Natapos ang laban ng shohoku at miuradai. Pinapasok ng coach si Naito noong 2nd half. Tulad ng inaasahan ko tinandaan nga ni Rukawa ang paalala ko sa kanya. Alam kong napansin din nila Taki-kun ang kahinaang iyon ni Naito. Nauna na akong lumabas sa kanila.
Habang naghihintay ako sa gate dumating si Akira. "Congrats sa Team mo Wifey." Ngumiti sya pagkasabi noon habang lumalapit sa akin. "Salamat" ang tangi kong nasabi. "Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong nya sa akin. "Hinihintay ko pa ang team eh" "Talaga? Baka naman si Rukawa ang hinihintay mo ha." Nako naman Akira. Yan na naman ba ang jealousy mode mo ha. "Eh ano naman sayo kung ako ang hinihintay nya" Si Rukawa kasama ang team. "Congrats sa inyo Akagi. Umaasa akong magkakaharap muli ang team natin". Ang nakangiting wika ni Akira. "Oo naman, asahan mo yan." Sagot ni Taki-kun. Tumango si Akira at sinabing "Sige na, ako na ang maghahatid kay Kariya, mauna na ka-" "Ooppppsss pasensya na mauna na kami" ang wika ni Rukawa sabay hatak sa akin palayo kasama nya. Nako Rukawa yan na naman ang childish part mo..
Nauna nga kami pero sa tren kami nagpang-abot. Kaya kasabay ng Shohoku ang Ryonan sa tren. Natatakot na yung mga nasa tren kasi ang tatangkad ng mga kasama ko. Samahan pa ng mga unggoy at Gorilla. Saan ka pa. Habang ang ibang babae na kasabay namin lalo na ang mga high school girls ay nagpapa cute. Ang sama ng tingin nila sa akin dahil nakahawak sa bewang ko si Rukawa dahil hindi ko abot ang handle. Pero ang di nila alam, si Akira nakahawak sa kamay ko. "Bonsai, wag kang tatabi kina Sendoh at Rukawa... Nagmumukha kang dwende nyahahahah". Sira ulo tong unggoy na to. "Ano ka ba Hanamichi. Wag ka namang ganyan magsalita, hindi sya Bonsai o dwende...." ang wika ni Miyagi kay Sakuragi. "Kasi isa syang.....Kabute nyahahahaha" Isa ka pang kulot ka. "Ayako pwede paki hampas ng pamaypay ang mga iya-" hindi pa ako nakakatapos magsalita napagsasapak na sila ni Ayako ng dakila nyang pamaypay. "Ang lalakas ng apogs nyo na magpaiyak ng elementary, nakakahiya kayo" Sinamaan ko nga ng tingin si Ayako.. "lagot ka sa akin mamaya....". "Hayaan mo na Kariya, nagbibiro lang sila. Ang cute mo kayang maasar alam mo ba yun?" Ang wika ni Akira.
Bigla na lang pumreno ang tren. Sa lakas ng preno nabitawan ako ni Rukawa. Pinaikot ako ni Akira dahil hawak nya ang kamay ko at nasalo ako ng yakap nya habang ang isa nyang kamay at naka hawak pa din sa Handle. Ngayon, kita na nila ang kamay ni Akira na nakahawak sa kamay ko. Si Ayako sa likod ni Mitsui, napayakap kay Kogure na nasa tabi lang nila. "Traydor ka Kogure!" Ang sabi ni Miyagi "Miyagi wag dito nakakahiya" saway ni Taki-kun at nakinig naman si Miyagi. "Okay ka lang ha?" Tanong sa akin ni Akira pagka takbo ulet ng tren. Sa kabilang station pa kasi ang baba namin. "Oo salamat" bumitaw na ako sa kanya. Marami na din ang bumaba kaya nagluwag na sa loob ng tren. "Aba, nangangamoy..... SULUTAN". Ani Sakuragi.. "Ano ka ba Sakuragi, walang sulutang nagaganap. Hindi naman jowa ni Kariya si Sendoh o si Rukawa" ang sagot ni Mitsui. "Ganun ba? Eh di pagbotohan na lang natin kung sino ang bagay kay Bonsai. Taas ng kamay ng Team Akira-Kariya!" Nagtaas ng kamay ang mga team ng Ryonan. Pati na si Sakuragi. Ano na namang trip ng hayop na to. "Traydor ka talagang gunggong ka." Ang wika ni Rukawa with a weird chibi face.
(Rukawa's P.O.V)
"Traydor ka talagang gunggong ka." Yan lang ang nasabi ko sa traydoran ni Sakuragi.FLASHBACK
Nasa locker room ako ng basketball team para magbihis. Kasabay ko si Gunggong na Sakuragi. Palabas na ako ng magsalita si Sakuragi. "Hoy Rukawang Soro. Wag kang magsisinungaling... May gusto ka kay Bonsai ano. Aminin mo" Hindi ako nakapagsalita dahil di ako makapaniwala na alam nya yun gayong wala naman akong pinagsasabihan tungkol sa nararamdaman ko para kay Kariya. "Wag ka nang magkaila. Hindi na bago sa akin ang mga galawan mo. Di mo man sabihin pero alam ko na ayaw mong makitang umiiyak si Bonsai. Nung isang araw ng makita ko kayong magkasama alam kong masaya ka. Ayaw mo syang nakikitang masaktan." Anong nakain ng gunggong na ito at ang siryoso nya ngayon? "Pero pustahan tayo wala kang pag asa sa kanya" dagdag pa nya at pagkatapos noon ay tumawa sya ng tumawa.
End of FLASHBACKTatlong araw na ang nakararaan mula nang mangyari yon. Pero di pa mawala wala sa isipan ko ang imahe ni Sendoh na naka-back hug kay Kariya. Sa inis ko nahampas ko ang lamesa ko. Nagulat ang teacher namin. "Ano ba Mr.Rukawa, wag kang manggitla. Saka anong nakain mo at di ka tulog sa klase ko ngayon?" Sabi ni Matsuura-sensei. Nakatingin lang ako sa kanya. "Bweno, maiba pala ako. Wala ngayon si Teacher Mamizuka. Pero wag kayong magsaya dahil tuloy pa rin ang post examination ninyo dahil marami kayong bagsak. Freshman din ang magbabatay sa inyo pero wag nyo syang mamaliitin." Sabi nya. Hay nakakainis naman.. Nagring na ang bell ibig sabihin nun, tapos na ang period ni Matsuura-sensei. Ang nakaka antok na science naman ang next subject. Nagiingay na naman ang classmates ko pero ito ako naka subsob sa lamesa. Bigla na lang silang nanahimik. Bakit kaya? Mayamaya may sumapak ng ulo ko at sinabing... "Kaya ka naman pala bumabagsak sa mga Exams mo eh... Lagi ka ba talagang tulog?" Nakakainis ang sarap ng idlip ko eh.. "Nako miss, sapakin mo na lahat dito sa klase namin wag lang si Rukawa" sabi ng class president. Pagtayo ko para tignan kung sino ang nanapak... "Miss, takbo na" sabi mg katabi ko. "Kariya?". Sabi ko "Anong ginagawa mo dito?" Dagdag ko pa. Pumunta sya sa harap ng black board at umupo sa teacher's table. "Ako si Kariya Okade, freshman section 2. Ako ang magbabantay sa post examination ninyo. Sana maging mabait kayo" ang pakilala nya. "Ganun? Sige na ipamigay mo na ang test papers." Sabi ko na ikinagulat ng mga classmates ko. "Si Rukawa ba yun?" "Ngayon ko lang yata sya narinig na magsalita ah," side comments ng mga classmates ko. "Alam mo Rukawa, gusto ko muna sana kayo i-review bago ibigay ang mga test papers na to. Pero gusto mong ipamigay ko na" ang wika nya habang lumalapit sya sa akin. Nginitian nya ako kaya nakita ko na naman ang dimples nya... Ano ba to, ang dugo ko napunta yata lahat sa ulo ko. "Pero sa bagay di naman ako teacher eh, get one and pass." Kaya naman ipinasa na namin ang mga test papers. "Kariya, kelan chechekan to?" Tanong ko. "Mamaya pagkatapos ng exam nyo. Nasa akin na ang key to corrections. Bakit?" Sabi nya. "Kapag nakapasa ako makikipag-date ka sa akin sa linggo" sabi ko. Nagulat sya alam ko. "Tama ba ang narinig ko? Inaya sya mag date ni Rukawa?" Sabi ng babae sa likod ko. "Itong si Rukawa, tahimik lang pero matinik dumiskarte sa babae." Sabi ng president namin. "Sige Kaede. Tapos kapag nakakuha ka ng pinakamataas na score, papayag ako na magpaligaw sa iyo tulad ng gusto mo". Wika nya. Kinilig naman ako aaminin ko yun. Sige, ipapasa ko itong test na ito.
Ang test namin ay di tulad ng dati na panay kalokohan at tularan. Mga behave ang mga gunggong kong kaklase ngayon. Pano ba naman. Ang mahuling may kodigo sinasapak ni Kariya ng notebook nya. Ang mahuling manggaya mapapahiya. "Ibang klase, ang babaeng ito. Wala pang nakakagawa ng ganun sa akin... lagot ka sakin mamayang dwende ka..." sabi ng basagulero kong kaklase. Nainis ako, lumapit ako sa kanya at hinampas ko lamesa nya. "Subukan mong hawakan kahit dulo ng buhok ni Kariya. Sa punerarya ang tuloy mo" sabi ko at hinawakan ni Kariya ang balikat ko. "Yameru Kaede-kun. Bumalik ka na sa upuan mo. Alam mong kulang pa sya sakin kapag nasaktan ako." Bumalik na nga ako sa kinauupuan ko. Nginitian nya ako at kinilig na naman ako.
Tapos na ang exam at tapos na ring chekan. "So far lahat naman kayo nakapasa. Walang bumagsak. Pero ang may pinakamataas ng nakuhang score ay si..." pa suspense pa naman eh. "Sigurado si President ang nakakuha" sabi ng isa. "Bakit sino bang president?" Tanong nya. "Si Haruki Nishi" ang sagot ng katabi ko. "Si Haruki Nishi, 8 ang mali nya out of 50 items... Samantalang si Rukawa 5 ang mali nya. So therefore, si Kaede Rukawa ang nakakuha ng pinakamataas na score" ang paliwanag nya... Pasa ako at pinakamataas pa ang score na nakuha ko. Napangiti naman ako.. "Ano? Siryoso? Himala yata" ang wika ng President. "Iba talaga ang nagagawa ng LOVE" dagdag pa ng lalaki sa likod ko. Ibig sabihin, Pwede na akong manligaw kay Kariya. May date pa kami sa linggo.
BINABASA MO ANG
Nang Dumating Ka
Fanfictiontungkol sa isang mayamang high school girl na naghahanap lang ng bagong experience. Ayaw magpakasal sa lalaking gustong ipakasal sa kanya. Pero wala syang magagawa laban sa gusto ng mga magulang nya. Kaya nakiusap sya na payagan syang mag aral sa is...