Chapter Five.

98K 3K 487
                                    

Kana's POV




School starts at 8am sharp. Bawal daw malate ngayon kasi si Mrs. Fuu at Mrs. Kagome daw yung magtuturo. Handle nila yung ability testing na subject sabi ni Misaka. Hindi ko naman alam kung ano yon kasi first day ko lang dito ngayon. Saka wala namang ganung subject sa dati kong school.



"Kana ano yang suot mo?" Himitsu uniform, ano pa ba?



"Ughm, uniform?" Sagot ko sa tanong ni Misaka.



"Alam kong uniform yan. Pero hindi yan ang proper attire kapag ability testing ang subject." Sabi pa nya at may inabot sa akin. "Yan isuot mo muna, magkasize naman tayo kaya tingin ko kasya yan sayo." Tiningnan ko kung ano yung iniabot nya. Uniform din naman pero iba sya sa suot kong uniform. May cape at hat syang kasama parang yung sa mga witches lang.



"Ganito itsura nyan kapag isinuot Kana." Lumabas si Yuna sa dressing room at inirampa na parang model yung suot nya may wand pa pala yung kasama. "Isuot mo na yan. Bukas kukunin natin kay daddy yung ganito mong uniform." Dagdag pa nya at ipinony yung buhok nya.



Nagbihis na kami ni Misaka. Ang cute pala ng uniform na 'to. Mas type ko 'to kesa dun sa isa na suot ko kanina.



Nag clip ako ng buhok. Si Misaka naman sinuot ulit yung eyeglasses nya. Feeling ko nasa Harry Potter kami.



"Tara na! Five minutes na lang. Baka malate tayo." Sabi ni Yuna at sumunod na kami ni Misaka.



First time ko 'tong papasok ng hindi late. Nakakapanibago, pinilit kasi nila ako e. Tapos tinakot pa nila ako tungkol kay Mrs. Fuu at Mrs. Kagome. Tuloy napaaga ang pasok ko.



"Saan ba yun? Nadaanan na natin yung mga classrooms a." Sabi ko ang layo na kasi ng nalalakad namin. Tinutungo namin yung maze na hindi ko naman alam kung saan matatapos.



"Dito lang. Dun kasi tayo sa may battlefield sa may gitna ng maze." Sagot ni Yuna habang gumagawa ng maliliit na water balloons. Nakakainggit naman, sila pinaglalaruan lang yung powers nila samantalang ako nganga padin hanggang ngayon.



Ano kayang ability ko? Wala talaga akong alam.



"Andito na!" Natauhan ako nung sinabi yun ni Misaka. Mga thirty plus din siguro yung mga kapwa ko estudyante na nandito.



Lahat sila nakatingin sa direksyon namin. O nakatingin sa akin. Bago lang kasi ako kaya malamang sa malamang hindi nila ako kilala.

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon