Hola amigos, amigas! Lol. Here's the UPDATE! Yay!
Happy 750k+ reads! Orayt let's celebrate. At thank you nga pala sa pag follow sa akin! Happy 2k+ followers sa akin. Thank you, thank you. :)
Sorry nga pala last update. Yung mga umiyak, sorry na! Alam ko namang best friend nyo na si Kana, pero everything happens for a reason naman diba?
Sasuke's POV
Isang oras, isang oras na ang nakakalipas mula nang maibalik kami ng mama ni Ken sa Academy. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon, dahil nang mawala ang liwanag ay himalang nasa Himitsu na kami.
Parang hindi ko namalayan ang lahat, parang tumigil ang oras para sa akin nang makita ko si Kanang binitawan ni Seichiro habang wala nang buhay. Inaamin kong wala akong nagawa para iligtas sya. Wala kaming nagawa kung hindi panoorin syang binabawian ng buhay ni Seichiro.
Kanina nasaksihan ko kung gaano ka-selfless si Kana. She'll do everything just to save everyone. Kahit na konti nalang ang oras nya, lumalaban parin sya para mailigtas kami. I know what we did awhile ago was a selfish act. Not helping her was a selfish act, I admit. Pero kung tinulungan namin sya mamamatay din kami. Alam kong alam ni Kana yon. At alam ko ring hindi gugustuhin ni Kanang madamay kami. Lalo na si Ken.
I looked at Ken, he looks so miserable, and so the others. Ang daddy ni Kana, ayaw pumasok sa kwarto kung saan nakahiga ang katawan ni Kana. Hindi nya parin matanggap. Tita Kairi is nowhere to be found. Alam kong masakit para kay tita, hindi pa sya nakakarecover sa pagkamatay ng lolo ni Kana tapos malalaman nyang pati si Kana ay namatay sa kamay din ng isang Chitaen.
Ako... Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. There's so much emotions, naghahalo-halo na sila.
When my parents died I thought, no one will accept me the way they did. But then there's Kana, she makes me feel that I'm not alone that I still have her... That she's my best friend... Kahit na hindi ko sya matandaan, hindi sya sumuko.
Kana, she's all I have. And now she's gone. Yes, I still have Misaka, Ken and Kyoya, but Kana, she's different. She's with me since childhood. Sya nalang ang natitirang magandang ala-ala ko simula pagkabata. Dahil bukod sa mga magulang ko ang makilala si Kana nalang ang magandang nangyari sa akin. Wala nang iba pa.
Naaalala ko pa na kami lang ang magkaibigan noon dahil ilag sa amin ang ibang mga bata sa school. Weird daw kami. Dati hindi ko alam kung bakit nila kami tinatawag na weirdo pero ngayon alam ko na. Alam ko na kung bakit.
Hindi ko na napigilan ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Ngayon nalang ulit ako umiyak. At pagkatapos nito pinapangako kong hindi na ulit.
Napatungo ako ng ulo dahil nakita kong napatingin si Misaka sa akin. Ayokong may nakakakitang umiiyak ako. Hindi ako komportable. Pero mas hindi ako komportableng wala si Kana. Hindi ako sanay na walang kumaka-usap sa akin para mangulit.
Parang kanina lang kasama pa naming lumabas si Kana ng Academy at kasama lang namin sya kaninang pumunta ng Chitaen Palace. Kahapon lang nangungulit pa sya. At ngayon tahimik lang syang nakahiga doon sa kamang 'yon.
BINABASA MO ANG
Himitsu Academy
Misterio / SuspensoHave you ever heard about Himitsu Academy before? Of course you haven't heard it yet, unless you are one of the Mitsus and one of the inheritors of its secrets. In the academy that full of secrets and mystery. In the academy that normal people are n...
