Kana's POV
Pagkadating namin ng bahay lutang pa din ako. Lilipat ako ng school bukas, school na hindi ko alam kung saan. Madami palang itinatagong sikreto sakin sina mommy.
"Mag-iimpake ka mamaya Kana." Bakit kailangang mag-impake? "Kasi doon ka titira. May dorm doon." Binasa nanaman ni daddy ang iniisip ko, nakakawala ng privacy.
"Ibig sabihin po... Mahihiwalay ako sa inyo?" First time kong mahihiwalay sa kanila at parang mahirap... Buong buhay ko kasama ko sina daddy.
"Ganoon na nga baby. Buong taon ka doon. Para maensayo ka." Sabi ni mommy na seryosong nakatingin sa akin. "Mahihirapan ka doon Kana kaya gusto kong magseryoso ka. Kahit mamamatay ka na sa kakaensayo wala silang pakialam. Kailangan maipakita mo agad kung ano ang kaya mo." Seryoso pa ding sabi ni mommy. Ano nga bang kaya ko? At hanggang saan nga ba ang kaya ko?
"Seryoso po? Kahit mamamatay na kakaensayo?" Biglaang tanong ko nung magsink in sa utak ko yung sinabi ni mommy.
"Oo Kana, doon kasi malalaman kung hanggang saan ka tatagal. Sa atin kasing mga Mitsu lumalabas ang tunay nating kakayahan kapag sobrang nahirapan na. At yun yung gusto nilang malaman. Kung ano ang kakayahan mo." Seryoso na ding sabi ni daddy.
"Kakayahan po?" Okay ang dami kong tanong.
"Tingnan mo ang mommy mo Kana." Tingnan ko kung saan naka-upo si mommy kanina kaso wala sya. " Nasa taas." Tumingin ako at nasa taas nga si mommy naka Indian sit sya at naka pikit parang nagko-concentrate sya.
"That is Levitation honey, and that is your mom's ability." Sabi ni daddy.
"E ano pong sa inyo?" Tanong ko kay daddy. Nakita ko naman si Mommy na bumababa na.
"Close your eyes Kana." Sabi ni daddy at pumikit naman ako. "Now open."
Pagdilat ko kakaiba na ang itsura ng bahay namin. Parang garden na ang itsura ng bahay namin. Sinubukan kong hawakan yung lumilipad na butterfly sa harapan ko pero tumatagos lang ang kamay ko.
"Illusion lang yan Kana, I'm an Illusionist." Ang astig ng kay daddy! Gusto ko ng kagaya ng sa kanya! "No Kana, Hindi ka magkakaroon ng ganitong ability kung totoo ngang kulay red ang mga mata mo." Bakit hindi?
"Kung totoong red ang mga mata mo Kana mas malakas na kapangyarihan ang mapupunta sayo. Dahil ang mga Mitsu na dark blue ang mga mata ay back up lang ng mga Mitsung nagtataglay ng red na mga mata." Spell nga-nga? Napa nga-nga ako kay mommy. Ibig sabihin back up lang sila noon?
"Anim lang ang nabibiyayaan ng red na mga mata Kana. Ang Water controller, Earth controller, Fire controller, Air controller, Ice manipulator, at Electricity manipulator lang. At kung totoo ngang red ang mga mata mo pwedeng isa ka sa mga nabanggit ko." Mas astig pa din yung kay daddy e! Gusto kong maging Illutionist e!

BINABASA MO ANG
Himitsu Academy
Mystery / ThrillerHave you ever heard about Himitsu Academy before? Of course you haven't heard it yet, unless you are one of the Mitsus and one of the inheritors of its secrets. In the academy that full of secrets and mystery. In the academy that normal people are n...