Kana's POV
♪Attention, attention everyone! Please proceed to the quadrangle now. Everyone proceed to the quadrangle now~~
♪Attention, attention everyone! Please proceed to the quadrangle now. Everyone proceed to the quadrangle now~~
Kasalukuyan na kaming naglalakad nina Yuna papuntang quadrangle nang mag-announce si sir Arashi. Nakita naman namin na dali-daling nagsitakbuhan yung mga normal mitsus papuntang quadrangle kaya kami nakitakbo na rin.
Pagdating namin sa quadrangle nasa stage na sina sir Arashi, ang mga teachers namin pati sina Ken. Kaya nung makita kaming tatlo ni sir sinenyasan na agad kaming umakyat sa stage.
Halos mapuno ang quadrangle ng Himitsu, ngayon ko lang nakita ang ganitong kadaming estudyante dito. Akala ko konti lang yung mga nabiyayaan ng mga special abilities pero nagkamali ako nang makita ko kung gaano kadami yung tao sa baba ng stage.
Ganon sila kadami at kaunti lang talaga ang kilala ko sa kanila. Pero sure ako na kilala nila ako. Parang ang unfair? Nakita ko pa sina Shirai at Ruiko yung magkapatid na ano basta yung powers nila healing pati reincarnation. Nakapila sila sa med section. Ngayon ko lang napansin na may section pala dito, nakadepende yun sa kung ano ang ability mo.
Gaya nina Shirai nasa med section sila kasi kailangan sila kapag may mga sugatan cheng cheng. Tapos may mind section pa dito belong yung mga may ability gaya ng telepathy, telekinesis, mind reading, future prediction atbp. Sa heroes nandoon yung mga nagtataglay ng malalakas na powers, like yung kagaya kay daddy illusion, cloning, nature, shadow, yung kay Toshirou hindi ko kasi alam yung tawag sa powers nya, etc. Ang dami, at nasa sidekicks naman yung mga average lang yung powers like yung kay mommy levitation, flying, at ubos na talaga ang oras ko sa pagpapaliwanag.
Nakita ko na lang na pumapalakpak na yung mga normal mitsus at minomotion na kaming tumayo sa parang capsule glass.
"Good luck chosens." Sabi ni sir Arashi habang sumasara na yung capsule glass.
Ganon ba ako katagal na nag-explain ng mga section para maglakbay yung utak ko, to the point na wala akong naintindihan?
Naghawak hawak kami ng kamay sa kaliwa ko si Misaka at sa kanan ko naman si Kyoya. Maya-maya lumutang na yung stone ko at nagliwanag iyon yung kanila din lumiwanag.
BINABASA MO ANG
Himitsu Academy
Misteri / ThrillerHave you ever heard about Himitsu Academy before? Of course you haven't heard it yet, unless you are one of the Mitsus and one of the inheritors of its secrets. In the academy that full of secrets and mystery. In the academy that normal people are n...
