Ken's POV
Wala na kaming nagawa kung hindi maghintay ng susunod na mangyayari. Sa pagkakataong ito, mahirap hung kami ang mauuna dahil umpisa palang, dehado na kami. Kami ang nasa alanganin dahil kami ang wala sa sarili naming teritoryo. Hindi mabilang ang dami nila samantalang kami, kayang kaya kaming bilangin. Sa ngayon, kailangan nalang naming maghintay at makisabay sa kung ano mang mangyayari.
Napalunok ako habang pinagmamasdan ko ang paligid. Unti-unti nang natatalo ng dilim ang liwanag. Unti-unti nang dumidilim gaya ng kanina ko pang inaasahan simula ng dumating si Akuma. Well what can you expect from the king of dark and evilness? Yes. Akuma he is a king. A cursed king.
Wala akong gaanong nalalaman tungkol sa history ng mga chitaen, pero ang alam ko lang ay hindi sila gaanong masama noong hindi pa si Akuma ang nakaupo sa trono. Naalala ko ang kwento ni lolo na nasobrahan si Akuma sa paggamit ng kapangyarihan nito. At dahil lahat ng sobra ay masama, wala itong naidulot na maganda. Ginamit nya ang kapangyarihan nya sa kasamaan, at dahil nga nasobrahan sya sa paggamit ay hindi nya ito nakontrol at sya mismo ang ginamit ng kapangyarihan nya. Pinagharian sya nito. Matagal tagal na rin nang mapasakamay ni Akuma ang trono nya at matagal na ring sunud-sunuran ang mga Chitaens sa kanya. At dahil likas na masama ang nakaupo sa trono, ay kailangan ding maging masama ng mga tao nya dahil iyon ang nakasaad sa papel nila.
Napakuyom ako ng kamao ko. Kailangan nya nang maibaba sa trono. At hanggang maaari, kailangan nya nang mamatay. Dahil kung hindi, mas lalo syang lalakas at mas lalo syang magiging panganib para sa mga susunod na henerasyon ng mga Mitsu. He's been there since my grandfather's grandmother's time. Panahon na para bitawan nya na ang pwesto. Yes, he's old pero hindi mo iyon makikita sa anyo nya. Kung tutuusin, mas mukha pa syang mas bata kaysa kina sir Arashi.
"Teka anong nangyayari, Ken?" Tanong ni Kana na kasalukuyang nasa tabi ko lang. Hindi nya pa rin inaalis sa tabi nya yung babaeng nagpakilala bilang Izumi kanina.
"Nag-uumpisa na sya, Kana." Sabi ko habang deretsong nakatingin kay Akuma.
Tinignan ko si Kana para makita ang reaksyon nya. Kitang-kita ko naman na natense sya dahil bigla syang pinagpawisan at napalunok din sya.
"Kung ganon, kailangan nating mag-ingat." Mahina nyang sabi. Tumango ako.
"At kailangan mong maging alerto. Umpisa palang 'to Kana. Mamaya wala na tayong makikita sa sobrang dilim. All we have to do is to focus and be alert. Feel the energy of the people near you. Kung sa tingin mo kalaban then don't hesitate. Just do what you have to do." Paalala ko sa kanya. "Ikaw din, Izumi."
BINABASA MO ANG
Himitsu Academy
Misteri / ThrillerHave you ever heard about Himitsu Academy before? Of course you haven't heard it yet, unless you are one of the Mitsus and one of the inheritors of its secrets. In the academy that full of secrets and mystery. In the academy that normal people are n...
