(Sendoh's P.O.V)
Malapit na kami sa venue ng championship kung saan nakasali ang Shohoku. Nang biglang may nabanggang babae ang van na sinasakyan namin. "Manong anong nangyari?" Tanong ni Fukuda na naalimpungatan pa. "Teka lang may nabangga akong babae. Bababa lang ako." Sabi ni manong "Ako na po Manong" sabi ko. At bumaba na nga ako ng van.Tinignan ko kung kumusta na ba ang babaeng nabangga namin na sinasabi ni manong. Pero pagtingin ko.. "Kariya? KARIYA!" at agad akong pumunta sa kanya at tinignan ko ang pulso nya. Nang maramdaman ko iyon ay agad ko syang binuhat. "Sendoh sino ba ya- AAAHHH KARIYA!" Ang pagkabigla ni Hikoichi. "Manong sa pjnakamalapit na ospital pakiusap.." wika ko kay Manong "Opo sir Akira."
Pagkasakay ko sa van agad na kumandong si Fukuda kay Uozumi. Si Ikegami naman hawak ang ulo ni Kariya para maalalayan ito habang nasa kandungan ko si Kariya.. "Kariya kapit lang ha.. ligtas ka na.." ang wika ko habang umiiyak na ako dito sa pagkapraning.. "Matapang sya Sendoh.. kaya alam ko na magiging okay sya. Dapat alam mo din yun dahil mas matagal mo na syang kilala kumpara sa amin.." wika ni Uozumi.
Nang makarating kami sa ospital agad kong inilapag si Kariya sa stretcher. Agad kong tinawagan si Tito Shion.
"Hello tito Shion.." wika ko.
"Yes.. Akira ikaw ba yan.. bakit ganyan ang boses mo may problema ba?" Tanong nya.
"Tito, nakita na namin si Kariya.. pero sorry po.. nabundol po namin sya ng Van na sinasakyan namin. Andito po kami sa St.John the Baptist hospital dito sa Aichi.." ang diretso kong sabi sa kanya.
"Papunta na ako..." wika nya at binaba na nya ang phone."Uozumi, mauna na kayo sa Venue.. at wag nyong sasabihin kay Rukawa kung anong nangyari ngayon.." wika ko at nauna na sila.. Naiwan si Hikoichi para samahan ako hanggang sa dumating si tito Shion.
Dumating si Tito Shion kasama si Tita Haraki. "Oh my goodness Akira... hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sayo o magagalit. Nakita nyo nga ang anak ko pero binangga nyo naman.." wika ni Tita Haraki. "Shut up Haraki. Ang mahalaga nakita na si Kariya.." ang pagpigil ni Tito Shion sa asawa nya. "Anong sabi ng Doktor ha Akira?"
"She is now stable but still unconcious. Maari sya ma-coma dahil sa pagka bagok ng ulo nya. Or kung magising man sya.. baka di nya tayo maaalala." Wika ko. Napaiyak si tita Haraki na lumalapit kay Kariya.. at ng maabot nya ang pisngi ng anak nya ay ito ang nasabi nya.. "Kariya anak.. your a fighter alam ko yan.. pero wag mo naman kaming pag alalahanin ng ganito anak.. kasi alam mo... tanggap ko na ang pagmamahalan nyo ni Kaede.. tanggap ko na hindi ko makakayang patakbuhin pa ang buhay mo dahil may sariling isip ka na. And I'm ready to give you your freedom and own will.. But whatever it happens I will always be your only Mom. At ayokong magaya ka sa kapalaran ko na nakulong sa marriage life na hindi masaya."
"Haraki..." bulong ni Tito Shion sa sarili nya. "Anak nandito na si Mommy gumising ka na..." ang iyak ni Tita Haraki habang nakayakap kay Kariya.
Bakit kung kelan pa natanggap na ni Tita Haraki ang pagmamahalan nila ni Kaede.. sa oras kung kelan alam kong magiging masaya na sya ng wala nang masasaktan. Kung kelan kahit sa sarili ko tanggap ko nang hindi na ako mamahalin pa ni Kariya ng higit pa sa kaibigan.. Saka pa nangyari ito..
(Ayako's P.O.V)
Nanalo kami sa huling laban namin.. kami ang nag champion sa interhigh.. Kaso nga lang na injury si Sakuragi.. "Ayos! Nanalo tayo, Nanalo tayo!" Ang masayang wika ko.. "MALAKAS ANG TEAM!" Ang sigaw ni Kagure "NANG SHOHOKU!" ang sigaw din naman namin.. nag awarding ceremony na. Ang nakasali sa Mythical 5 ay sina Captain Akagi, si Dai Moroboshi, si Shinichi Maki, si Kaede Rukawa at akalain mo nga naman na nakasali din si Hanamichi Sakuragi. Special awardee si Mitsui at si Miyagi. Samantala.. naagaw ni Rukawa kay Dai Moroboshi ang pagiging MVP ng interhigh..After ng awarding ceremony nilapitan kami ng grupo ng Ryonan. Di ko alam na nandito rin pala sila kanina at nanood. "Akagi, binabati kita.. nagkatotoo na ang pangarap mo na maging number 1sa Japan." Wika ni Uozumi.. "Salamat Uozumi.. pero sayang lang di na kita makakalaban sa basketball. Wala na ang matindi kong katunggali." Sagot naman ni Captain Akagi.
"Pwede ba kaming sumama sa inyo sa loob ng locker room nyo? May mahalaga lang kaming balita sa inyo." Wika ni Ikegami. Pumayag na kami dahil siryoso na ang usapan.. oras na rin para sabihin namin kay Rukawa ang nangyari kay Kariya.
Nandoon si Sakuragi sa room namin at nilapatan ng First aide ng mga Medics. " Natutulog si Sakuragi.." wika ni Hikoichi.. "Hayaan mo na.. alam natin ang nangyari sa kanya.. Ginawa nya ang lahat ng makakaya nya kaya tama lang na makasali sya sa Mythical 5. Pero Maiba ako..." pasimula ni Uozumi.. "Isang buwan na ang nakararaan mula ng insidenteng iyon sa Kanagawa Train station. Wag nyong sasabihin sa akin na ni isa sa inyo ay wala pang nakaka alam sa inyo." Dagdag pa nya.
"Ako ang unang nakaalam kaya ako na din ang magsasabi... Alam kong nagtaka kayo nang kumpiskahin ni Coach Anzai ang mga gadgets jyo at sinabing saka na nya lang ibabalik kapag tapos na ang championship. Kami ni Captain Akagi ang nakiusap noon kay Coach.. pasensya na.." wika ko. "Ano Ayako? Suya ka naman.. alam mo ng dahil sayo tatalakan na naman ako ng Mommy ko." Pagmamaktol ni Mitsui. "Pasensya na.. alam ko masama ang loob nyo sa akin.. hanggat maaari kasi ayaw naming ipaalam ang balitang nalaman namin.. Lalo na kay Rukawa.."
"Lalo na sakin? Ayako.. anong sinasabi mo?" Tanong sa akin ni Rukawa.. I take a deep breathe bago ko sabihin ito.. "One month ago after nating makaalis sa Kanagawa papunta dito.. Nakidnap si Kariya at nakunan yon ng CCTV Camera.." haaayyy.. nasabi ko din.. "Nakidnap si Kariya?" Ang bulong nya at napiga nya ang soda na iniinom nya.. Tumayo sya at sinabing.. "Ayako paano mo nagawa yon? PAANO MO NAGAWA YON SAKIN.. ISANG BUWAN MONG ITINAGO SA AKIN NA NAPAHAMAK ANG GIRLFRIEND KO AND YOU DIDNT EVEN CARE NA SABIHIN SAKIN?! BAKIT?" Ang galit na galit nyang sigaw sakin.. tanggap ko ang galit nya. "Dahil sa oras na malaman ko iyon alam namin na masisira ang konsentrasyon mo sa laro.." ang pagtatanggol sa akin ni captain Akagi. "Napakamakasarili ng dahilan nyo.. Ang laro pa rin ang iniisip nyo at wala man lang kayong pakealam kahit alam nyong napahamak na si Kariya.." ang sagot nya sa amin at wala na kami nagawa..
Nakabihis na sya at aalis na.. "Sandali lang Rukawa.." ang pagpigil sa kaniya ni Fukuda. At napatigil nga sya.. "Wag mo nang hanapin si Kariya. Kaninang umaga nakita na namin sya malapit dito sa venue. Sa kasamaang palad nabundol namin sya. Kung gusto mo syang makita.. naka confine sya sa St.John the Baptist Hospital. Malapit lang yun dito.." wika ni Uozumi. At pagdakay umalis na nga si Rukawa..
"Naiintindihan ko ang galit ni Rukawa.. Kaya wala kang karapatang magreklamo Ayako." Wika ni Miyagi. "Ryo.." bulong ko. "Masakit para kay Rukawa na malamang naglalaro sya habang nasa masamang kamay ang pinakamamahal nya.." ang paglilinaw nya sakin. At saka sila nagsialisan. Si Sakuragi iko-confine na din dahil sa injury nya sa likod.
BINABASA MO ANG
Nang Dumating Ka
Fanfictiontungkol sa isang mayamang high school girl na naghahanap lang ng bagong experience. Ayaw magpakasal sa lalaking gustong ipakasal sa kanya. Pero wala syang magagawa laban sa gusto ng mga magulang nya. Kaya nakiusap sya na payagan syang mag aral sa is...