(Rukawa's P.O.V)
Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Ayako. Galit ako sa kanya. Paano mya nailihim sa akin ang bagay na yun? Ano akala nya sakin walang presence of mind?Nandito na ako sa St.John the Baptist na ospital dito sa Aichi. Buti na lang malapit lang to sa venue. Pagdating ko sa kwarto ni Kariya naabutan ko na lang sya na nakahiga sa hospital bed. Naka-Oxygen at walang malay. Nandun din sa loob ng kwarto si Sendoh, si sir Shion at si Mrs.Okade "Ano pang tinatayo tayo mo jan sa pinto. Pumasok ka Kaede." Wika ng Dragon. Aba ano kayang hangin ang pumasok sa utak nito. "Opo" ang tangi kong nasabi. Umupo ako sa sofa sa harapan nila. "Pasensya na po, hindi ko po alam na nakidnap sya... inilihim po ni coach sa amin ang tungkol dun." Ang paliwanag ko sa kanila. "Naiintindihan ko. Wala kang dapat ihingi ng tawad Kaede." Wika naman ni Sir Shion. "Paano po sya nakita?" Ang tanong ko sa kanila. "Ako ang nakakita sa kanya. Papunta na kami sa venue ng laro nyo nang may mabundol kami. Di alam namin na si Kariya pala yun. Kaya agad namin syang dinala dito." Ang paliwanag ni Sendoh. "Pambihira ka Sendoh, nakita mo nga si Kariya pero binundol mo naman. Hindi ko tuloy alam kung magpapasalamat ako sayo o papatayin kita sa sakal." Wika ko sa kaniya.
Bigla na lang natawa si Sendoh at si sir Shion. "Alam mo Kaede, yan din ang sinabi ni Haraki kanina kay Akira pagdating namin dito." Sabi ni Sir Shion.
Maya maya pa ay umupo na ako sa tabi ni Kariya. Hinawakan ko ang kamay nya at pinisil ko ito ng bahagya. Parang kailan lang, hinahagkan pa ng kamay na ito ang aking pisngi habang kinakantahan nya ako. "Kariya, gising ka na... namimissed ko na yung mga pagkakataon na hinahagkan mo ang pisngi mo habang kinakantahan mo ako. Pangako, di na kita iiwan." Ang tangi ko naibulong sa sarili ko. "Kaede, pwede tayong mag usap sa rooftop? Just the two of us." Wika ni Mrs.Okade at tumango lang ako bilang pagsagot.
Sumunod ako sa kanya sa rooftop. "Ano pong pqg uusapan natin?" Tanong ko. "First of all gusto kong magpasalamat sayo. Nang dahil sayo nakita kong masaya ang anak ko. Bagay na kahit kailan hindi ko nagawa. Nang dahil din sayo, naging matapang sya at natutong ipaglaban ang gusto nya. Bagay na ako dapat ang nagturo sa kanya matagal na. Lahat ng mga di ko naituro sa kanya ikaw ang nagturo sa kanya. Salamat Kaede." Wika nya. "Wala naman po akong ginawa kundi ang mahalin at mapanatili syang masaya." Sagot ko naman. "Yun na nga Kaede, minahal mo sya. Salamat.. kukunin ko na rin ang pagkakataong ito para humingi ng tawad dahil sa pagtutol ko noon sa inyong dalawa. Wag kang mag alala, mula ngayon hindi lang si Kariya ang poprotektahan ko. Kundi kayong dalawa... at kung ayaw mo akong magalit ulet sayo wag mo na akong tatawaging Mrs.Okade okay?" Nagtaka ako ako sa mga sinabi nya. "Eh ano po palang itatawag ko sayo?" Tanong ko. "Alam mo wala akong anak na lalaki. I want a son pero sa edad kong ito di na ako magbubutis. Why dont you call me... Mommy?" Sagot nya sakin. Seryoso? Mommy talaga? "Sige po.. Mommy.." ngumiti sya pero mag text sakin si Akagi. Nasa kwarto daw sila ni Kariya. "Kailangan na po nating bumalik sa kwarto Mommy.. andun ang team mates ko." Sabi ko. "Ganun ba? Bakit di tayo bumili ng mamiryenda nila." Wala akong nagawa dahil ang mahal na reyna pa rin ang masusunod.
Bumili kami ng mamiryenda ng mga kupal na yun. Pagdating namin pinagtinginan nila kami. "Opo Mommy, sa totoo lang tahimik talaga ako. Si Kariya lang ang nagpadaldal sakin..." wika ko. "Aba mukhang namana ni Kariya sa akin ang pagiging Dominante hahahah!" Sabi naman nya sabay halakhak. Sinong magsasabi na wagas naman pala kung makahagalpak ang matandang ito. "Teka... totoo ba tong nakikita ko?" Wika ni Miyagi. "Si Rukawa kasama ang Mommy ni Kariya.." dagdag pa ni Mitsui. "Oh, ano namang masama dun? Sya ang manugang ko dapat talaga magkasundo kami." Sagot ni Mommy sa kanila. "ANWAH? Tama ba narinig ko?" Ang tanging nasabi ni Miyagi. "Manugang daw....?" Dagdag pa ni Mitsui. "Buti na lang wala dito si Sakuragi. Kung hindi, sa kanya mapuounta ang most OA award." Ang sabi naman ni Kogure.
Nakita ko yung notebook ni Kariya sa may table. Kinuha ko yun at isinapak sa kanila. "Aray.." "Tulog si Kariya pero wala pa ring ligtas sa notebook nya.. naman..." ang angal ng dalawa. "Ang tatabing ng dila nyo. Wala kayong galang kay Mommy." Wika ko.. "Ano daw? MOMMY?!" Ang rinig kong sabi ni Kogure. "Naks, iba na ang level mo Rukawa, Nice one..." wika naman ni Miyagi. Hay ang gugulo talaga nila. "Syanga pala mga bata, nabalitaan ko na nagchampion kayo sa interhigh. Ito konting regalo para sa inyo. Bumili ako ng mamiryenda nyo." Wika ni Mommy. "Wow..." sabay sabay na wika nina Miyagi at Mitsui.
"Maganda ang naisip mong iyan Haraki.. pero bakit kulang kayo? Nasaan si Hanamichi?" Napansin ni Sir Shion. "Ikinalulungkot po namin, na-injury po sya. Iko-confine po sya sa isang rehabilitation center para gumaling sya." Sagot naman ni Akagi. "Ganun ba? Kaya pala wala ang maingay... Kung gayon ipapahanap ko kung saan sya irerehab para matulungan ko sya sa gastusin." Wika ni Sir Shion. "Sa ngalan po ni Sakuragi, maraming salamat po." Ang sagot naman ni Akagi.
Mamaya pa dumating sina Mama at Papa. "Kaname, nandito ka na pala..." wika ni sir Shion. "Mama, Papa. Pano nyo po nalaman? Sasabihin ko pa lang po sana paguwi ko ng bahay. Nalowbat ang cellphone ko." Paliwanag ko dahil alam ko na tatalakan ako ni Mama. "Ikaw Kaede Rukawa, di porke mas malaki ka sa akin at magaling kang basketball player babaliwalain mo ako. I'm still your mother bakit di mo man lang ako na-contact within one month.?" Ayun na ang sinasabi ko. Tinalakan ako ni Mama. "Hay nako Kaname, itong si Miracle parang si Haraki rin kung minsan. Lalo na kapag tinalatakan ang anak nya." Wika ni Sir Shion. "Oo tama ka.." sagot naman ni Papa. "Miracle, tama na.. Okay na, relax ka lang.." wika ni Mommy. "Hay jusko.. sumasakit ang ulo ko sayo Kaede." Dagdag pa ni Mama.
Mayamaya pa umalis na ang team at huminahon na din si Mama. "Buti nahanap na sya. Nakakalungkot lang na inabot nya pa ang bagay na ito. Masyado syang mabait para sapitin ang aksidente." Wika ni Mama. "Wala tayong magagawa. Walang may gusto ng nangyari." Sagot naman ni Mommy. "Salamat nga pala Haraki, sa pagtanggap mo sa anak ko. Alam mo ba na napakalaki na ng pinagbago ni Kaede mula ng makilala nya si Kariya. Noong una wala syang bukambibig kundi si Kariya. Si Kariya strikta pero maalalaahanin. Mama, nagkaroon ng away kanina sa Gym pero ginamot ako ni Kariya." Wika nya. "Sige Mama, ibuking mo pa ako.. masaya ka jan eh." Sagot ko kay Mama. "Bakit totoo naman ah, wala ka noong bukambibig kundi si Kariya." Ang sagot sa akin ni Mama na may nakakatakot na tingin. "Mira, tinutuwid ko lang ang pagkakamali ko." Sagot ni Mommy sa Mama ko.
Kariya, kailangan mo nang gumising para masaksihan mo ang pangyayaring ito. Bati-bati na ang lahat. Wala na tayong masasaktang iba. Tanggap na tayo ng Mommy mo, magiging masaya na tayo. Kaya.. Kariya, gumising ka na... pakiusap.
BINABASA MO ANG
Nang Dumating Ka
Fanfictiontungkol sa isang mayamang high school girl na naghahanap lang ng bagong experience. Ayaw magpakasal sa lalaking gustong ipakasal sa kanya. Pero wala syang magagawa laban sa gusto ng mga magulang nya. Kaya nakiusap sya na payagan syang mag aral sa is...