Dedicated sayo anyakawaii HEHEHE thanks for reading this :) HAHA please keep on supporting, I'll do my best to make this story MORE interesting and WORTH reading for :)
Yuna's POV
Lumabas na si Mauro at pumasok na si Kana. Excited na akong malaman kung anong gagawin nya alam kong may ability sya ayaw nya lang talagang sabihin sa amin.
"Ano kayang ability nya?" Sabi ni Misaka na nakatingin kay Kana sa loob ng glass room.
"Oo nga e. Malakas talaga yung kutob ko na isa sya satin." Sabi ko at tumango naman si Misaka. Nararamdaman nya din kaya yung magnetic force ng isang Mitsu sa kapwa nya Mitsu kay Kana? Ako kasi nararamdaman ko kay Kana e.
"Ughm, miss Kana baka gusto mong umpisahan na." Sabi ni Mrs. Fuu sa mic na nakakonekta sa speaker sa loob ng glass room. Mahigit isang minuto na rin kasing nakatayo si Kana sa loob.
Ano bang ginagawa ni Kana? Bakit nakatingin lang sya sa paa nya? Kailangan nya nang ilabas ang ability nya. Alam na kasi namin maliban sa kanya kung para saan yung remote na hawak ni Mrs. Kagome. Para yun sa oxygen content ng glass room. Kapag pinindot ni Mrs. Kagome yun mawawalan ng oxygen sa loob ng glass room hindi sya makakahinga. Pero bakit nakatayo lang sya doon? At nakatingin sa paa nya?
Pagkalipas ng dalawang minuto at wala pa din syang ginawa tuluyan nang tatanggalan ni Mrs. Kagome ng oxygen ang room. Kailangan nya nang mailabas kung anong meron sya.
Napailing na lang ako nang pindutin na ni Mrs. Kagome ang remote. Hindi ko naman pwedeng pigilan si Mrs. Kagome doon kasi kahit anong mangyari teacher ko pa din sya at bawal akong umangal sa kung anong gagawin nya. Kaya Kana sya nakasalalay ang kaligtasan mo! Ilabas mo na ang ability mo.
Nagkatinginan kami ni Misaka nang isang minuto na ang nakakalipas matapos tanggalin ni Mrs. Kagome ang oxygen ng room. Doon ko lang napansin na nakatingin na din sa amin ni Misaka si Ken at Kyoya. Napansin na din kaya nila? Dapat kasi nakahandusay na si Kana sa sahig ngayon. Mga chosen lang ang pwedeng makahinga sa loob ng glass room ng mahigit isang minuto, at hanggang sampung minuto. At isa yon sa sikreto ng mga chosen Mitsu na hindi alam ng normal Mitsu at ng mga teachers namin. Hindi nila alam na kayang makahinga ng mga chosen Mitsu sa loob ng glass room ng matagal. Kailangan naming maka-usap si Kana mamaya.
Nakatayo pa rin si Kana doon at nilalaro-laro ang paa nya.
"Ms. Kana pwede ka nang lumabas." Sabi ni Mrs. Fuu sa mic.
Lumabas na si Kana na nakatungo at kinakamot ang batok nya. Aang iba naman tulala kang na nakatingin sa kanya. Malamang iniisip nila kung ano ba talaga ang ability ni Kana at paano nagawa ni Kana na makahinga sa loob ng glass wall gayong walang oxygen sa loob.

BINABASA MO ANG
Himitsu Academy
Misterio / SuspensoHave you ever heard about Himitsu Academy before? Of course you haven't heard it yet, unless you are one of the Mitsus and one of the inheritors of its secrets. In the academy that full of secrets and mystery. In the academy that normal people are n...