Dedicated to myself 'coz I'm the Author HAHAHA oha? geh eto na ^.^ matagal kong pinag-isipan 'to at sa wakas matutuloy na xD.
~~~~~~~~~~~~**************************************~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~**************************************~~~~~~~~~~~~
Kana's POV
Umaga nanaman, ano pa nga ba? Pasukan e natural papasok nanaman.
"Kana baby, baba na! 8:00 na o! Kaninang 7:00 pa klase mo" Alas otso na pala. Mabuti naman, ayoko ng maaga pumapasok. Hindi rin ako pa-VIP dahil hindi naman ako sa entrance gate pumapasok.
"Yes mom coming." Sabi ko, nakaligo na ako at naka-uniform na kanina pa. Ayoko lang talaga pumasok ng maaga kaya tumambay muna ako sa kwarto ko.
Bumaba na ako sa hindi ordinaryong bahay namin. Masyadong maka-greek mythology ang parents ko. Ang desenyo ng bahay hindi talaga ordinaryo. Pag nasa labas ordinaryo gaya ng mga nakikita mong bahay, pang mayaman. Pero sa loob doon na, may lahi ba kaming myths? Pati gamit hindi ordinaryo pang-Japanese ang mga gamit namin.
"Stop noticing our house's structure." Weirdo kong daddy, papaano nya ba nababasa ang nasa-isip ko? "And I'm not weird." Dagdag pa nya.
"You really are weird Dad." Sabi ko. Magsasalita pa sana si daddy kaso sumingit si mommy, kesyo tumigil na daw si daddy sa pag-daldal sakin kasi super late na ako BLAH BLAH.
FAST FORWARD.
Nakapagtataka, napakataas ng bakod ng likod ng school na ito pero nakakaakyat ako ng walang kahirap-hirap. Parang lumulutang lang ako sa hangin kapag umaakyat ako dito.
Naglakad na ako sa campus matapos kong makababa. Walang tao, may klase nga. Papasok na ako, bahala na kung anong sabihin ng teacher na iyon. Napakasungit, nananakit sya ng estudyante nya.
Pagpihit ko ng pintuan, boses nya agad ang narinig ko. Napakalakas.
"HINDI KA PUMASOK NG FIRST CLASS MO, 20 MINUTES LATE KA PA SA KLASE KO, LABAS!" Hindi ko sya sinunod, hindi ako gaya ng ibang kaklase ko na takot sa kanya.
Nagdire-diretso ako sa upuan ko, at narinig ko nanaman syang sumigaw. Naramdaman ko ring parang may kung anong gamit ang papalapit sa ulo ko. Naramdaman ko din na parang may nagbago sa mata ko. Ano iyon?
"PASAWAY KANG BATA KA!" Sabi ni ma'am habang papalapit sa akin ang kung anong bagay. Lumingon ako at ang eraser iyon. Dalawang dangkal na lamang ang layo niyon sa akin, pero ewan ko ba at kusang kumilos ang kamay ko at ibinato iyon pabalik sa teacher ko.
Walang kurap, nakita kong bumagsak at nakatulog ang teacher namin. Anong nagawa ko?
Tumingin ako sa mga kaklase ko at nakita ko ang takot nila sa akin, bakit sila natatakot? Nagsilabasan sila at hinila si ma'am palabas ng classroom. Narinig ko pa ang bulungan ng iba habang nagmamadaling lumabas.
"Nakita nyo ba yon? Nag-iba ang kulay ng mga mata niya!" Sabi ng isa. Si David iyon.
"Color red diba?" Sabi ni Ynna. Ano daw? Ang mata ko kulay pula? Wala naman akong sore eyes ah?
"Anak sya ng demonyo!" Demonyo? Papaanong wow huh? Anong nangyayari? Alam ko anak ako ng mga magulang ko hindi ng demonyo.
Lalabas sana ako ng classroom nang mapuna kong dumami ang tao sa, lumabas din ang ibang section at center of attraction ang section namin lalong-lalo na ako. Anong nangyayari sa akin?
BINABASA MO ANG
Himitsu Academy
Mystery / ThrillerHave you ever heard about Himitsu Academy before? Of course you haven't heard it yet, unless you are one of the Mitsus and one of the inheritors of its secrets. In the academy that full of secrets and mystery. In the academy that normal people are n...