Chapter 40: Kidnapping

36 3 0
                                    

(Kariya's P.O.V)
Ito na ang araw na aalis na sila.. yun nga lang hindi ako makakasama.. dahil sa ang daming projects and all those school stuffs. Pumunta na lang ako dito sa train station at kasama si Ayako. Actually andito na lahat ng players maliban sa isa... Si Sakuragi..
"Hay bakit ba naman ang tagal nya.." ang wika ni Ayako na halatang naiinip na. "Parang lagi kang babago kay sa gunggong na yun. Lagi naman syang late."  Ang sabat naman ni Miyagi. Kung sa bagay totoo ang sinasabi nya. Ano pa nga bang bago eh lagi naman syang late.

Maya maya dumating na ang gunggong na Sakuragi at kinotongan agad sya ni Akagi. Napabuntong hininga na lang kami.

Kumpleto na sila. Kaya ibig sabihin aalis na sila. "Kariya, di ka ba talaga pwedeng sumama?" Tanong ni Kaede sakin. "Pasensya na.. patong patong na kasi ang mga gawain ko eh. Pangako.. susunod ako kapag nagka time ako ha. Galingan ninyo.." sagot ko sa kanya ng bigla na lang nang amboy tong si Mitsui. "Aalis na kami wala bang paswerteng halik man lang jan para kay Rukawa.. Ha Kariya..?" Loko.. ano ba namang iniisip ng tanong ito?

"Oo nga naman.. saka ilang linggo din kayong di magkakasama.."

"Kaya kailangan ng paswerte"

Ang wika nina Miyagi at Sakuragi. "Sige pero sa pisngi lang ha.." wika ko. Hahalikan ko na si Kaede sa pisngi pero pumaling sya. Dahilan para mahalikan ko sya. Kinilig ang buong team.. "Ayun ang galawang Rukawa!" Ang sigaw ni Miyagi. "Amang Rukawa turuan mo po kami hahahahah." Ang pang aasar pa ni Mitsui.. "Tama na yan.. OKAY TEAM.. TAYO NA.. IUUWI NATIN TROPEYO. TAYO ANG MAGIGING NUMBER 1 SA BUONG JAPAN!" Ang wika ni Akagi at sumagot ang buong team. "OO!" At saka sila tuluyang umalis. Pero bumalik pa si Rukawa para yumakap at sabihing "mahal na mahal kita. Para sayo ang lahat ng ito." Matapos nyang sabihin ang katagang iyon sumunod na siya sa team..

Tuluyan nang umalis ang tren. At pinagdadasal ko na sana.. manalo sila. Hindi magiging madali ang lahat pero naniniwala ako na kaya nila.

Naglakad na ako palabas ng train station. Nang bigla akong hawakan ng isang lalaki. "Sumama ka sa amin..." alam ko na agad kung sino sila. Kasapi sila ng Mitsuki. Nanlaban pa ako sa kanila pero masyado silang madami. Wala ring nagawa ang mga guards na naroon sa lugar na iyon. At ngayon.. nakuha na nila ako..

(Ayako's P.O.V)
Sayang di nakasama si Kariya.. wala tuloy akong makajamming na babae ngayon. Ang tahimik ko dito sa loob ng kwarto na tinutuluyan namin dito at ang gulo ng mga lalaki sa kabila. Sino sino pa nga ba eh di yung mga gunggong na players ng Shohoku. Lalo na yung starting 5.

Natigil ang ingay nila mga bandang 11pm na din. Hindi na ako makatulog kaya nanood na lang ako ng balita..

"Isang babae na tinatayang 15 hanggang 17 anyos ang na kidnap bandang alas 8 ng umaga lang sa Kanagawa Train Station. Walang nakakikilala sa mga suspect subalit nakunan ng CCTV ang nangyaring krimen." Ang balita na sumambulat sakin sa pagbukas ko pa lang ng TV. Teka.. yung yumg oras na umalis kami kanina sa Kanagawa.

