Nagkakagulo na ang lahat. Pati yung mga teachers sa labas kinakalampag kami. Hindi na talaga biro ang nangyayaring ito. "Tama na, tama na... Hindi nyo dapat ginagawa yan. Dahil si Mitsui.. Si Hisashi Mitsui ay kasama natin. Member din sya ng team." Ang wika ni Kogure na ikinagulat namin.
Ikinuwento ni Kogure ang lahat. Doon ko nalaman na dati syang MVP ng sa Takeshi Junior High. Si Mitsui ang kanilang good motivator. Hanggang sa ma-injury sya. "Kumusta na ang tuhod mo Mitsui. Hindi na ba sumasakit?" Tanong ni Kaogure sa kanya. "Tumigil ka na Kogure.. Masyado ka nang madaldal" saway ni Mitsui. Malalim kong iniisip ang lahat dahil... hindi ako makapaniwala. Ayon sa pagkakwento ni Kogure, masayahing tao si Mitsui at puno nang pag asa. Hindi ko makita ang ganong pagkatao sa ganitong hitsura nya. Kung ganon ang laki na pala ng pinagbago nya.
Hindi ko namalayang kinuwelyohan na ni Kogure si Mitsui. "Makarating sa Nationals?! Maging number 1 sa buong Japan?! Ikaw ang bumuo ng pangarap namin. Puno kami ng pag asa na maabot ang pangarap na yon kasama ka! Pero nasira yun ng ma injury ka at bigla mo na lang kaming iwan sa ere. TAPOS NGAYON SISIRAIN MO NA NAMAN?!" Ang galit na galit na sigaw ni Kogure.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Taki-kun na nagmasid muna. Saka ulet sinara para pagtakpan ang nangyayari sa Gym. "Tama na yan Kogure."ang saway ni Taki-kun hang papalapit kay Mitsui. "Alam mo, iba magalit yang si Gori. Isang sapak lang nyan, siguradong sa ospital agad ang tuloy ng kaibigan mo sinasabi ko sayo" ang pananakot ng gunggong na Sakuragi kay Hotta. Agad namang natakot ang Mokong at lumapit kay Taki-kun. "Akagi, ano kasi... pasensya na sa gulo na ginawa namin. Aalis na kami" ang sabi nya kay Taki-kun. "Hubarin nyo ang mga sapatos nyo" pagkasabi noon agad namang hinubad ng mga goons ang kanilang mga sapatos kasama ang mga bata ni Sakuragi.
Pinagsasampal ni Taki-kun si Mitsui. Sa mga mata ni Taki-kun, nakikita ko ang galit at sakit na iniwan sa kanya ni Mitsui. Siguro nga, masakit sa kanya ang pag iwan sa kanila ni Mitsui sa ere. Sino ba nga namang hindi masasaktan pag iniwan hindi ba?
Dumating si Coach Anzai.. magpapaliwanag pa sana kami pero, "Hindi nyo na kailangang magpaliwanag. Naiintindihan ko na" ang wika ni Coach. Nang nasa harapan na ni coach si Mitsui ay humagulgol ito ng iyak at napaluhod pa mga sya. "Coach..... g-g-gusto ko po ulet maglaro... Gusto ko pong bumalik ulet sa Basketball team. Coach Anzai..." ang wika nya na nagmamakaawa sa matanda. Nakita ko na ngumiti lang si coach sa kanya.
(Rukawa's P.O.V)
Matapos ang insidenteng iyon ay naisaayos na ang lahat. Ginamot kaming mga sugatan. Ginamot ni Kariya ang sugat ko. Ang iba sina Haruko at Ayako ang nag asikaso. "Kariya, salamat" ang wika ko habang inaalis nya ang mga dugo sa mukha ko. Ngumiti sya at sinabing "Wala iyon Rukawa. Malakas ka rin palang makipaglaban. Lalo na pag nagagalit ka" sagot nya. "Yung sinabi ng tikbalang kanina.... yung.... Yakuza princess ka daw... totoo ba yun?" Tanong ko ulit sa kanya. Tumango sya at sinabing "Hindi ko ginusto ang ganung buhay. Mas gusto ko ang simple lang. Kaya kong mag aral sa Kainan o sa Ryonan o pwede ring sabihing kahit saang school. Pero pinili ko ang Shohoku dahil... malapit eh" ang sagot nya at natangiti na lang ako. Kapag kasi tinatanong ako kung bakit ba sa Shohoku ko gusto mag aral.. yung ang sinasagit ko... Malapit eh.Nang mga oras na iyon, hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya. Pinagmamasdan ko ang mukha nya. Ang mga mata nya na may mahahabang pilik at parang laging nagmamakaawa. Ang ilong nya, hindi masyadong pointed pero bagay sa kanya. Parang iginuhit ang kilay nya. Ang labi nya.... mamulamula ito. Sa mala sutla nyang kutis ay nagrorosas ang mga pisngi nya. Idagdag mo pa ang malalalim nyang dimples kapag ngumingiti at tumatawa sya. Iba sya sa nakilala kong mga babae. Hindi sya pangkaraniwan. Isang tulad pa lang nya ang bibihag sa mga mata ni Kaede Rukawa na pantasya ng mga babae.
Maganda naman si Haruko at Ayako. Pero hindi ako magsasawang titigan ang anghel na nasa harap ko ngayon. At gumagamot sa akin. "May gusto ka ba talaga kay Miagi?" Hala... saan galing ang tanong ko? Nilapit nya ang mga labi nya sa tenga ko. Ang samyo ng pamango nya. Amoy na amoy ko at makikilala ko na. "Wala.. wala talaga akong gusto kay Miagi.. pinagseselos ko lang si Ayako. Kaya kung pwede wag kang maingay." Ang bulong nya sa akin. At para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan ko.
"Nako Kulotzki sinusulot ni Rukawang-Soro ang girlfriend mo!" Hay nako... gunggong talaga itong si Sakuragi. Tapos na akong gamutin ni Kariya at may benda na din ang ulo ko. Lumapit si Kariya kay Sakuragi at sinapak ng notebook nya. "Buti nga" sabay naming sabi ni Miagi.. "Gunggong ka unggoy. Hindi ako ipagpapalit ni Miagi love na love ako nyan eh... Baby ko si Kulot!". Pagkasabi noon ni Kariya namula si Ayako.
"Hayan, pagamot ka na jan sa Baby Bonsai mo!" Ang sigaw ni ayako kay Miagi. "Ayako, loyal ako sayo.. It hurts to me Love. Wag mo akong iwan dito hindi mo pa ako tapos gamutin" si Miagi na paiyak na. Dumudugo pa rin kasi ang ilong nya. "Eh jan ka nga magpagamot sa Bonsai mo" Halata na si Ayako. "Ayako nagseselos ka." Ang wika ni Kariya na may kasamang smirk. "Ano bang sinasabi mo jang bata ka. Wala akong karapatang magselos da-" "Oo meron kang karapatang magselos. Lalo na kung nagmamahal ka". Natahimik si Ayako sa sinabi ni Kariya. "Kariya.. please tama na... hindi kita gusto si Ayako ang mahal ko". Ang pagmamakaawa ni Miagi. "Wow kulot!!! Ang tinik mo sa chix. Biruin mong pinag aagawan ka. Nyahahahaha ang lupet mo kulot!". Ang pangaasar ni gunggong na Sakuragi. Piningot sya ni Akagi. Wala ba talagang kakapaguran ang Gunggong na to? Bugbog sarado na at lahat ang ingay pa rin. "Halata naman na gusto ka ni Miagi diba? Walang taong manhid pero TANGA marami nun. At isa ka na dun." Ang wika ni Kariya. Namumula na si Ayako. "Kung ako TANGA ikaw haliparot! Bakit mo ba nilalande si Ryota?! May pagsigaw ka pa na I LO-" "Oh bakit magseselos ka hindi naman kayo ni Miagi ah!" Ang pagputol ni Kariya sa sinasabi ni Ayako. Inis na inis na si Ayako at saka nya sinabing... "Dahil.... Dahil may gusto ako kay Ryo!". Nagulat kami sa sinabi ni Ayako. Tumayo si Miagi mula sa pagkakaupo nya at unti unting lumapit kay Ayako na umiiyak na. Garbe talaga itong si Kariya. Sya pa lang ang nakapagpaiyak kay Ayako ng ganun.
"Narinig mo ba Kariya ang sinabi ko? Kaya layuan mo si Ryo. Hindi ko alam kung kelan ko ito naramdaman. Pero sigurado ako. Gusto ko si Ryota kaya nga kahit na nanjan na si Haruko para maging susunod na manager hindi pa ako umaalis kasi andito si Ryo". Ang wika ni Ayako. Ngumiti si Kariya at lumapit sya sa akin para alalayan ako sa pagtayo ko. Naka akbay ako sa kanya dahil medyo naliliyo pa ako. "Eh di lumabas din ang totoo Ayako. Sa totoo lang wala akong gusto kay Miagi. Ginawa ko lang yun para paaminin ka. Hindi ka makaka takas sa analytical skills ko. Inobserbahan kita at positibo kong inisip na may gusto ka din kay Miagi." Ang paliwanag ni Kariya. "Ibig sabihin Kariya... pinagselos mo lang talaga si Ayako para umamin?" Tanong ni Yasuda.
"Ayako... mahal mo din naman ako diba? Ibig bang sabihin nito..." ang namumulang tanong ni Ryota. Kilig na kilig ang loko. "Oo umamin ako na gusto kita. Pero di ibig sabihin nun tayo na. Gusto ko munang maka graduate bago magkaroon ng boyfriend." Ang sagot ni Ayako.
Atleast si Miagi, may kasiguraduhan na sya na gusto sya ni Ayako. Ito kayang babaeng akbay ko... Posible kayang magustuhan nya ako? Kung magaling nga ang analytical skills nya. Siguro kahit di ako magsalita ay malalaman nya na Crush ko sya.
(Kapag nanonood ako ng slam dunk kinikilig talaga ako kina Ayako at Ryota.)
BINABASA MO ANG
Nang Dumating Ka
Fanfictiontungkol sa isang mayamang high school girl na naghahanap lang ng bagong experience. Ayaw magpakasal sa lalaking gustong ipakasal sa kanya. Pero wala syang magagawa laban sa gusto ng mga magulang nya. Kaya nakiusap sya na payagan syang mag aral sa is...