Chapter Eight.

96K 2.7K 230
                                        

Hello lilbutch05 dedicated sayo HAHAHA Thanks for commenting xD and a BIG THANKS for reading this story HAHAHAH lovelots :)




3rdPerson's POV



Kanina pa ang labanan na iyon pero kailangan kong hindi muna mangialam. Alam kong isa ako sa kanila pero hindi muna ako lalabas hangga't hindi kailangan.



Ako si Sasuke Yamasaki. Ang Ice controller. Matagal na ako dito sa gubat na 'to dahil minamanmanan ko ang mga kapwa ko Mitsu. Hindi lang talaga ako nagpapakita dahil hindi pa tamang oras.



"Napakagaling talagang kumontrol ni Akuma. Hindi na ako magtataka kung baki-." Naputol Ang sasabihin ko dahil biglang may malakas na pagsabog at lumitaw ang malaking ipo-ipo.



"BABALIKAN KO KAYO." Sabi ni Akuma at lumipad na paalis.



Napatingin naman ako sa sinapian ni Akuma at dun sa natitirang gising.



"Hoy! Babaeng maaldal itigil mo na yan!" Sabi ni Ken.



Napatingin ako sa babae. Ngayon ko lang sya nakita, bagong studyante siguro sya. At base sa nakikita ko ako na lang ang kulang sa kanila. Yung babaeng yun sya ang Air element controller. At oras na para magpakita ako sa kanila dahil yun lang naman talaga ang hinihintay ko. Ang makumpleto silang lima bago ako lumapit sa kanila.



Kitang-kita ko kung papaano lumipad paitaas si Ken. Habol-habol naman sya nung babaeng may ipo-ipo. Wala sya sa sarili nya. Ang lakas talaga ng epekto ni Akuma. Nakakapag-iwan sya ng bakas sa sinasaniban nya.



Bago pa man malapitan nung babae si Ken lumipad na ako at nagpadala sa ipo-ipo nya habang naglalabas ng yelo para makagawa ng ice wall. Kailangan nyang mahimasmasan bago pa man sya makapanakit ng mga kasama nya.



Humihina na yung ipo-ipo nya at nahihilo na ako dahil sa pag-ikot ko. Maya-maya pa ay tumigil na ang pag-ikot ko. Bumaba ako at kinatok ang yelong mas matigas pa sa pader.



"Sino ka? At bakit mo sya binalutan ng yelo?" Napalingon ako sa nagsalita. Gising na pala sya. Gising na si Kyoya.



"Hindi pa ba halata kung sino ako? Anim lang naman tayong chosen Mitsu diba?" Sabi ko at nanlaki ang mata ni Kyoya. "At dito sa yelo, pabayaan mo muna sya jan. Tatanggalin ko yan matapos ang tatlong minuto. Kailangan munang kumalma ng kapangyarihan nya. Nagwawala pa kasi." Ngumisi ako.

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon