Chapter Twenty Six.

59.5K 1.6K 54
                                        

Kana's POV

Nag-ayos na lang ako ng mga gamit ko kasabay yung dalawa si Yuna tahimik lang na nag-aayos ng mga gamit nya. Habang si Misaka naman napapansin kong patingin-tingin sa akin. Ayokong magduda pero sya ba? Kung sya nga, narinig nya ba yung usapan namin ni Ken kanina? Sana hindi.

"Uhm guys, labas muna ako ah?" Tumango na lang kami kay Yuna at lumabas na sya.

Meaning naiwan kami ni Misaka sa loob ng dorm.

"Ano yung pinag-usapan nyo ni Ken kanina?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang sinabi nya iyon. Hindi mo pwedeng sabihin Kana, pinagkatiwalaan ka ni Ken dito.

"Ahh... E-ehh. W-wala yun. May itinanong lang sya kanina. T-tungkol sa personal life ko." Tumingin ako sa kanya, mukhang hindi sya kumbinsido.

"Talaga lang ah?" Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Yuna nasaan ka na ba?

"O-oo. Hehe, hindi naman kita lolokohin." Tumango tango sya at ngumiti.

"Hmm, mabuti. Ayoko kasi ng pinaglilihiman ako ng mga kaibigan ko." Napalunok ako doon. Sorry Misaka, delikado kasing sabihin sayo e. Paano kung ikaw yung traitor edi wala na? Huli na kami.

Itinuon nya na ang atensyon nya sa mga gamit nya. Napansin ko na backpack lang ang dala nya. Sampung araw kaya kami don.

"Ahh Misaka, yan lang ang dala mo?" Hindi ko naiwasang tanong. Tumango sya. "Bakit yan lang? Ten days tayo dun."

"Pwede ko namang pagsalit-salitin nalang yung mga damit ko. Kung magdadala ako ng maleta masyadong malaki. Mahihirapan ako kapag nagkataon na kailangang lumaban." Tumango ako. Tama sya. Bakit ba sobrang dami kong dala?

Pinagtatanggal ko yung gamit ko sa gym bag ko, backpack na lang din ang dadalhin ko.

"O! Haha, gaya-gaya ka ah." Sabi nya.

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon