Kana's POV
Hindi talaga ako makatulog ngayong gabi. Hindi ko alam kung dahil ba natulog ako kaninang tanghali o dahil sa may iba akong malalalalim na iniisip. Pumikit ako at nagbakasakali na aantukin ako dahil sa pagpikit ko, pero hindi talaga ako dalawin ng antok.
Bumalikwas ako ng bangon pasadong alas onse na ng gabi nang mapatingin ako sa orasan. Si Misaka mahimbing na ang tulog at yakap yakap pa 'yong teddy bear na gustong arborin ni Sabrina kanina. Dahan-dahan akong tumayo dahil ayaw kong makagawa ng kahit anong ingay na pwedeng gumising kay Misaka. Sayang naman yung tulog nya kapag nagising sya dahil may narinig syang ingay na dahil sa akin.
Isinuot ko yung tsinelas ko at maingat pa ring naglakad papuntang pintuan. Lumabas ako at isinarado iyon ng dahan-dahan. Mukhang kailangan ko munang magpahangin para dalawin ako ng antok.
Tahimik na ang hallway na dinadaanan sa buong girl's dormitory. Wala ka na ding ilaw na makikitang bukas mula sa mga kwarto. Ako na lang yata ang gising dito. Napailing nanaman ako sa mga naiisip ko. Yung kesyo nasa horror movie daw ako at may multo na bigla na lang susulpot. Hay ewan.
Binilisan ko na lang ang lakad ko dahil kinikilabutan din ako sa mga iniisip ko na 'yon. Dapat pala di na lang ako lumabas ng dorm namin ni Misaka. Dumiretso ako sa rooftop, yung rooftop kung saan ako iteneleport ni Kyoya papunta sa bahay namin. Buti na lang may ilaw yung hagdanan papunta doon kung hindi, baka hindi na ako tumuloy. Aba, malay ko ba sa history nitong Himitsu Academy. Alam kong may mga nauna nang gerang naganap dito noon kaya imposibleng wala pang namamatay dito.
Itinulak ko yung gate ng rooftop at hindi ko alam kung magugulat ba ako o hindi sa nakita ko. Bakit gising pa sya?
Kitang-kita ko kung paano lumipat yung tingin nya papunta sa akin mula sa malayo nyang tingin. "Ibang-iba na ang buwan ngayon no?" Bungad nya sa akin. Napakurap-kurap naman ako dahil doon.
Lumapit ako sa kanya at tumabi sa kinauupuan nyang wooden bench. "Bakit gising ka pa Ken?" Tanong ko na hindi pinansin yung sinabi nya.
"Hindi ba obvious na hindi ako makatulog kaya ako nandito?" Sarkastiko nyang sagot saka ako inirapan. "Ikaw bakit ka nandito?"
Lumunok ako, pareho lang naman kami ng dahilan kung bakit kami nandito. "Hindi rin ako makatulog." Sagot ko na lang.
"Ah, I see." Bumuntong hininga sya. "Nakikita mo ba yang red line sa gilid ng buwan?" Napatingin ako sa buwan totoo ngang meron iyong pulang linya sa gilid.
"Nakikita ko." Sagot ko. "Ano namang meron jan?" Bigla kong tanong dahil hindi ko naman alam kung bakit nya ako tinatanong tungkol sa kung nakikita ko ba 'yon.
"That thin line goes thicker and thicker every night. At kapag naging pula na talaga ang buwan, ibig sabihin kinabukasan mag-uumpisa na ang gera." Seryoso nyang sabi habang nakatingin pa rin doon sa buwan.
Tiningnan ko rin iyon ng maigi. Manipis pa lang iyon pero masasabi mo nang pula iyon dahil matingkad ang kulay.
"Alam mo kung bakit red?" Tanong nya pa.
Umiling ako, hindi ko kasi alam. "Bakit?" I asked.
"It symbolizes a bloody day for tomorrow. Ipinapahiwatig nyan na babaha ng dugo kinabukasan." Napalunok ako. Bakit alam ni Ken ang mga ganyang bagay?
BINABASA MO ANG
Himitsu Academy
Mystère / ThrillerHave you ever heard about Himitsu Academy before? Of course you haven't heard it yet, unless you are one of the Mitsus and one of the inheritors of its secrets. In the academy that full of secrets and mystery. In the academy that normal people are n...