Ipinakita sa balita ang video na nakunan ng CCTV. Ganun na lang ako nanibugho at naipatak ko ang Remote Control ng TV. "Diyos ko, si Kariya.." ang wika ko sa sarili ko at di ko rin namalayan ang pagpatak ng luha ko. "Kinikilala ang biktima na si Kariya Okade.. First year High School student na nag aaral sa Shohoku. Pakinggan po natin ang panayam ni Ushio Tagara sa isang nakasaksi ng nasabing Krimen.. Ushio?" Pinatay ko na agad ang TV dahil di ko na kaya ang napapanood ko.. sa halip ay lumabas na lang ako para magpahangin.. pero mali.. doon ko iniuyak ang regrets ko na hindi ko sya napilit na sumama.

"Hindi pwedeng mangyari to.. kung napilit ko lang sana sya na sumama hindi sya mapapahamak.. Paano na? Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Rukawa ang nangyari kaya Kariya.." ang wika ko habang nakaupo akong yakap ang sarili ko. "Ayako.. ano bang nangyari?" Ang wika ng isang malaking boses.. pagtingjn ko si Captain Akagi pala.

Umupo sya sa tabi ko at saka ako kinausap. "Ayako, huminahon ka.. sabihin mo sakin kung anong nagyari? Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Captain Akagi.. "May masamang balita Captain Akagi. Na sana ay wag na munang makarating kay Rukawa hanggat di pa natatapos ang Championship." Ang panimula ko dahil kahit paano huminahon na ako. "Ano yun Ayako?" Muli nyang tanong. "Captain Akagi.. Nakidnap si Kariya kaninang umaga lang pagkaalis natin ng Kanagawa.." sa wakas nasabi ko din. "Paano ka nakasigurado?" Agad akong nag on line at ipinakita ang balita na nasa news feeds ng Instabook ko. " Ano.. Totoo ba ito?" Ang nawika nya sa sarili nya nung nabasa bya ang news article.

"Tama ka.. hindi nga ito maaaring malaman ni Rukawa hanggat di natatapos ang Championship Games. Makakasira ito sa konsentrasyon nya sa laro. Kung nagkataon.. paralisado tayo dahil aminin ko man o hindi. Magalit na ma sina Mitsui at Sakuragi.. malaki ang papel na ginagampanan nya dahil sya ang Ace Player." Wika nya

"Kung pwede ai Coach Anzai na lang muna ang kausapin natin tungkol dito. Hilingin natin sa kanya na no TV and any gadgets hanggat di pa tapos ang championship." Ang suhestyon ko sa kanya na agad nyang sinang-ayunan.

Kinabukasan pagkatapos ng breakfast namin kinausap namin ni Captain Akagi si Coach Anzai. "Mukhang Siryoso ang mga mukha nyong dalawa. May problema ba?" Tanong nya sa amin. "Coach, emergency po ito. At sana po ang usapan nating ito ay sa atin na lang po muna at wag nang makarating sa ibang players lalong lao na kay Rukawa.." ang wika ni Captain Akagi. "Lalong lalo na kay Rukawa? Mukhang siryoso nga ang problema.. ano ba yon?" Muli nyang tanong sa amin

"Coach, na kidnap po si Kariya kahapon ng umaga pagkaalis namin ng Kanagawa. Ito po ang news article na magpapatunay na totoo ang sinasabi namin." Sabay pakita ko ng news article. "Masama ito.. sa tingin nyo Akagi, Ayako, ano ang dapat nating gawin.. may naiisip ba kayong ideya? Sigurado akong di kayo sasangguni sa akin ng walang naiisip na paraan para sa problemang ito. "Meron nga po kaming naisip ni Ayako. Pagsang ayon nyo lang po ang hinihintay namin. Kung pwede po sana ay pansamantalang kumpiskahin nyo muna ang mga gadgets ng bawat isa at bawal po manood ng TV hanggat di pa tapos ang Championship Games." Ang wika ni Captain Akagi kay Coach Anzai. "Hhmmm, mukhang wala nang ngang ibang paraan para maitago natin ito. Sige. Kukumpiskahin ko ang mga gadgets nila ngayon din. Halikayo.." at sumunod na lang kami kay Coach..

Nang Dumating KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon