Chapter Forty Four.

52K 1.4K 75
                                    

Super sorry sa super late update :(
Sobrang busy ko, at hindi ko na alam kung kailan ang next update pagkatapos nito.
Grabe, tumagal ng one month bago ko 'to na update. Nakakahiya tuloy. Ang kapal ng mukha kong magpakita ulit sa inyo. :(
Ene dewww? Drama ko today. Eto na yung update ko. Hays.

Kana's POV

Kinaumagahan, pinlano ko talagang agahan ang gising dahil mamaya nagkalat na ang mga estudyante sa buong Himitsu. Isa pa, pupunta ako sa boy's dormitory para maka-usap si Kyoya at piliting iteleport ako palabas ng Himitsu.

Maaga akong nag-ayos ng sarili at dinala ko rin ang knapsack ko para sa mga kakailanganin kong gamit. Tulog pa si Misaka nang lumabas ako ng kwarto. Medyo madilim pa rin sa hallway ng girl's dormitory.

Kung may multo siguro dito, kanina ko pang ginising si Misaka para samahan ako. Pero wala, wala namang multo dito, isang sagradong lugar ang academy namin na hindi napapasukan ng kung anong masasamang elemento kaya malakas ang loob kong maglakad kahit madilim.

Tahimik kong tinahak ang kabilang dormitory kung nasaan ang kwarto nina Ken, Kyoya at Sasuke. Napapitlag nga lang ako nang may marinig akong dalawang boses.

Kilala ko ang boses ng isa. Kay sir Arashi iyon. At ang isa? Boses babae. Sumilip ako para makumpirma ang hinala kong si sir Arashi nga ang isa, at tama naman ako.

Pero ang totoo pala tatlo sila, si sir Arashi, yung isang babae at isa pang babaeng nakatalikod. Huh? Nanatili akong nagtatago sa diliman para manmanan sila. Hanggang sa humarap yung isa pang babae.

"Malapit na." Sabi nito habang nakatingin sa buwan. Kung hindi ako nagkakamali si Sabrina sya. Ang kakambal ni Ken.

Kung ganon tuloy nga ang sinasabi ni sir Arashi na alliance kasama ang mga Ragi? Napatingin pa ako sa isang babae. Kamukha nya sina Ken at Sabrina. Siya siguro ang mama nila.

Nagbalik ako sa katinuan. Pupunta nga pala ako kay Kyoya kaya ako nandito at hindi para makinig sa usapan nina sir Arashi. Masyado nanamang umiiral ang pagiging mausisain ko.

Umalis na ako at hinanap ang Rm. 24 'yan ang room number nila.

Rm. 19

Rm. 20

Mas binilisan ko yung lakad, pero ginaanan ko yung hakbang ko. Baka kasi may makarinig sa akin at magising sila edi huli ako.

Rm. 23

Eto na...

Rm. 24

Huminga ako ng malalim bago umpisahan ang gagawin kong pagtawag kay Kyoya. Pagtawag na si Kyoya lang ang magigising. I call it air communication. Naisagawa ko 'to kagabi lang bago kami makatulog ni Misaka. Nagulat ako nang bigla kong maka-usap si Misaka sa hangin. No, hindi pala. Ako lang pala ang nagkaroon ng kakayahang makausap si Misaka kagabi dahil ako lang naman ang nakakapagpagana ng hangin, at sya walang ibang ginawa kundi pakinggan ang bawat salitang naririnig nya na ibinubulong ko sa hangin. Weird. Parang telepathy lang din, ang kaso nga lang ang user lang ang pwedeng makapagsalita at ang receiver naman makikinig lang.

'Kyoya, wake up...' Bulong ko sa hangin.

Nakarinig naman ako ng paggalaw mula sa kama nang isinandal ko ang tenga ko sa puntuan. That must be Kyoya.

'Wake up, it's me Kana.'

Yabag naman sa sahig ang narinig ko. Mukhang nagising na nga sya. Pero bigla iyong tumigil.

'Nasa labas ako ng dorm nyo and I badly need your help.'

Nakarinig ulit ako ng yabag. Papalapit 'yon sa akin. Tinanggal ko na ang tainga ko sa pinto kasabay non ang pagbukas ng pinto. Nakita ko si Kyoya na namumungay pa ang mga mata.

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon