taki-kun ang tungkol sa pustahan pero naisip ko na hindi mananalo si Rango dahil malakas ang team ng Shohoku. "Alam kong kaya mo yan Rukawa. Malaki ang tiwala ko sayo." Sabi ko kay Rukawa. "Oo naman, kayang kaya ko sila" sabi nya sabay halik sa pisngi ko. "Para saan yun?" Tanong ko. "Good luck charm." Sagot nya bago sya magpunta sa court. Diyos ko dapat ba akong kiligin? "Aba, ang Bonsai namin namumula na ang bulaklak, kinikilig yan" pa-amboy pa ni Ayako. "Oo na kilig to the bones na nga oh" sagot ko.

Kakasimula pa lang ng 2nd half pero na foul si Sakuragi. "Hay nako.. ang tigas talaga ng bungo ng tinamaan ng magaling na to' sarap sapakin" sabi ko at napabuntong hininga na lang ako. "Bakit?" Tanong ni Ayako. "Si Sakuragi, sinusubukan nyang gumawa ng slam dunk at makapuntos. Alam nyo naman amg ugali nyan" sagot ko. "Hindi malayo ang sinasabi mong yan Kariya" sagot ni Kogure. Nakita na lang namin na pinagsasabihan ni Taki-kun, Miyagi at Mitsui si Sakuragi. Naiwan si Mitsui para pangaralan si Sakuragi. Kung ano man ang sinabi nya kay Sakuragi wala kaming alam. Pero sana gumana ang sinabi ni bungal sa unggoy na yun. Bigla na lang sinipa ni Rukawa si Sakuragi sa likudan nya at sinabing "Kung ayaw mong manalo ang team, mas mabuti pang umalis ka na lang." Sama ng ugali mo Rukawa. Nagalit si Sakuragi.

Pero kung anuman ang ginawa ng mga bugok na iyon ay gumana naman. Madali lang nakukuha ni Sakuragi ang rebound. Hanggang sa mapanood na namin ang inaabangan namin. Nagkulang ng tantsa si Mitsui sa pag shoot. Si Taki-kun na nasa ilalim ng ring ay nakuha ang rebound at dinakdak ito. "Sa wakas, ang Gorilla Dunk!" Ang hiyaw namin. Ang lupet talaga nitong si Taki-kun.

Hinabol ni Sakuragi ang bola at naabutan nya ito. Sumalpak nga lang sya sa mga upuan. "Ngayon, kami naman!" Ang sigaw ni Sakuragi. "Nice play Sakuragi" sigaw ni Ayako. "Henyo kang unggoy ka!" Dagdag ko pa. Mayamaya pa any nagpang-abot si Rango at Sakuragi sa ilalim ng ring. Hindi ako makapaniwala. Napakaganda ng dipensang pinapakita ni Sakuragi. "Ang galing ng Dipensa mo Sakuragi!" Sigaw ni Yasuda. "Ang special move ni Sakuragi ang hun-hun defence tactic!" Dagdag pa ni Kogure. Hanggang sa maagaw na ng shohoku ang at di namin namalayan na bago magpatawag ng time out ang Tsukubu na tie na namin ang score. "Magaling ang ginawa mong pag rebound Sakuragi. Good job" sabi ni Ayako. Dahil sa sinabing iyon ni Ayako para na namang nasapian si Sakuragi ng ispiritu ng Kayabangan. "Gunggong, hindi ka pwedeng ma foul out!" Ang sermon ni Taki-kin kay Sakuragi habang nakaupo lang ako at tinitignan ang stat. Marami na rin pala syang nagagawang rebounds. "Pero pustahan tayo mapa-foul out ka Sakuragi hahahahaha!" Pang aasar ko pa. "Walang duda yan" si Rukawa on the side.

Nagsimula na ulit ang laban at na foul si Sakuragi matapos nitong matapling ang kamay ng kapotan ng Tsukubu. Baliw talaga. Free throw pa ni Godai. Apat na ang fouls nya. Isa na lang graduate na sya.  After naman noon ay pinagbutihan na ni Sakuragi ang laro nya. Lalo na sa pagkuha ng rebounds. Mamaya na-foul naman nya si Godai matapos nitong sapilitang kunin kay Sakuragi at bola at sumalampak ato sa Sahig. "Hoy gising, wag kang matulog. Buhay ka pa ba?" Sabi ni Rukawa habang sinisipa sipa si Sakuragi. "Okay ka lang ba Hanamichi?" Tanong ni Miyagi. "Itapon nyo na lang kaya" sabi naman ni Rukawa pero sa tingin ko ayos lang sya. Habang si Godai na nakikipag discuss pa sa ref ay na kick out sa laban. Tumayo si Sakuragi na parang walang nagyari. Kaya nagsimula na ulit ang laro.

Hindi namin namalayan na na-tie na pala ni Sakuragi ang record ng pinakamadaming rebound na nagawa. 22 rebounds. "Si Sakuragi, naka 22 rebounds na sya. Ibig sabihin. Isa na lang mabe-break na nya ang record!" Sabi ko. "Sige Sakuragi kaya mo yan! Isa na lang mabe-break mo na ang record!" Sigaw ni Ayako at parang sinapian na naman ng kayabangan si Sakuragi. "Isa na lang!!!" Sigaw ko. "Oo nga Sakuragi isa na lang mabe break mo na ang record!" Dagdag pa ni Kogure. "Hindi!! Isa na lang gunggong na Sakuragi para ma-foul out ka nyahahahaha" ang sabi ko sabay tawa ng malakas. Humanga ang mga manonood sa venue at umaasang mabebreak ni Sakuragi ang record. Hindi pa sumusuko si Rando kahit na malaki na ang lamang namin. Hanggang sa pumalya ang tira ng isa kaya kukunin ni Rango at Sakuragi ang rebound.... nakuha ni Sakuragi ang rebound... Pero pumito ang ref at idiniklarang Foul yun. "Masyadong umasa sa kanya ang lahat" sabi ni Ayako. "At dahil foul yon, hindi yun counted" dagdag pa ni Kogure. Ang sasama na naman ng tingin ng apat kay Sakuragi dahil sa pagka foul out nya. Okay lang naman na na foul out si Sakuragi dahil napakalaki na ng lamang. Wala na ang 3 points shooter ng Tsukubu kaya mahihirapan na silang humabol.

Natapos na ang laban pero si Sakuragi mukhang hindi masaya. "Oy Sakuragi, ikaw lang yata ang hindi masaya sa team ah. Nagluluksa ka ba?" Biro ko sa kanya. "Oo nga naman Sakuragi. Hindi mo ba naririnig ang mga naririnig namin?" Sabi ni Ayako at parang natauhan si Sakuragi sa naririnig nya. "Ikaw na ang rebound king Sakuragi. Hindi mo man nabreak yung record na-tie mo naman." Dagdag ko pa. Kaya kahit paano sumaya naman ang gunggong.

Nang Dumating KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon