Chapter Thirty Seven.

55.7K 1.4K 66
                                        

Oemgee! Nabubuang na ako lol! Eto na hehehe. Sorry sa matagal kong ud hahaha masyado kasing nabusog ang magaganda kong mata nung pumunta akong FEU para magpa-sched ng entrance exam! Ang daming fafahshet! Ampuputi jusko, hayss sino ba demigod dito na nanay si Aphrodite? Manghihingi ako ng kaunti pang beauty lol. Pakisabi na sa nanay nyo ah? O pakisabi na lang sa kapatid nyong si Cupid na samahan ako at panain lahat ng matype-an ko dun para pag bumalik ako dun may love life na ako pag-uwi ko. HAHAHAHA.. BWAHAH.. BWA.. HA.

Nababaliw nanaman,

- Mel.

PS: Idol ko si Dyosa Thik sa story ni owwSIC na Lala Laitera (Ang Laiterang Hindi Naman Pretty) sa mga hindi pa nakakabasa pakibasa na! Hahaha hahagalpak kayo ng tawa lol sa kakatawa nyo lalabas na ngala-ngala nyo mhehehez!
Dedicated kay koya owwSIC! Koya! Super pampa good vibes story nyo hahaz bwahahah.. bwah.. ha.. Sorry kung walang connect sa story mo 'tong dedication. Ako na nagdedicate aarte pa? Lowl jowk ownli aydol ko din kase si Pipay kaya ni gaya ko onti, pero naghuhugas naman ako ng pempem lol. Hihihihihihih

Haba ng introduction ko! Oo na eto na! Batuhin nyo nanaman ako ng kamatis pati kalabasa mamaya e! :3

Ken's POV


Kanina pa nakarating sina Kyoya at Yuna mula nang kumuha sila ng pagkain, pero si Misaka hindi pa bumabalik. Wala pa rin si Sasuke pero sanay naman na ako sa isang iyon. Si Misaka lang talaga ang pinoproblema ko... Nasaan na ba ang isang iyon?


Hindi pa rin kami kumakain dahil hinihintay namin yung dalawa. Si Kyoya masama na ang tingin sa akin. Tss, alam ko namang kasalanan ko kung bakit umalis si Misaka.


Ang nahahalata ko lang ay si Yuna... Bakit parang masyado syang kampante at parang hindi manlang nag-aalala? Samantalang kaibigan nya si Misaka. Si Kana nga kanina pa labas masok ng cave namin tapos sya naka-upo lang? May away ba sila ni Misaka?


"Peste Ken! Kasalanan mo talaga 'to. Kapag napahamak si Misaka sagot mo yan!" Narinig kong sabi ni Kyoya habang kanina pa rin tadyak ng tadyak ng paa nya. If I know kanina pa nagbibilang ng segundong lumilipas yan.


"Si Sasuke? Wala pa din ba?" Tanong ni Kana. Jusko naman!


"Ikaw yung labas masok jan. Nakita mo bang may pumasok?" Hindi na din ako nakapagpigil. Nasa akin nanaman lahat ng sisi.


Umiling si Kana. "Sorry na! Tss." Sabi nya at nagbantay nanaman sa may labasan ng cave.


Misaka nasaan ka na ba? Hays. Minsan talaga bumabaliktad din ang ulo nun e. Minsan kahit na matalino sya nakakaisip sya ng mga bagay na hindi nya dapat gawin. Paano kung makita sya ng ibang tribes? Mahirap pa namang maghanap ngayon lalo't gabi na. Pero sana lang magkita sila ni Sasuke. Kahit ayaw ko sa taong yon, alam kong hindi nya papabayaan si Misaka. Nakita ko iyon nang mahulog sila ni Kana sa black dimension. Hindi nya pinabayaan si Kana nang mga panahong iyon.


"Argh! Kumain na tayo." Sabi ko. Nakakaramdam na rin kasi ako ng gutom.


"Hindi ba natin sila hihintayin?" Napatingin ako kay Yuna, sa unang pagkakataon nagsalita din sya.


Umiling na lang ako.


"Kapag hindi sila bumalik ngayon, bukas maaga tayo, Hahanapin natin sila."


Parang hindi sila sang-ayon sa plano ko pero ako pa rin ang nasunod sa bandang huli. Tama naman ang pasya ko diba, na ipagpabukas na lang ang paghahanap sa kanila kung saka-sakaling hindi sila babalik?


Tss.


Kumain lang ako ng tahimik at nag-isip ng mabuti...


"I think it's Sasuke for the boys and Misaka or Yuna sa girls." Kung hindi talaga si Misaka, si Yuna at Sasuke na lang ang pinagdududahan ko...


Napasulyap ako kay Yuna habang katabi nyang kumakain si Kana. May kakaiba sa kilos nya dati pa... Matagal ko nang nahalata yung pagbabago nya bago pa man din dumating sina Kana dito pero hindi ko na muna gaanong inintindi 'yon, kaya nung nalaman kong may traitor isa na sya sa pinagdudahan ko.

Napansin kong napa sulyap na din sya sa akin. May kakaiba sa mga mata nya mas maitim ito kaysa sa normal nyang mga mata noong bata pa kami. Ngayon ko lang iyon napansin dahil hindi ko naman ugaling tumingin sa mata ng mga tao sa paligid ko.


Umiwas ako ng tingin, dahil hindi ko makaya ang mga mata na nya parang nanghihipnotismo.


"Ah, Ken?" Bumaling ako ng tingin kay Kana at binigyan sya ng 'Ano yun?' look. "Bukas ah? Maaga tayo! Baka mamaya tulog pa kayo." Tumango ako.


"Basta maaga tayo bukas. May clue naman ako kung saan pupunta si Misaka." Sabi ko.


"Siguro ako na lang mag-isa ang pupunta."


Nag flashback sa akin ang sinabi sa akin ni Misaka. Kung hindi ako nagkakamali ng iniisip, balak nyang lumabas na ng jungle at pumuntang mag-isa sa mga chitaens.


Hindi ko hahayaan na mag-isa lang syang susugod doon. Kaya bukas na bukas din... Kung kinakailangang mauna ako kina Kana para lang maabutan o matagpuan agad sya ay gagawin ko. Kaibigan ko si Misaka at babae sya, hindi ko sya dapat pabayaan. Ay bwisit! Ken ano pa ba sa tingin mo ang ginawa mo? Hindi pa ba malayo sa pagpapabaya ang ginawa mo sa kanya? Leche.


Tumango na lang silang tatlo, at mabilis na inubos yung kinakain nila. Dumiretso na din sila sa mga tent nila inisip ko nalang na para maaga silang magising bukas, kaya matutulog na sila kaagad.


Naiwan lang akong nakatulala, mukhang wala ngang balak bumalik si Misaka. Nagpakita na ang buwan at mga bituin wala pa rin sya. Si Sasuke din. Pero wala naman akong gaanong pakialam sa isang iyon, lalaki naman sya at laking gubat pa, hindi gaya ni Misaka na kulang na lang ay tratuhing prinsesa ng pamilya nila.

Hindi naman sa minamaliit ko ang kakayahan ni Misaka. Malakas sya sa totoo lang, pero iba pa din ang lakas ng lalaki kaya hindi ko maiwasang mag-alala. Lalo na't mag-isa lang sya.


Napailing ako. Hindi ako dapat mag-isip ng masama. Dahil baka magkatotoo yung kanina ko pang sinasabing baka mapahamak sya. Makatulog na nga lang maaga pa bukas. Letche.


1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1DD1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1

Isang maikli at sabaw na chapter. Wag kayong umasa na maganda ang update ko kapag nakakakita ako ng pogi, dahil hindi lang mata ko ang apektado sakin pati na din utak ko okii? Hahahz isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako dumating sa meet and greet ng mga pemsters sa SM Manila nong November, nandon si owwSIC e the great Santos pa naman yown andon din si Edgar Guzman nakow umuulan ng gwapo doon e naisip ko kayo lol. Tatlong buwan akong hindi makakapag update kung nagkataon, tapos batuhin nyo pa ako ng kalabasa may kasama pang patatas ni Sarah hayczszc geh na!

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon