CHAPTER 36: Runaway Celebrant

60 3 0
                                    

"That is a heart warming message from you Mr.Okade and now... may we call on... The mother of our celebrant for her message. Mrs.Okade" ang wika ng announcer. Umakyat na sa stage ang nanay ni Kariya habang nakatingin sya sakin. "Kaede, kaya natin to." Wika sakin ni Kariya. Tumango lang ako kasi... sa totoo lang di ko gusto ang tingin sakin ng mommy nya.

"Kariya, happy birthday. Thank you for being a good daughter for 16 years. 16 years na lagi kang sumusunod sa gusto namin ng daddy mo. Thank you for that. Lagi mo sanang tatandaan na kung nagiging istrikto man kami minsan, yun ay dahil mahal ka namin at ayaw ka naming masaktan ng Dad mo. But yet, I think pain made you stronger. I'm so happy to have you anak. Ang you'll always be my sweet strawberry. Happy birthday." Wika ng mommy nya.

Si Akagi naman ang sunod na nagbigay ng speech. "Hindi ako magaling magsalita. Magaling lang ako mag basketball Kariya. Alam mo yun. So, kasama ang buong shohoku basketball team, Happy birthday Kariya. Maswerte kami dahil pumayag ka na maging assistant manager namin. Nagpapasalamat din kami sa suportang ibinibigay mo. Kariya, ikaw ang bunso ng team. Pero kapag alam mong mali parang ikaw na ang Ate. Lagi naming hahanaphanapin ang pananapak mo ng notebook para lang matuto kami sa aming pagkakamali. Ayokong paiyakin ka. Birthday mo ngayon, saka baka mabigwasan pa ako ng katabi mo. Again Kariya, Baby Bonsai namin... Happy birthday." Ang message ni Akagi. Lahat ng kaibigan nya nag message. Pwera lang kay Sendoh na wala dito dahil pinakidnap nga ni Daddy Shion.

Masayang natapos ang program. Nauna nang umalis sina Akagi at ang iba pa. Naiwan kami ni Sakuragi dito dahil sya ang personal guard bi Kariya at... kakausapin daw ako ng dakilang dragon. Ang mommy ni Kariya. Andito kami ngayon sa veranda.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa Mr.Rukawa lubayan mo si Kariya." Wika ng Mommy ni Kariya. Samantalang ako, nakatingin lang sa kanya. "Ikakasal na si Kariya kay Akira. Bago ka pa man dumating sa buhay ng anak ko, nakatakda na sya kay Akira kaya layuan mo ang anak ko. Magkano ba ang kailangan mo para hiwalayan mo ang anak ko? Name the price and I'll give it to you." Dagdag pa nito. Dahil nainsulto ako sa sinabi nya... nagsalita na talaga ako.

"Ganyan po ba ang tingin nyo sakin? Mukhang pera? Dukhang gold digger? Sobra naman po kayo. Pero palalampasin ko ang masasakit nyong salita dahil iginagalang ko po kayo. Bilang kayo ang ina at ang nagluwal sa babaeng pinakamamahal ko. Pero ito lang po ang sasabihin ko sa inyo. You can drag me down to hell but you can never erase the love that I have for her. Kaya kahit anong sabihin nyo..  kahit anong gawin nyo... ipapatay nyo man ako o sirain ang buhay ko... di ko iiwanan si Kariya. Dahil mahal ko po ang anak nyo." Wika ko kay Mrs.Okade habang nakatingin ako sa mga mata nya.

Bigla nalang akong sinampal ng mommy ni Kariya. "Mommy ano ba?!" Wika ni Kariya na di ko alam na nandun pala sa may pinto. "Haraki! Ano bang ginagawa mo?!" Sigaw ni Daddy Shion na kasama pala ni Kariya.

Agad yumakap sakin si Kariya. She cupped my face and said "Okay ka lang ba ha Kaede?" Tanong nya. "Wala ito Kariya. Wag kang mag alala." Pang aalo ko sa nag aalala kong girlfriend. "Haraki, hindi na tama ang ginagawa mo. Tama ba namang sampalin mo si Kaede at pagsabihan sya ng ganun ha? Sinabi ko na sayo. Hayaan mo na silang dalawa. Dahil hindi lahat ng gusto mo makukuha mo." Wika ni Daddy Shion na pilit na humihinahon. "Kung di nya hihiwalayan si Kariya, masisira tayo sa kasunduan." Sagot ng mommy ni Kariya. "Oh come on Mommy, reputation lang ba talaga ang mahalaga sayo ha? You are manipulating my life from the start. Kaya tama na Mom. Ayoko nang dumipende pa sa inyo, sa mga desisyon nyo. For the first time, lalabagin ko ang utos nyo dahil mahal ko si Kaede. Kunin nyo ang lahat sakin pero di ako lalayo kay Kaede mommy. Disown me as your daughter, you can even slap my face too. Pero di ako lalayo sa kanya. Sorry... pero di nyo na ako mahahawakan pa sa leeg." Wika ni Kariya. Umiiyak na naman sya. Kaya niyakap ko sya.

"Enough Haraki, hindi na tama ang ginagawa mo. Hindi tamang makealam ka pa sa buhay ng anak mo. Sige na mga anak. Runaway, ako na ang bahala sa kanya." Pagkawika noon ni Daddy Shion umalis na kami ni Kariya.

(Kariya's P.O.V)
After that incident, nagpunta kami ni Kaede sa tabing dagat. Doon sa may batuhan... kung saan hindi ko na napigilan ang pag iyak ko. Habang yakap ako ni Kaede. "Bakit ang sama sama ni Mommy.... Hindi ko maintindihan kung ano bang kasalanan ko..." ang wika ko sa gitna ng pag iyak ko... "Wala kang kasalanan Kariya, wala kang kasalanan. Ang mommy mo, hindi nya lang talaga tayo naiintindihan." He cupped my face saka saya ulet nagsalita "pero pangako Kariya, hindi hindi kita iiwan. Ipaglalaban kita. Hindi na ako papayag na mawalay pa sayo. Hinding hindi kahit kailan. Hindi kita susukuan..." ang wika nya.. and then he kissed me passionately. And when we broke the kiss... pinunasan nya ang luha ko. Now I feel better.

Ihinatid na ako ni Kaede sa bahay. "Gusto mo bang samahan pa kita kahit saglit pa?" Tanong nya sakin. "I need you every second. Alam mo yan..." sagot ko sa kanya. "Sige na.. magpalit ka na sa taas. Uuwi muna ako sa bahay tapos babalik din ako." Wika nya sakin at umuwi na nga sya pag akyat ko.

Tinupad nya ang pangako nya na babalik sya. Bumalik nga sya. Nakaupo lang kami sa veranda. "Alam mo, di ako mapakali..." wika ni Kaede sakin at napatingin ako sa kanya. "May pakiramdam ako na hahabulin at hahabulin ka ng tauhan ng Mommy mong Dragon." Dagdag pa nito. "So ano nang balak mo?". Tanong ko sa kanya. "Gusto sana kitang dalhin sa ancestral house nila Lolo st Lola." Sagot nya sakin. Sumandal ako sa balikat nya. "Kaede, wag ka nang masyadong mag alala sakin. Si Daddy di naman nya ako papabayaan. Gusto kong mag enjoy ka sa laro nyo sa interhigh." Wika ko.

"Hindi ka ba sasama?" Tanong nya sakin. "Gusto ko sana eh. Kaso may gagawin kasi kaming project. Nagsabay sabay pa kaya kailangan kong tutukan. Nag paalam na ako kay Coach Anzai. Pero kung makakahabol ako, pangako susunod ako." Wika ko at niyakap nya ako. "Okay lang. Ipapanalo namin ang laban..." tangi nyang sagot sakin.

Nang Dumating KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon