Hello Chiaki_NakamuraXD hehe. I dedicated this chapter to her kasi ang haba-haba ng comment nya last chapter xD At oo nga pala, please read her story yung Demons Parade para sa mga feeling OTAKU at mahilig sa anime gaya ko <3 Time travel guys papuntang future. Hindi pa complete kasi inuumpisahan nya pa lang. At newbie sya please support <3 (MABAIT NA BATA YAN)
Just click the dedication box for the portal to her profile. Hanapin nyo yung Demons Parade :) Ciaaoooo <3
Kana's POV
Hinihintay na lang namin na mawala ang dilim ng langit. Nakatingin lang ako at nagmamasid ng paligid ng may makita akong gumuhit mula lupa papunta sa langit. Isang kidlat.
Alam ko na si Misaka 'yon. Galing kasi sa lugar nya yung pinanggalingan ng kidlat. Matalim... At parang mas malalakas na boltahe ng kuryente ang dala noon. Masasabi kong nag-improve sya kung iyon ang pag-uusapan.
Sa kabilang lupa naman... Kay Sasuke... Parang gusto kong pumunta. Dahil kahit na malayo alam mong nagyeyelo ang lugar dahil namumuti ang kalupaang iyon. At may malamig din na hanging nanggagaling sa lugar kung nasaan sya.
Gusto kong gumawa ng snow man. Dahil ang totoo, hindi pa ako nakakahawak ng snow kahit na madalas kaming magpasko sa US. Ayaw kasi nila mommy dahil mahina ako sa lamig.
"Tara na Kana. Nag-uumpisa na sila. Kailangan mo na ding mag-umpisa." Tumayo na ako at ipinigtail ang buhok ko. Mahirap na sagabal e.
Naglakad kami hanggang sa makarating sa parang arena.
"Sabihin mo nga Kana, saan ka ba nahihirapan?" Tanong ng air goddess. Ang totoo sa lahat... Nahihirapan ako sa lahat.
"Sa lahat po." Honest kong sagot. "Yung totoo po, lumalabas lang yung powers ko kapag sobrang tindi na ng emosyon na nararamdaman ko." Ganon yung nangyari noong napasok kami ni Sasuke sa portal. "Parang nilalamon din po ako ng kapangyarihan ko at nawawala ako sa sarili." Gaya nung sinapian ako nung Akuma. "Napapalabas ko naman po, pero hindi madalian na kapag ginusto ko lalabas agad. Parang... Parang kailangan ko munang pilitin ng sobra bago lumabas. Ayun... Nahihirapan po talaga ako." Nakayuko kong sabi. Naalala ko kasi ulit yung nagawa ko kay Ken at Kyoya. Muntikan ko na silang napatay. "At minsan ko lang po mapalabas ng maayos talaga."
BINABASA MO ANG
Himitsu Academy
Misterio / SuspensoHave you ever heard about Himitsu Academy before? Of course you haven't heard it yet, unless you are one of the Mitsus and one of the inheritors of its secrets. In the academy that full of secrets and mystery. In the academy that normal people are n...
