Sorry ulit sa mga umiyak last chapter. Hoho :)
Hello dun sa tatlong mitsu na hinahanap si sir Mamoru. BelleRamos6 , mynameismarielle at mysterious_cutiepie . Ano nahanap nyo ba? Hahahaha wala na kayong oras. XD
Enjoy reading :)
Misaka's POV
Hindi ko alam kung bakit nasabi ko 'yon kanina... Hindi nila 'yon dapat malaman... Sana lang hindi nila seryosohin yung sinabi ko. Pero sana nga ako nalang at hindi si Kana.
Kanina, matapos pumasok ng parents ni Kana sa loob ng kwarto, para kaming mga pulubing hindi alam kung saan pupulutin. Si Ken halatang ayaw iwan si Kana sa loob. Ganon na rin si Sasuke. Si Kyoya, hindi ko na nakita matapos nyang lumabas ng kwarto.
Napagpasyahan naming bumalik nalang sa kanya-kanyang dorm para narin makapagpahinga. Pero ako, hindi ko alam kung makakapagpahinga ba ako o maiiyak ako ulit.
I'm going out of my mind. Gusto kong magsaya dahil nabuhay si papa pero hindi ko kaya. Hindi ko kaya dahil iisipin ko palang na may nagbalik pero nandyan parin yung katotohanang meron pa ring nawala sa akin. I miss her...
Mahirap, mahirap... Pagpasok ko palang sa dorm namin, pagkabukas na pagkabukas ko palang ilaw hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha ko.
Napakatahimik ng dorm namin. Hindi ako sanay. Hindi na ako sanay na ako nalang mag-isa ang nandito.
Dati ayos lang sa akin kahit na mag-isa ako nung kami palang ni Yuna ang nandito. Sanay ako kasi lagi syang nasa office ng papa nya, sa office ni sir Arashi. Akala ko dati okay lang kasi apat na taon na kami lang dalawa ni Yuna ang magkasama.
Pero nung dumating si Kana, dun ko nalaman na mas masaya pala kapag may kasama. Yung mapupuyat ka hindi dahil may ginagawa ka o kung ano, kundi mapupuyat ka dahil walang ubos yung mga bagay na pinag-uusapan nyo.
First time kong maging mas masaya kaysa sa normal na ako nang dumating si Kana sa buhay ko. Sa buhay namin. Lumaki kasi ako sa pamilyang strikto, yung tipong pati oras ng pagtulog inoorasan. Yung tipong konting mali lang may parusa kaagad.
Kaya nung dumating si Kana nagbago ang pananaw ko sa buhay. Nalaman ko na minsan masaya rin palang suwayin yung mga nakalakihan ko na. Na minsan pala okay lang na maging totoong ako. Nang dumating sya doon ko lang napatunayan na masaya ako at kontento na ako sa buhay ko.
Nalungkot ako nang mawala si Yuna. At hindi ko alam na may mas ilulungkot pa pala ako roon.
Dati dalawa lang kami ni Yuna. Naging tatlo kasi nadagdag si Kana. Naging dalawa ulit kasi nawala si Yuna.
At ngayon...
Hindi ko matanggap na ako nalang mag-isa ang nandito. Na ako nalang mag-isa ang matutulog dito mamaya.
Ang hirap pala kapag nawala sayo yung mga nakasanayan mo nang kasama.
Napa-upo ako sa kama ko. Niyakap ko yung teddy bear na gustong hingiin ni Sabrina noong nakaraan.
'Ano, Misaka kaya pa ba?' Tanong ko sa isip ko.
Kaya ko pa nga ba? Hindi na yata...
Hindi na yata pero pipilitin kong kayanin.
Nahiga ako at tumingin sa kisame. Pero hindi magandang idea na tumingin ako doon. Para 'yong naging isang malaking TV para sakin. Nakita ko roon yung mga alaala naming tatlo na magkasama.
![](https://img.wattpad.com/cover/19665941-288-k297152.jpg)
BINABASA MO ANG
Himitsu Academy
Mystère / ThrillerHave you ever heard about Himitsu Academy before? Of course you haven't heard it yet, unless you are one of the Mitsus and one of the inheritors of its secrets. In the academy that full of secrets and mystery. In the academy that normal people are n...