(Kariya's P.O.V)
Kinilig talaga ako sa ginawa ni Kaede kagabi. Andito lang ako sa lamesa nang biglang dumating ang dalawang substitute player "Magandang araw" sinapak sila ni Ayako ng pamayapay nya. "Ayako, ang init naman yata ng ulo mo." Reklamo nila. "Ang hina kasi ng sigaw nyo. Ang susunod nating makakalaban ay ang Shoyo. Ang may mga pinaka matatangkad na player sa buong distrito. Kaya dapat lagi kayong buhay at masigla! Ulitin nyo ang sigaw nyo!" Paliwanag ni Ayako. At inulit mga nila ang pagsigaw nila. "MAGANDANG ARAW!" "Hayan, kung ganyan ba kayo ng ganyan magkakasundo tayo". Sagot ni Ayako."Magandang araw" bati ni Rukawa sabay halik sa pisngi ko. Pagtingin ko sa kanya hinawakan ko ang mukha nya. "Hoy Kaede Rukawa. Bakit may pasa ka sa mukha?" Tanong ko. Napatingin naman ang team. "Wala ito. Wag mong alalahanin." Sagot nya. "Anong wag alalahanin... Rukawa nagtanong ako sayo sumagot ka." Pagmamatigas ko. "Awat na Bonsai, namumula ka na sa inis eh. Puputok ka na" sabi ni Sakuragi. "Hoy ikaw na gunggong na pulang buhok, manahimik ka. Babalian kita sinasabi ko sayo." Nanahimik nga si Sakuragi sa sinabi kong iyon. "Ngayon sabihin mo. Paano kang nagkapasa sa mukha mo?" Tanong ko pa at napabuntong hininga na lang si Rukawa at sinabing. "Kagabi pagkagaling ko sa bahay mo, hindi ko alam na inaabanagan pala ako ni Sendoh doon sa kanto. Nag-away kami. Kaya nagkapasa ako sa mukha" sagot nya. Siryoso? Nag-away sila ni Akira kagabi... "Ano kamo Rukawa? Nag-away kayo kagabi ni Sendoh?" Tanong ni Mitsui "Pero bakit?" Dagdag pa ni Miyagi. "Mahal, okay lang sa akin kung sabihin mo sa kanila. Pero sana wag nang kumalat ang katotohanang ito.. " sabi nya sa akin. Lumapit ako sa kaniya at tumabi sa kanya.
"Anong ibig nyong sabihin? Meron ba kaming hindi nalalaman?" Tanong ni Kogure. "Kulang pa ang pagkakakilala nyo sa akin" "Ibig sabihin hindi ka tao? Dwende ka talaga?" Sabi ni Sakuragi with a chibi face. Sinapak sya ni Ayako ng pamaypay nya. "Manahimik ka" sabi nya at nagpatuloy na ako. "Ako si Kariya Shimajiri Okade. 16 years old, freshman. Si Akira Sendoh ng Ryonan... Naka-fixed marriage ako sa kanya bago pa man nyo ako makilala." Paliwanag ko sa kanila. "ANO?! SIRYOSO KA BANG BONSAI KA?!" sigaw ni Ayako. "Aba Rukawa, ikaw pala tong nang-agaw eh. Pagmamay-ari ni Sendoh pinatos mo." Sabi ni Mitsui. "Wala akong inagaw bungal" "Wala daw, eh ano kayang ginawa mo" mabilis na sagot ni Miyagi. "Kariya, gwapo naman si Sendoh at sporty. Pangarap ng mga high school girls at wala ka nang hahanapin pa. Bakit mo sya pinagpalit kay Rukawa" sabi ni Ayako. "Bastusan ba to ha Ayako? Andito ang gwapong boyfriend ni Kariya oh" si Rukawa na nakaturo sa sarili nya. "Ayako nagseselos na ako" ang maluha-luha pang dagdag ni Miyagi. "Napakakomplikado naman ng sitwasyon nyo." Sabi ni Ayako. Tumango na lang ako. Pero wala akong pakealam hanggat nasa akin si Kaede.
Matapos kong gamutin ang pasa ni Rukawa sa mukha, nagpractice na ulet sila. Ang Shoyo, isa nga sila sa may mga pinaka matatangkad na players sa Kanagawa district. Balita ko, meron silang playing coach na manager na rin. Ano to all in one lang? Tatlo ba katawan ng taong iyon? Pero sa bagay pakealam ko naman.
4:30 pm nang matapos ang practice. Hindi kasi namin dapat maliitin ang Shoyo dahil kasali sila sa top 4 last year. Hinihintay ko si Kaede sa may gate ng mamataan ko si Akira. "Bakit naman mag-isa ka lang ka Wifey?" Tanong nya pero di ko sya pinansin. Bakit naman ang tagal ni Kaede. Hinawakan nya ang braso ko. "Tinatanong kita sumagot ko." Ang siryoso nyang wika. Kita sa mga mata ang galit na ngayon ko lang nakita. Ang pagkahawak nya sa braso ko ay hinihigpitan pa nya. Dahilan para masaktan ako. "A-a-aray ko... Akira nasasaktan ako bitawan mo ako. Ano ba bitawan mo ako!" Ang sigaw ko. "Sa akin ka Kariya, mababawi din kita kay Rukawa. Kaya sa ayaw mo at hindi sasama ka sa akin." Ang bulong nya. "Tumigil ka na Akira nasasaktan na ako!" Sigaw ko. Ngayon lang ako natakot ng ganito sa kanya. "Bitawan mo sya Sendoh" si Rukawa. Pero hindi pa rin ako binitawan ni Akira. Hinawakan ako ni Rukawa sa kabila kong braso. "Sabi nang bitawan mo si Kariya, bingi ka ba?" Sabi pa ni Rukawa. "At bakit? Binabawi ko lang naman kung ano ang akin." Sagot ni Akira. Nagpumiglas ako sa pagkahawak ni Akira kaya nakawala ako.
"Akira tama na, tigilan mo na ako. Pakiusap, ngayon lang ako naging masaya. Sa unang pagkakataon, sinunod ko ang puso ko at hindi ang kagustuhan ng aking mga magulang. For the first time, hindi ako dumepende sa opinyon ng iba. Alam mo na simula bata ako ay lagi na lang akong mag-isa. Laging nakakulong na parang kriminal na wala namang ginawang masama. Ngayon ko naranasan ang totoong saya..." at di ko na napigilan ang luha ko. "Ngayon ko lang naranasan ang magmahal at mahalin... Ang ngumiti ng di hinihiram sa iba ang saya.... Ang ipaglaban ang mahalaga sa akin.... Nagpapasalamat ako sayo dahil ikaw ang tumulong sa akin upang maging malaya ako mula sa apat na sulok ng aking silid... Akira.... Alam kong kalabisan na ang hinihingi kong ito... Subalit nagmamakaawa ako sayo.... Kahit ngayon lang.... Hayaan mo akong maging masaya kasama si Kaede"
"Talaga bang masaya ka sa piling ni Rukawa?" Tanong ni Akira.. "Oo Akira" sagot ko sa kanya. Hinawakan ako ni Rukawa sa kamay ko. "Rukawa, nangangako ka ba na iingatan mo si Kariya at pakaaalagaan? Nangangako ka bang hindi mo sya sasaktan at iiwanang mag-isa?" Tanong ni Akira kay Rukawa. "Mahal ko sya Sendoh. At kahit minsan ay di ko gagawin ang pananakit na ginawa mo sa kanya kanina" sagot naman ni Kaede. "Kariya, mahal na mahal kita. Gusto ko na maging masaya ka. Kung mahal ka ni Rukawa wala akong magagawa. Hinihiling ko lang na sana... mahalin ka nya higit pa sa pagmamahal ko sayo. Rukawa, mahal na mahal ka ni Kariya. Kaya nyang talikuran ang karangyaan na meron sya. Makasama ka lang. Kapag sinaktan mo sya... Isinusumpa ko na babawiin ko sya at di mo na sya makukuha pa." Ang wika ni Akira. Ngumiti sya bago umalis.
Nang malayo na sya ay niyakap ako ni Kaede. "Sorry, nahuli ako ng dating. Nasaktan ka tuloy." Wika nya. "Hindi mahal ko, tama lang ang dating mo." Sagot ko sa kanya. Tinignan nya ang braso ko na hinawakan ng mahigpit ni Akira. "Magiging pasa ito. Sigurado ako." Sabi nya. "Sanay na ako sa pasa.. Ano tara na..." sagot ko at tumango naman sya. "Teka, si Sendoh yun diba?" Tanong ni Taki-kun. "Ano naman ang ginawa nya dito?" Tanong ni Mitsui. "Sa palagay ko binabawi na nya ang pagmamay-ari nya" dagdag pa ni Miyagi. "Umuwi na lang kayo" sabi ni Kaede na parang nang aasar. "Asus, binabawi nya si Kariya sayo ano. Aminin mo." Sabi ni Mitsui. "Wala syang babawiin kung isinuko na nya" yun lang ang isinagot ni Kaede sa kanila. Nabigla sila alam ko yun.
Sana, mapatawad ako ni Akira sa nagawa kong ito. Alam ko na masakit ito para sa kanya. Ipagdarasal ko na maging masaya ka... Akira.
BINABASA MO ANG
Nang Dumating Ka
Fanfictiontungkol sa isang mayamang high school girl na naghahanap lang ng bagong experience. Ayaw magpakasal sa lalaking gustong ipakasal sa kanya. Pero wala syang magagawa laban sa gusto ng mga magulang nya. Kaya nakiusap sya na payagan syang mag aral sa is...