Chapter Fifty Two.

49.8K 1.4K 187
                                        

@kathnielmaya Ikaw na! Ikaw na talaga nahulaan mo emegesh no? Hahahaha hello! Alam kong medyo shock ka ngayon. Kasi hindi mo alam na ikaw yung tinutukoy ko last update hahahaha chos! Hello ulit sayo ;)








Ken's POV





Naramdaman kong siniko ako ni Kana sa may kaliwa ko dahil siguro hinihintay nya yung sasabihin ko. "Ano na?" Tanong nya pero hindi ko pinansin dahil iniisip ko kung saan ba magandang umpisahan ang tanong ko.





Kung tatanungin ko sya kung ano yung ginawa nya sa bata kanina tiyak na maiilang agad sya. Kung itatanong ko din kung ano yung ginawa nya sa halaman sa library tiyak na ganon din ang magiging reaksyon nya. Saan ba magandang umpisahan?





"Hmm, bata hindi ka ba naiinitan jan sa suot mo?" Napatingin ako kay Aki nang bigla syang manguna sa pagtatanong.





"Hindi, medyo sanay na ako." Sagot ng bata.





Teka nga, e kung pangalan na lang muna yung itanong ko para hindi palaging bata yung tawag namin sa kanya ano?





"Anong pangalan mo?" Seryoso kong tanong habang hindi inaalis yung tingin ko sa mga mata nya. Parang may iba.





"Nishiko po. Nishiko Hattori." Sagit nya sa akin. So Nishiko pala.





"Alam mo ba kung bakit kami nandito Nishiko?" Napatingin sya sa akin saka lumunok.





"K-kase, may itatanong po kayo?" Patanong nyang sagot na halatang kinakabahan.





Umiling ako, "Mali ka, oo may mga bagay kaming itatanong sayo pero hindi iyon ang ipinunta namin dito." Sabi ko. "Nandito kami para malaman kung ikaw nga ang huling hinahanap namin." Dagdag ko pa.





"Hinahanap. ..." May sinabi sya na hindi ko narinig. Hindi namin narinig to be exact.





"Ikaw yung babae sa library kahapon hindi ba?" Tumango sya. "Anong ginagawa mo doon, at ano ang hinahanap mo doon kahapon?" Nakita kong natetense sya sa sunod sunod kong tanong. "You can answer it one by one."





Lumunok muna ulit sya bago sumagot. "Nandoon po ako para malaman kung ano talaga ako. May hinahanap po akong libro. Libro na tingin ko ay makakatulong sa akin."





"Ano yung libro na yon? Yun ba yung prophesy book?" Nanlaki ang mata nya dahil sa tanong ko. "Ikaw ba ang pumunit ng ilang pahina ng libro na iyon?"





"Pasensya na po. Opo. Ako po ang pumunit." Yumuko sya.





Tumigil muna ako sa pagtataning dahil halatang nahihirapan syang sagutin ang mga tanong ko.





Napatingin ako sa mga kasama ko. Si Kana wala lang nakatingin lang sa amin ni Nishiko. Si Sasuke halatang inaantok nanaman. Si Sabrina pinaglalaruan yung kamay nya. Si Aki kinukulit ang kuya nya. At si Misaka, sya na lang ang mukhang seryoso at parang may gusto ding itanong. Napatingin sya sa akin, kaya sinenyasan ko sya na itanong ang gusto nyang itanong.





"Nishiko, kilala mo ba kami?" Ang nonsense ng tanong ni Misaka pero ang ikinagulat ko ay iyong sagot ng bata.





"Opo. Kayo po ang Great Six." Tumingin sya kay Aki at itinuro ito. "Maliban sa kanya."





Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon