Continuation...
Nakarinig ako ng malakas na pagsabog at halos matutop ko ang bibig ko nang makita kong gumuho ang buong boys at girls dormitory. Parang sa isang iglap lang ang kaninang nakatayong dormitory ay biglang gumuho at naging bato nalang.
Nakarinig ulit ako ng isa pang pagsabog na nakapagpabalik sa akin sa katotohanang dapat ko nga palang sundan si Ken. Ang totoo ay hindi ko na alam kung nasaan sya at ang babaeng 'yon pero malamang ay nandito sila sa loob ng maze dahil dito ko sila huling nakita kanina.
Mabilis kong pinasok ang maze, it's a good thing na wala pa gaanong labanan na nagaganap sa parteng ito ng academy. Mas mapapadali ang paghahanap ko sa kanila.
Tinalasan ko ang mata ko dahil madilim pa rin talaga at isa pa dapat alerto ako. Lakad takbo ang ginagawa ko pero halos maiyak ako nang makakita ako ng tatlong daanan sa harapan ko. Saan sila dumaan? Alam kong pwede akong lumipad para mas mapadali ang paghahanap ko sa kanila pero mahirap na dahil baka may makakita sa akin habang lumilipad. Malalagay kami lalo sa alanganin.
Pinili ko ang daan sa gitna at buong pusong nagdasal na sana nga dito sila pumasok. Pero hindi pa nagtatagal ay narating ko ang dulo nito nang hindi sila nakikita. Wala sila kaya mabilis akong bumalik sa pinanggalingan ko at tinungo ang kanang daan.
Palinga-linga ako sa paligid dahil parang nakakarinig ako ng boses sa hindi kalayuan. Hindi ko iyon maintindihan dahil para iyong Latin at may kahinaan pa iyon.
Binilisan ko ang paglalakad at unti-unti ay nakita ko sila. Nakaupo na si Ken sa lupa habang 'yong babae naman ay patuloy pa rin sa pagsasalita ng lengguaheng hindi ko maintindihan. Para nyang niriritwalan si Ken at base sa itsura ni Ken ay tuluyan na syang nalamon ng sistema ng ritwal ng babae.
Wala na akong makitang hint ng kulay pula sa mga mata ni Ken. Purong itim na iyon na maging kulay puti ay hindi na rin maaninag.
Napaatras ako nang biglang bumalot ang apoy sa katawan ni Ken at tila ba nagkaroon iyon ng sariling buhay at biglang kumalat sa gitna papunta sa mga gilid-gilid nito. Sa isang iglap lang ay bigla akong napalibutan ng apoy lalo na at gawa sa halaman ang maze na ito.
"KEEEENNNN!" Bigla kong sigaw na naging dahilan para matigil sa pagsasalita 'yung babae. Pero hindi natigil si Ken sa paglalabas ng apoy mula sa katawan nya.
Napatingin sa akin 'yong babae at nakakakilabot ang blankong mukha nya. Hindi ko iyon mabasa.
Sinubukan kong bawasan ang oxygen content ng apoy ni Ken pero hindi iyon gumagana. Para bang hindi tumatalab ang kapangyarihan ko kay Ken.
"Anong ginagawa mo sa kanya?" Pasigaw kong tanong sa babae.
Hindi sya umiimik at hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha nya. Sumimoy ang malamig na hangin na naging dahilan upang kumalat ng mabilis ang apoy ni Ken.
Unti-unti ring lumalapit sa akin 'yong babae habang nagchachant nanaman ng Latin words na hindi ko maintindihan. Mariin syang nakatingin sa akin pero blanko pa rin ang mukha nya. Parang hindi rin sya kumukurap dahil sa tindi ng titig nya sa akin.
Napalunok ako nang biglang may nabuong fireballs sa paligid ko. Ganitong-ganito ang eksena dati. Noong una kaming nagkita ni Ken. Yung mga fireballs na dahan-dahang lumalapit sa akin na parang naulit ngayon. Nakatayo na si Ken at naglalakad na rin sya palapit sa akin.
Papalit palit ang tingin ko sa kanilang dalawa 'nong babae. Sinubukan kong hipan yung mga fireballs pero sa bawat ihip ko, parang bigla itong lumalaki at mas lalo itong umiinit sa balat ko.

BINABASA MO ANG
Himitsu Academy
Mystery / ThrillerHave you ever heard about Himitsu Academy before? Of course you haven't heard it yet, unless you are one of the Mitsus and one of the inheritors of its secrets. In the academy that full of secrets and mystery. In the academy that normal people are n...