Ken's POV
Ilang oras na rin ang nakakalipas mula nang umalis si Kyoya upang sundan si Kana. Hindi pa rin sya bumabalik kaya hindi ko maiwasan ang mag-alala.
Kasalukuyan kaming magkakasama nina Misaka at Sasuke ngayon dahil ipinatawag kami ni sir Arashi. Hindi ko alam kung para saan pero may idea akong tungkol yon sa pagkawala nina Kana at Kyoya.
"Jeez, saan sila galing?"
"Bakit ganyan?" Nakita kong napakamot ng mukha yung isang lalaki. "Malala yung isa o, dalhin nyo na sa medical buil— t-teka, si Kyoya!" Parang nahatak ako ng usapan na 'yon kaya bigla akong napalapit sa mga nag-uusap. Pero, tama ba ang narinig ko? Si Kyoya daw?
"Anong nangyayari dito?" Bungad ko at nakisingit sa mga estudyanteng napaghaluan na ng mga mitsu at ragi.
Agad silang nagbigay ng daan sa aming tatlo nina Sasuke. Bumungad naman agad saamin ang apat na tao. Lahat sila nakahiga. Nakilala ko agad si Kyoya dahil sya naman ang walang kagalos galos. Sunod ay yung bata. Unang tingin ko pa lang ay alam kong si Aki yung bata. Napatingin ako sa kaliwa ni Kyoya. Napakurap pa ako ng ilang beses, totoo bang si Yuna yung isa nyang kasama?
"Jeez, guys, patawag naman si sir Arashi!" Bigla kong bulalas hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong i-react. Si Yuna nga 'to. Yung pekeng Yuna. Pero paano sya nakasama ni Kyoya dito?
Nakita kong nagsitakbuhan yung iba papunta sa office ni sir Arashi. Yung iba naman nakatingin pa din sa nangyayari.
Napatingin ako sa isa pang kasama ni Kyoya. Natatakpan ng buhok nya ang mukha nya kaya hindi ko sya gaanong makilala. Pero base sa kalagayan nya ngayon, halatang sya ang pinaka napuruhan sa kanilang apat. Kumabog ang dibdib ko. Parang ayaw kong malaman kung sino sya.
Umupo ako malapit sa kanya at dahan-dahang hinawi ang mahabang buhok nya na nakatakip sa mukha nya.
Halos hindi talaga sya makilala, punong-puno ng dugo ang mukha nya. Merong dugo na sariwa pa pero may dugo rin na natuyo na. Napakurap kurap ako.
"Sh*t Ken! Si Kana yan!" Mabilis na sabi ni Misaka nang makilala nya ang babaeng nasa harapan namin.
Napatulala naman agad ako. S-si Kana 'to? Tama ba ako ng narinig? Ayokong maniwalang si Kana 'to kanina pero dahil sinabi na rin ni Misaka mas lalong kumabog ang dibdib ko. Tiningnan ko ulit si Kana. Hindi na sya yung dati, halatang napakaraming dugo ang nabawas sa kanya. Ang putla nya ngayon.
Pero tangina talaga, si Kana ba talaga 'to?
"Tangna Ken tabi na nga jan!" Bigla akong natauhan nang bigla akong itulak ni Sasuke.
Napatingin pa ako sa ginagawa nya, hinawakan nya yung leeg ni Kana pagkatapos ay binuhat nya ito.
"Humihina na ang pulse rate nya. Kayo nang bahala sa tatlo. Kailangan ko syang madala sa medical building." Pagkatapos non, dirediretso na si Sasuke sa pagtakbo palayo sa amin ni Misaka.
‘Humihina na ang pulse rate nya.’
Umulit sa utak ko yung sinabi ni Sasuke. Humihina na ang pulse rate ni Kana, ibig sabihin ba non... Napatingin ulit ako sa pinagtakbuhan ni Sasuke. Wala na sila ni Kana.
"Asan na sya?" Napatingin ako nang magsalita si Kyoya. "Naiwan ko ba sya?" Mukhang balisa sya, "Asan si Kana?" Luminga linga ulit sya. "Teka? Naiwan ko ba sya? Sh*t kailangan ko syang balikan!"
"Ano bang nangyari Kyoya?" Taning ni Misaka.
"Nasaan si Kana?" Hindi pinansin ni Kyoya yung tanong ni Misaka.
"Kasama sya ni Sasuke." Saad ni Misaka. "Mukhang malala sya. Nasa medical building na sila." Sagot ni Misaka sa tanong ni Kyoya.
"Thank God." Bulong ni Kyoya saka napatingin sa gawi ni Aki. Lumapit sya dito. "Jeez, Aki!" Tinapik tapik nya yung pisngi ng kapatid nya. Nagmulat naman agad ito ng mata.
"Dalhin nyo sa Lab si Yuna. Kailangan muna syang masuri doon." Napaangat ako ng ulo. Si sir Arashi. Dumating na sya. "Mag-uusap-usap tayo mamaya. Sige pumunta muna kayo sa gusto nyong puntahan." Pahayag ni sir Arashi, saka sumunod sa mga bumuhat sa katawan ni Yuna papuntang laboratory.
"Kuya, nasaan na si ate? I have to thank her." Luminga si Aki. "Ang galing nya, ang tapang nya pa..." Napatingin sya kay Kyoya. "Bakit wala sya?"
Ngumiti na lang si Kyoya. "She'll be fine. Ginagamot lang sya." Tumayo si Kyoya. "Tara, tingnan natin si Kana." Yaya ni Kyoya sa amin.
Itinayo ako ni Misaka. "Tara. Sasama ka ba?" Hindi ako umimik pero ang alam ko lang ay sumunod ako sa kanila papunta kay Kana.
Bawat hakbang parang ang bigat para sa akin. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko 'to. Gusto ko syang makita pero may parte sa akin na parang ayaw syang makita sa ganong kalagayan. Ang gulo.
Patuloy lang kami sa paglalakad. Wala akong pakialam kung ang layo na nila sa akin. Hindi ako excited na makita si Kana.
Napatigil ako sa paglalakad nang makasalubong ko si Sabrina.
"Ano nang nangyayari?" Salubong nya sa akin pero hindi ko pinansin. Hindi ko rin naman alam ang sagot sa tanong nya.
Ano na nga bang nangyayari? Ang alam ko lang dumating na sila pero hindi maganda ang kinalabasan ng pagbalik nila.
Dumiretso kami sa clinic pagkapasok ng medical building. Mabilis na pumasok yung tatlo sa loob kami naman ni Sabrina medyo natagalan sa labas, dahil hinihintay nya akong maunang pumasok.
Dahan-dahan kong binuksan yung pinto. Bumungad sa akin yung sinabi ni Ms. Michiko.
"Okay na si Kana pero hindi maikakaila yung mga damage nya." Bumuntong hininga sya. "She had broken bones, may nakita din akong kaunting crack sa skull nya. Hindi na maabot ng healing power ni Ruiko yung iba nyang damage dahil hanggang wounds lang ang kaya ni Ruiko. I guess we have to wait for her to be fully recovered." Sabi ni Ms. Ruiko. "Ano ba ang nangyari?"
Napatingin kaming lahat kay Kyoya.
"Hindi ko talaga alam kung ano ang buong pangyayari. Dumating ako na malala na ang lagay ni Kana. Tapos naabutan ko si Tsuna; yung shadow controller ng mga chitaens na binagsakan sya ng malaking bato sa may bandang ulo. Kaya siguro may crack sa may bungo ni Kana." Kwento ni Kyoya. Napatingin sya kay Aki. "Paano ba kayo naging magkasama? Anong nangyari bago ako dumating?"
"Huh? Pinuntahan nya ako sa bahay nung nag-alaga sa akin e. Sa bahay yun ni Ms. Mirai. Tapos sabi nya isasama nya na ako dito." Kumamot ng ulo si Aki. "Tapos yun nga, nung nandun kami sa daan dumating yung dalawa. Astig nga e. Bakit kayo may mga powers? Bakit ako wala?"
Napakamot ng ulo si Kyoya sa sagot ng kapatid nya. Wala naman kasing matinong sagot si Aki.
Napatingin ako sa kama na hinihigaan ni Kana. May benda na yung ulo nya. Si Ruiko nasa tabi nya pa rin at ginagamot yung ilan nyang sugat.
Bumukas yung pinto. Pumasok si Shirai. Yung kapatid ni Ruiko.
"Ate, ito na yung pinapakuha mo. Ano ba 'to?" Sabi nito dala yung isang maliit na bote na may lamang mga capsules na hindi ko alam kung ano.
Ngumiti si Ruiko.
"This can help." Kumuha sya ng dalawang capsules. "I invented these capsules para sa internal damages." Inilapag nya yung capsules sa table katabin ng kama ni Kana. "Ipainom nyo yan sa kanya kapag nagising sya. Makakatulong yan sa broken bones nya at sa nag-crack na bungo nya. Sige mauna na ako ha?" Pagkasabi nya nun lumabas na sila ni Shirai.
Nabaling yung tingin ko sa gamot. Lumapit ako dito at hinawakan yung isa. Tinignan ko ng mabuti, transparent lang ito. Hindi ko alam kung mamamangha ba ako dahil nakita kong umilaw iyon ng kulay green tapos nawala din. Mukhang nagprovide ng tig-kakaunting power nya si Ruiko sa kada capsules.
"Osha, maiwan ko na muna kayo ah? Kayo na muna magbantay sa kanya." Lumabas na rin si Ms. Michiko kaya naiwan na lang kaming apat kasama si Sab at si Aki sa loob ng clinic.
"So, tatayo na lang ba tayo? May sofa dun o." Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi ni Sab.
Nanguna na si Sab sa pag-upo sa mahabang sofa.
BINABASA MO ANG
Himitsu Academy
Mystère / ThrillerHave you ever heard about Himitsu Academy before? Of course you haven't heard it yet, unless you are one of the Mitsus and one of the inheritors of its secrets. In the academy that full of secrets and mystery. In the academy that normal people are n...
