HAPPY FATHER'S DAY ULIT SA MGA TATAY NATIN HAHAHAHAHAHAHA UNLI EH NO?
Misaka's POV
"Pa?!" I murmured as we walk along the dark hallway.
"Anak... Anak nandito kami. Tulungan mo kami." Napatingin agad ako sa kanan.
"Jiro... Maru..." Narinig kong sabi ni Mama.
Mabilis kong kinuha yung susi kay Sasuke at pinakawalan sila. Medyo okay lang si papa. Wala syang gaanong galos pero si Maru hinang hina talaga sya. Naiiyak akong makita syang ganito.
"A-ate..." Nagmulat sya ng mata at ngumiti sa akin, napatingin din sya kay papa.
May nagflash na kung anong emosyon kay Maru pero nawala din kaagad. Iniwas nya yung tingin kay papa at tumingin ulit sa akin.
"Ate, aalis na ba tayo?" I nodded.
He always calls me ate kahit na kambal lang kami. Siguro dahil nauna akong lumabas at dahil mas malakas ako kaysa sa kanya. Pero kahit na ganon kahit na magkaedad lang kami... Willing akong ipagtanggol sya at willing akong maging ate nya. Kahit na magkaedad lang kami. Ulit.
"Misaka, ako na muna jan." Sabi ni Ruiko. Tumayo naman ako at pinanood na lang na gamutin ni Ruiko si Maru.
Hinawakan ni Ruiko yung kamay ni Maru at kitang kita ko naman yung pagdaloy ng glittery green na ilaw mula sa kamay nya hanggang sa mga parte ng katawan nya na may sugat. Buti na lang talaga kasama si Ruiko.
Nilingon ko si papa na nasa tabi ni mama. Nag-uusap sila, nagkakamustahan.
Ayaw ko mang sabihin pero tingin ko may nagbago kay papa. Hindi ko alam. Ayaw ko naman kasing magconclude ng ideas mamaya mali pa. Pero tingin ko talaga hindi sya ang papa namin.
Malayong-malayo sya kay papa na kilala ko. Si papa, hinding-hindi hihingi ng tulong kahit pa hirap na hirap na. At si papa, hindi nya kami tinatawag na anak... Kaya naguguluhan ako. Nasaan si papa? Sino sya? Alam kong sinabi kong ayaw kong magconclude ng ideas na baka hindi naman totoo pero tingin ko talaga hindi sya si papa.
Kung si papa sya dapat hindi sya nakikipag-usap kay mama ngayon. Dapat nag-iisip na sya ng paraan para makaalis kaming lahat dito... Pero mukha yun ni papa e. Diba baka nagbago na si papa?
"Umalis na tayo rito. Kung hindi pa tayo aalis mauubusan tayo ng oras at baka maabutan pa tayo ni Akuma." Nabaling ang atensyon ko nang magsalita na si papa. Hindi ko alam kung papalinggan ko ba sya pero parang ang sama ko naman yatang anak kung hindi ako susunod sa kanya.
"May alam ako... may ibang daan dito. Sumunod kayo sa akin." Nanlaki ang mata ko. Susunod ba kami o hindi?
Paksh*t sino ka ba talaga? Kung si papa ka nga, bakit ka gumagawa ng mga bagay na nakakapagpaduda sa akin.
"Ate..." Napatingin ako kay Maru. Nagkatinginan lang kami na parang nag-uusap kami sa utak namin.
Parehong pareho kami ng iniisip. Nagdududa din sya.
"Hindi..." Bulong ko. Napatingin naman sila sa akin. "Hindi tayo susunod kay..." Tinignan ko si papa nakatingin din sya sa akin. Dapat ko ba syang tawaging papa? "Hindi tayo susunod kay papa..." There I finally said it. May kahinaan nga lang.
"It's better kung susunod kayo sa akin. I know Misaka, anak, that you doubt me but I can't blame you. Masyadong madaming nagbago sa akin mula nang nandito ako, kami... But please? Just trust me... Pagkatiwalaan nyo ako kahit dito lang... I know a way, daan na mas ligtas. Ayaw ko kayong mapahamak." Napalunok ulit ako. Nit breaking the eye contact. Gusto kong makita na nagsasabi sya ng totoo.

BINABASA MO ANG
Himitsu Academy
Mystery / ThrillerHave you ever heard about Himitsu Academy before? Of course you haven't heard it yet, unless you are one of the Mitsus and one of the inheritors of its secrets. In the academy that full of secrets and mystery. In the academy that normal people are n...