I edited my saved drafts for this story kaya medyo natagalan. Yung iba iniedit ko pa din para mas maayos at mas dama kapag binasa nyo yung remaining chapters. Sorry rin kung ang tagal tagal ng update. July pa yata o June yung last update nito.
Hehe. Namiss ko yung mga characters pati na rin kayo lol. In-update ko lang talaga kasi mapilit kayo eh saka namiss ko rin magsulat. Anyways, October ko pa dapat to ia-update pero dahil nag-update ako ngayon yung next chapter na lang yung maa-update sa October. Mga last week of October pa. Sorry talaga kasi busy ako at nagfofocus ako sa studies ko lalo na yung madugong Trigo at Algebra namin. Ang sakit lang sa utak at puso. Haha so yun na nga, kitakits sa sembreak <3
Kana's POV
Paano na?
Paano na ang huling salita kong nasabi bago kami tuluyang mabalutan ng firewall ni Ken. Nakita ko pa si Misaka na nagbalot na din ng sarili nyang panangga sa mga chitaens.
Hindi ko masisisi si Misaka, wala akong karapatan na sisihin sya dahil sa aming lahat sya ang higit na nasasaktan ngayon. Ginawa nya ang lahat para ligtas kaming makalabas sa lugar na ito pero, hindi sa lahat ng oras at bagay ay mananalo sya. Hindi sa lahat ng oras magtatagumpay kami. Iyon ang katotohanan. Mapaglaro ang buhay... Hindi ka palaging mananalo at ngayon, natalo kami.
Natalo kami pero hindi ibig sabihin ay susuko na kami. May paraan pa. At kahit maliit ang posibilidad ay maaari kaming manalo kung lalaban kami ng sabay-sabay. Ngayon pa ba kami susuko? Kung kailan lalabas na lang kami sa impyernong lugar na ito?
Napatingin ako kay sir Mamoru nang mapasabunot sya sa buhok nya. "May pumipigil sa kapangyarihan ko. Hindi ko ito magamit." Inis nyang pahayag.
Nilunok ko ang kung ano mang bumabara sa lalamunan ko. Base sa nakikita ko sa mga kasama ko ay handa silang sumugal pero napapangunahan sila ng pagkablanko ng utak at kawalan ng pag-asa. Si Ken, hindi sya ang Ken noong una ko syang nakilala. Hindi sya yung Ken na parating alam kung ano ang gagawin. Ibang iba sya ngayon, halatang hindi sya makapag-isip ng maayos. Ganon din ang iba pa.
Tingin ko ako na lang ang nakakapag-isip ng maayos sa ngayon at wala na akong ibang choice kung hindi ang gawin ang sa tingin ko ay nararapat. Para sa walang kasiguraduhang kaligtasan namin, dapat ay may gawin ako.
Muli ko silang tinignan bago nagsalita.
"Kyoya..."
Nakita ko syang tumingin sa akin. Pati na rin ang iba ay tumingin din.
"B-bakit?" May halong kaba ang boses nya. Hindi ako sanay na ganon sya.
"Pupwede ka nang umalis isama mo si Maru." Halata ang gulat nila nang marinig ang sinabi ko.
Seryoso ako. Si Kyoya na lang at ang taong isasama nya ang may malaking posibilidad na makaalis rito.
"B-bakit?! Hindi ako aalis! Hindi ko kayo iiwan dito!" Matigas nyang sagot kaya napapikit ako upang pakalmahin ang sarili ko. Mahirap na at baka pati ako ay mawalan ng pag-asa.
"Kyoya, ikaw nalang ang natitira nating pag-asa." Kalmado kong sagot. "Kung hindi kayo aalis ngayon, baka tuluyan nang walang matira sa atin." Dagdag ko pa. Nakita ko naman sa mukha nila ang pagsang-ayon sa akin pero may bahid pa rin ng pag-aalangan sa mukha nila.
"Pero Kan—"
"Kung gusto mong makatulong, ito na yon Kyoya. Kung hindi ka aalis dito at makikipaglaban ka rin kasama namin sigurado akong matatalo tayo." Huminga ako ng malalim. "Pero kung aalis ka Kyoya, lalaban pa rin kami at aasa kami sayo. Aasa kami na babalik ka at ililigtas mo kami na may mga kasama. Backup Kyoya. Backup ang kailangan ngayon. At ikaw inuutusan kita na tawagin ang mga backup na yon. Bumalik ka na ng academy. Pakiusap..."
BINABASA MO ANG
Himitsu Academy
Mystery / ThrillerHave you ever heard about Himitsu Academy before? Of course you haven't heard it yet, unless you are one of the Mitsus and one of the inheritors of its secrets. In the academy that full of secrets and mystery. In the academy that normal people are n...
