Chapter Seventeen.

81.4K 2K 50
                                        

Kana's POV





Next class, Hindi ko alam kung anong tawag dito sa klase na 'to pero pagkapasok namin may anim na pinto pa sa loob. Kinutuban ako, at nagkatotoo ang kutob ko nang papasukin pa kami sa mga pintong iyon. (Isang tao isang pinto.)




"Ughm, siranong meron sa loob?" Tanong ni Yuna.




"Pumasok na lang kayo sa loob, wag kayong spoiler." Sabi ni sir.




Wala na kaming nagawa kundi pumasok dahil gaya nga ng sabi ni Ken, "our time is very important."




Sabay-sabay kaming nagbukas ng pinto at pumasok sa loob. Pagkasarado ko ng pintong pinasukan ko nilinga ko agad yung room. Purong puti lang ang makikita roon. At babaeng nakaputi na nakatayo sa may bintana.




Lalapit sana ako nang bigla syang lumingon. Napangiti ako nang makita ko ang nakangiti nyang mukha. Ang air element controller.




"Tara na Kana?" Sabi nya saakin at napataas ng bahagya ang kilay ko.




"Saan po?" Tanong ko.




"Ituturo ko sayo lahat ng dapat mong malaman." Nakangiti nyang sabi ngumiti din ako at tumango.




Lumapit na ako at kumapit sa kamay nya. Ang lamig pero hindi na sobrang lamig gaya ng dati.




"Pikit na Kana. Hawakan mo yung stone." Pumikit ako at hinawakan ko na yung stone. "Okay na."




Pagkasabi nya nun nagmulat na ako at namangha sa nakikita ko. Para kaming nasa lumulutang na kalupaan. At tama nga ako lumulutang nga ang lupang tinutuntungan namin.




"Ahm, paano po ito lumulutang? Wala po bang gravity dito?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti sya sakin.

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon