Kana's POV
Nagising ako na nasa dorm na. Nandoon na din si Yuna pero si Misaka ni bakas ng paghiga nya sa kama wala pa. Tumayo na ako at walang ingay na pumunta sa cr baka magising si Yuna dadaldalin pa ako. Isa pa kailangan ko syang maunahan sa pagligo alam nyo na, pinaglalaruan nya kasi yung tubig sa banyo kaya ang tagal nyang maligo.
Tamang tama gusto kong magrelax, kaya naglublob ako sa bathtub. Bakit naman nandito agad ako? Dapat nandun pa ko kasama ang air goddess pati si lola. Tss pero ano pa nga ba? Nandito na ako e.
Ipinikit ko ang mga mata ko at wala pang sampung segundo ay may pesteng...
"WAAAAAAAHHHHHHHH WALA AKONG NAKITA!!! WALA! WALA TALAGAAAAAA!!! WAAAHHHH SORRY KANA!" Pisti! Letcheeee Yunaaaaaaa!
"Yunaaaa!" Ako.
"Kanaaaa?" Sya.
"ALIIIIIIIIIIIIIISSSSSS!!!" Naiimbyerna ako ng pagka-aga-aga sa kanya! Nako naman!
"Sorry na! Eto na aalis na." Sabi nya at isinara ang pinto.
Pero bago yun may narinig pa ako...
"Waaahh my oh so precious eyes hindi na sila virgin. Huhuhuhu." Letcheeee! So nakita nyaaaaa? Lagot sakin yan mamaya!
"GRRRRRRR!!!"
Dali dali na akong naligo at nagbihis, nakakahiya naman na sa kwarto namin ako magbihis e nandun sya o sila pag nandito si Misaka. Yak lang isipin no!
"Kana sorry talaga hindi ko naman alam na nandoon ka sa loob e. Sorry na talaga huhuhuhu." Kung hindi lang sya cute!!! Grrr, bakit ang cute nya?
"Oo na oo na!" Sabi ko na lang. "Maligo ka na! Papasok pa tayo."
Umalis na si Yuna at pumasok sa banyo. Humanda na para sa mahigit isang oras nyang panliligo.
*Tok tok*
Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon, nakita ko si Misaka. Mukha syang malungkot? Oo malungkot nga sya.
"Napano ka?" Tanong ko.
Pumasok sya ng kwarto at dumeretso sa kama nya. Matutulog ata sya.
"Wala." Pumilit sya ng ngiti. Bat ganon? Hindi naman sya si Sasuke pero nakakaramdam ako ng coldness.
"E? Bilisan mo na kaya. Baka di pa nag-uumpisang maligo si Yuna. Unahan mo na." Sabi ko pero nag-isang minuto na hindi pa sya nagsasalita. "Huy! Okay ka lang ba?"
"Oo, hindi muna ako papasok. Pagod ako." Ang cold talaga.
"KANAAA SINONG KAUSAP MOOO?" Narinig ko pang sigaw ni Yuna. Um-echo pa yung boses nya sa loob.
"Si Misaka!" Sabi ko pabalik.
"SI MISAKAAA? Wahh. Anjan na 'kooo wait lang!" Excited nyang sabi.
"Pero, bakit hindi ka papasok? Sayang naman." Kasi e! Hindi ako sanay na ganito si Misaka. Sya yung pinaka masipag mag-aral sa aming tatlo remember?
"Ayoko pa." Yan na lang ang sinabi nya at nagbalot na ng kumot.
"Misakaaa! Maligo ka naaa!!" Sabi ni Yuna na kakalabas lang ng banyo. Hindi ata sya matagal ngayon.
"Shhh." Sabi ko. "Tara na."
"Huh? Pano si Misaka?" Sabi ni Yuna na nagtataka pa. "Wait lang magsusuklay muna ako."
"Hindi daw muna sya papasok. Hayaan na muna natin pagod e."
Tumango na lang si Yuna sa akin at lumabas na kami ng kwarto.
Tahimik lang kami sa daan nang tumunog ang cellphone ni Yuna.
"Si dad, mauna ka na muna Kana."
Tumango na lang ako at dumeretso na sa chosen room.
Pagpasok ko ng room nandoon na ang boys. Wala pang teacher. Tahimik lang sila na parang nagpapakiramdaman.
Si Ken hindi sya natutulog ngayon at pasalit salit din ang tingin nya kay Sasuke at Kyoya na natutulog pareho. Napatingin sya sakin nang maramdaman nyang nandito ako. Nginitian ko na lang sya at dumeretso sa upuan ko.
Naninibago ako sa ikinikilos ng mga kasamahan ko. Ano bang nangyari sa training nila?
Ken's POV
Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit sakin pa kailangan ipagawa 'to. Sa ginagawa kong 'to baka ako pa yung mapaghinalaan nila.
Tss. Nakakainis, dapat natutulog ako pero dahil nga sa iniutos ng trainer ko hindi ko pwedeng gawin iyon ngayon. Kailangan kong bantayan ang bawat kilos ng isa sa kanila.
Si Kyoya, naghinala ako sa ikinilos nya kanina nung dumating sya. Kakaiba e, parang may nagbago sa kanya. Hindi din sya gaanong nagsasalita. Si Sasuke ganoon pa din tahimik lang.
Dumating si Kana at umupo na lang sa upuan nya. Maya maya pa ay pumasok na din si Yuna. Wala ba si Misaka?
Minsan yung mga taong hindi kahinahinala sila pa yung dapat na pagkahinalaan. Sino ba sa kanila? Sino ba ang traydor na tinutukoy ng trainee ko?
Nahihirapan ako, kahit naman hindi ko sila kasundong lahat at kahit hindi man halata sakin, kaibigan na ang turing ko sa kanila. Pantay pantay silang lahat kahit pa nauna kong makilala sina Kyoya, Yuna at Misaka pantay ang tingin ko sa kanilang lima. At dahil yun sa chosen kami. Ang sabi ng daddy ko kung gusto daw namin na maging maayos ang samahan naming anim, dapat daw matuto kaming pagkatiwalaan ang isa't-isa. Pero paano ko gagawin iyon kung may ganitong sitwaston na nautos sa akin? Paano ako magtitiwala sa kanila?
xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxo~~
BINABASA MO ANG
Himitsu Academy
Mystère / ThrillerHave you ever heard about Himitsu Academy before? Of course you haven't heard it yet, unless you are one of the Mitsus and one of the inheritors of its secrets. In the academy that full of secrets and mystery. In the academy that normal people are n...
