Chapter Sixty Seven.

42.4K 1.1K 96
                                        

Kana’s POV

Akala ko huli na nung dumating kami ni Kyoya sa chitaen palace kahapon. Nababalot na kasi ng usok yung lugar at mas lamang na rin ang dilim kaysa sa liwanag na nanggagaling sa mama ni Ken.

Nagpakawala kaagad ako ng hangin para maitaboy ang usok nang makita ko ang kalagayan ng lugar.

I was in shock nang makita kong hindi pa rin natatanggal yung mga sinulid kay Ken. Ganon pa rin ang pwesto nya mula nang umalis kami ni Kyoya.

Tinignan ko si Kyoya, hindi ako seryoso sa sinabi ko sa kanya, pero para kasing kinukutuban ako. Para kasing may mangyayaring hindi maganda.

Naramdaman ko ang pagbabago ng kulay ng mga mata ko. Napansin ko ring lumiliwanag yung kwintas ko kung saan ginawa kong pendant yung bato na binigay ng dating air controller sa akin.

Hindi ko dinagdagan ang pwersa ng hangin na pinapalabas ko mukha naman nang sapat iyon. Pero tingin ko lumalakas iyon. Nakakapagtaka pero... Ano nga ba ang nangyayari?

“Kana...”

Air goddess?

Tumingin ako sa paligid para sana hanapin sya pero bigla kong naalala na sa panaginip ko lang sya makikita at sa isip ko lang sya makakausap.

Habang tumatagal ay nararamdaman kong palakas ng palakas ang hangin sa paligid. Nararamdaman ko rin ang panghihina at isa pang kakaibang pakiramdam.

Parang...

Parang humihiwalay ako sa katawan ko.

And the rest was history.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari hanggang sa magising ako sa isang panaginip.

Nagising ako sa isang panaginip kung saan nakikita ko ang mismong nangyayari bago pa ako humiwalay sa katawan ko.

Yung mga sinulid na nakapulupot sa katawan ni Ken, yung biglang pagsulpot at paghawak ni Seichiro sa katawan ko.

Lahat nakikita ko pero sino yung nasa loob ng katawan ko?

Tuloy pa rin yung hangin sa paglabas pero unti-unti na ‘yong humihina. Halata na rin yung pagbagsak ng sarili kong katawan.

Pero sino ba talaga ‘yong nasa loob ng katawan ko?

Posible bang ang air goddess ‘yon?

Hindi naman imposible diba?

Kinakabahan ako, what if hindi ‘yon ang air goddess? At talagang wala na ako kaya nakikita ko lahat ng ‘to?

Tila bumilis ang mga pangyayari matapos sumagi sa isip ko ang bagay na ‘yon.

Bigla nalang tumigil lahat ng nakikita ko sa paligid ko. Unti-unti silang naglaho kasabay ng unti-unti ko ring pagkawala sa eksena.

Napapikit ako ng mariin at laking gulat ko nang magising ulit ako sa iba nanamang eksena.

I was there, lying on the bed... Hindi ko alam kung anong nangyayari. Nakikita ko na halos lahat sila galing lang sa iyak pero hindi ko marinig ang kung ano mang sinasabi nila.

Para akong bingi.

Halatang may mga pinagtatalunan sila dahil sa mga kinikilos nila. Lalo na si Kyoya hindi ko man naririnig, alam kong sinisigawan nya si Izumi. At wala akong magawa para pigilan sya.

Kinabahan ako. Tinignan ko ang sarili ko sa kama...

Am I really dead?

Nakita ko ang pagpasok ng parents ko at ang paglabas nila sa kwarto.

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon