(Kariya's P.O.V)
Malapit na ang laban nila sa Ryonan. Kinakabahan ako sa para sa kanila.. "Kariya, anung pagmumukha yan ha? Para kang sinapian ng isang libong multo ah." Ang biro sa akin ni Ayako. "Kinakabahan ako para sa kanila." Tangi kong sagot sa kanya. "Nakakakaba talaga... Wala si Coach Anzai eh..." wika ni Kogure. "Pero kahit ano pa mang mangyari kailangan natin itong ipanalo... Para kay coach anzai." Dagdag pa ni Akagi. Napabuntong hininga na lang ako... "Sige na... magpahinga kayo ng mabuti ha... mauna na ako sa classroom ko." Wika ko sa kanila.45 minutes pa bago magresume ang klase. Nasa Radio room si Fujii at Matsui. "Napadaan ka yata Kariya..." tanong ni Matsui. "Hindi naman... gusto ko sanang humingi ng pabor sa inyo.. para palakasin ang loob ng basketball team sa magiging laban nila bukas." Ang sagot ko sa kanila. "Oo ba, ano ba yun?" Tanong ni Fujii. "I-play nyo ang kantang ito. Pupuntahan ko lang si Kaede... sa hideout nya." Ang sagot ko at matapos noon ay umalis na ako.
Nagpunta ako sa rooftop. And as ussual, Kaede being himself... laging tulog. Umupo ako sa tabi nya at hinipig ang ulo ko sa balikat nya. Di ko alam kung tulog ba sya o hindi. Pero kasi... yumakap sya sakin... nanatili kami sa ganong posisyon hanggang sa tumugtog na ang nirequest kong kanta... Puso by Spongecola
Hinihingal ka lang
Kung may oras pang natitira...
Kahit parang ang layo pa
Habol...Maharangan ka man,
Sumalakay man mga bantay
Lahat kami'y maghihintay
Habol, habol..Dehado kung dehado
Para saan pang mga galos mo kung titiklop ka lang.. titiklop ka lang
Matalo kung matalo wag ka sanang magkakamaling sumuko na lang
Oohhh....(Akagi's P.O.V)
Nandito kami ni Kogure sa canteen at kumakain nang marinig namin ang isang kanta na nakapagpalakas sa loob ko bilang ako ang kapitan ng Basketball team namin... Tama... Dehado kung dehado.. para saan pa nga ba ang mga pinaghirapan namin kung basta na lang kami susuko.. "Ang ganda ng kanta Akagi" wika ni Kogure. Tumango na lang ako.(Mitsui's P.O.V)
Andito ako ngayon sa gym at nakaupo... iniisip kung ano bang gagawin namin.. Hindi namin makakasama si Coach Anzai.. Ganun pa man...Lumalakas ang loob ko dahil sa kantang naririnig ko ngayon.Maagawan ka man,
Lalong wag kang papipiga
Kumpyansa lang bawat bangga
OoohhhKumaripas ka na
Humanda ka na sa paglipad
Pakpak nati'y ilalantad
Habol, habol(Miyagi's P.O.V)
Dehado kung dehado
Para saan pang mga galos mo kung titiklop ka lang..
Titiklop ka lang
Matalo kung matalo wag ka sanang magkakamaling sumuko na lang.. OhhhTama... Hindi dahil natalo na kami panghihinaan na kami ng loob. May pag asa pa. Hindi kami maaaring tumigil. Kapag natalo namin ang Ryonan... pasok na kami sa Interhigh. "Ayako," ang siryoso king pagtawag sa kanya. Lumingon sya at sinabi ko. "Mananalo tayo. Pangako yan.." ang wika ko at agad naman nya akong hinawakan sa pisngi ko. Ngumiti sya. Ibinaliktad nya ang suot nyang sumbrero at binigyan nya ulet ako ng smack na kiss. "May tiwala ako sayo... Ryo..." wika nya.
(Sakuragi's P.O V)
Ang puso iaalay sa laban..
Kapalit ay tagumpay..
Dehado kung dehado para saan pang mga galos mo kung titiklop ka lang
Titiklop ka lang.
Matalo kung matalo wag ka sanang magkakamaling sumuko na lang
Oooohhhh...Tama... Kahit kailan ay hindi susuko ang henyong ito sa minsang pagkatalo.. Iaalay ko ang puso ko sa susunod naming laban.. At si Sendoh... Matatalo ko na sya. Kasama ni Bakulaw at ang buong kuponan ng Ryonan.
(Rukawa's P.O.V)
Alam ko, si Kariya ang nag request ng kantang yon. Lah akong pakealam. Basta ang sakin lang. Wag na muli pang mapahamak si Kariya.Kung hindi mo sya kayang pangalagaan, ibalik mo na lang sya sakin..
Yan ang mga salita ni Sendoh na gumugulo sakin. Hindi nya maaring kunin sakin si Kariya. Di ako papayag. Hindi kahit kailan.
At bago pa namin mamalayan ni Kariya, tumunog na pala yung chime. Kaya naman nagsibalikan na kami sa mga classroom namin.
Kakatapos lang ng practice... kasama ko ang gunggong at si Kariya. "Bonsai, diba next week na ang birthday mo? Saan mo ba ise-celebrate?" Tanong ni Gunggong kay Kariya. Oo nga pala. Next week na. Sa mismong araw ng laban namin sa Ryonan. "Gusto ko sana i-celebrate na lang sa bahay. Pero mapilit si Daddy lalo na ang dragonang kong Mommy. Dun sa Okade Mansion sa Ibara Street.." ang sagot ko sa kanila.
Binigyan ko ng goodnight kiss si Kaede bago sya umalis ng bahay. Pag pasok ko mg nshay nandun si Akira. "Hi..." ang bati nya sakin. Anung ginagawa nya dito? "Hi Akira. Napadalaw ka." Sabi ko naman sa kanya. "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Kariya, napadaan ako dito kasi lumipat na ako ng bahay. Jan lang sa kabilang bahay." Sagot nya. "Wala akong pakealam." Wika ko sa kanya.
Nasa hagdan na ako ng muli syang magsalita. "Lumipat ako dahil gusto kitang mabawi kay Rukawa. Hindi ka nya kayang protektahan."
"Nababaliw ka na. Sa tingin mo ba papayag ako sa gusto mong mangyari. Kaibigan kita at hanggang doon lang yon." Sagot ko sa kanya. "Tingnan lang natin..." ang wika nya bago sya umalis. Kilala ko si Akira... May binabalak sya. Meron talaga.
Ngayon ang araw na makakalaban namin ang Ryonan. Isa-isa nang pinakilala ang mga team member ng kabilang kuponan at ganundin ang sa Shohoku. At nang pinakilala si Rukawa... "Aaaahhhhhh L O V E RUKAWA! RUKAWA! RUKAWA!" Ang hiyaw ng mga jologs ni Rukawa. Aba teka... Dumami yata sila ngayon. Pagdating sa harapan ko ay niyakap ako ni Kaede... "Kaya mo yan my sweet Mapple..." sabi ko sa kanya. "Mahal nakatingin si Sendoh." Sabi nya sakin. Tumingin ako at matamang nakatingin sa amin si Sendoh mula sa bench ng Ryonan. Hinawakan ko ang mga pisngi nya at sinabi kong.... "Hayaan mo na sya." Ngumiti sya. "Tatalunin ko sya para sayo" wika nya. "Hoy tama na yan... konting galang sa mas nakatatandang single." Wika ni Kogure.
Si Mitsui on the side hindi mapakali... "Hindi ako mapalagay. Wala kasi si coach Anzai..." wika nito at nilagay sa upuan ang picture ni Coach. Pumwesto na parang magdadasal. "Mitsui, tumigil ka nga jan... hindi pa patay si Coach, nasa ospital lang sya!" Wika ni Akagi. "Nang-aano ka eh!" Dagdag pa ni Sakuragi.
Mayamaya ay nagsimula na ang jumpball... Sa jumpball pa lang... Alam kong may mali na sa mga galaw ni Akagi. Lalo na sa tuwing magkakaharap sila ni Uozumi. "Hindi pa nya kaya..." ang wika ni Ayako. "Sa tingin ko kaya naman nya... Masyado lang syang nag aalala sa recent injury nya nung laban nila sa Kainan." Ang wika ko naman. Mamaya pa ay kinausap kami ni Mitsui. "Kogure... Kapag pumasok, magtawag ka ng time out..." wika nito.. "Ano? Bakit?" Tanong ko.. "Si Akagi. May problema sya." Sagot nya. "Nako naloko na." Ang tanging naiwika ni Kogure.
Ano bang nangyayari sa kanila? Hindi sila ganito maglaro... marahil hindi sila magtutulungan pero hindi sila ganito maglaro... Sa mga kinikilos ni Akagi... Madadamay ay team. Kaiangan nyang msibslik ang mala gorilya nyang paglalaro.
BINABASA MO ANG
Nang Dumating Ka
Fanfictiontungkol sa isang mayamang high school girl na naghahanap lang ng bagong experience. Ayaw magpakasal sa lalaking gustong ipakasal sa kanya. Pero wala syang magagawa laban sa gusto ng mga magulang nya. Kaya nakiusap sya na payagan syang mag aral sa is...