Kana's POV
"Ang daya talaga ni Misaka!" Nakaligo na sya at kasalukuyan na kaming naglalakad papuntang office ni sir Arashi pero hindi pa din sya makaget-over dahil sa naunahan sya ni Misaka.
"HAHAHA. Tanggapin mo na! Mas mabilis ako sayo ;) " Sabi ni Misaka at kumindat pa.
"Wala! Ginagamit mo ability mo. Tuma-thunder speed ka e!" Sabi ni Yuna. Oo nga ano? Electricity manipulator si Misaka, tapos mabilis yung—.
"Oo na! Tss. Kaya ko lang naman ginagawa yun kasi kilala na kita. Sobrang bagal mong maligo! Nakikipaglaro ka pa ata sa tubig sa banyo e." —Misaka.
Ramdam ko nga yung kabagalan ni Yuna kanina. 15 minuto na lang akong nakaligo kasama na dun yung pagbibihis ko.
Sa susunod pala uunahan ko na din si Yuna na maligo.
"Oy! andyan pala kayo! Sabay sabay na tayo." Sabi ni Yuna nung nakita nya sa may harapan sina Kyoya.
Nagpahuli ako, hindi ko naman kasi alam yung daan papunta doon. Nagteleport kami nung unang punta ko sa office ni sir Arashi.
May binuksan na pinto si Yuna tapos pumasok kami. Akala ko doon na pero napatingala ako. Ilang steps yung kailangan bago makaakyat dito? Ang taas naman masyado. Humakbang ako at medyo na-out of balance ako napahawak tuloy ako sa pader. Parang umalon na ewan yung sahig. Naramdaman kaya nila?
Umakyat na sila kaya sumunod na ako. Grabe wala manlang bintana dito!
Habang umaakyat linga lang ako ng linga. Parang andaming sikreto meron dito sa loob. Parang may ibang lagusan pero hindi pwedeng makita.
Paano ko nasabi? Kanina nung pumasok ako nag-iba yung atmosphere sa paligid ko. Parang umalon na ewan. At nung napahawak ako sa pader ewan ko kung imagination ko lang pero parang umurong yun. Parang may secret passage. Gaya nung sa may gate. Yung hinawakan ni Daddy noong bago ako pumasok dito. Hindi ko na lang talaga pinansin yun kasi sumusunod lang ako sa kanila.
"Kana ayos ka pa?" Tumango ako. "Ikaw Sasuke?" Tumango din sya sa tanong ni Misaka.
Nag-usap usap nanaman sina Yuna, Kyoya, at Misaka. Problema ba ng mga yun?
Pumasok na kami sa isa pang pinto. At buti na lang... Buti na lang talaga office na yun ni sir Arashi. Grabe, ang taas ng inakyat namin parang tower kasi e!

BINABASA MO ANG
Himitsu Academy
Mystery / ThrillerHave you ever heard about Himitsu Academy before? Of course you haven't heard it yet, unless you are one of the Mitsus and one of the inheritors of its secrets. In the academy that full of secrets and mystery. In the academy that normal people are n...