Guraciioouuss! Enrollment na bukas ebe! Kelangan maaga so bawal ako magpuyat ngayon. Hahah.
So ayun na nga. Mema lang ulit ako sa umpisa. (Memasabi lang.) Hahaha.
'•°'•°'•°'•'•°'•°'•°'•°'•°'•°'•°'•°'•°'•°'•°'•°'•°'
Kyoya's POV
"KYOYA!" Dahandahan akong lumingon kay Ken. Sinasabi na nga bag hahanapin nya ako.
Nakita ko ang hologram na gawa ni Sabrina kanina sa may fountain at nang marinig kong hinahanap ako ni Ken ay mabilis kong iteneleport ang sarili ko palayo sa kanila. Ako na lang ang susunod kay Kana. Wag na sya.
Kapag ako ang sumunod, at natunton ko sa kinaroroonan nya si Kana, mabilis din kaming makakapagteleport pabalik rito. Kaya ako, ako na lang ang susunod kay Kana.
Lumapit sa akin si Ken, kasunod nya si Sabrina.
"Ken." Bulalas ko. "Ako na."
"Ikaw na ang ano?" Tanong nya.
"Pinuntahan mo ko para magpateleport diba?" Tumango sya. "Ako na." Halatang naguguluhan pa rin sya. "Dito ka, at ako na ang susunod kay Kana." Paglilinaw ko.
Nakita agad sa mukha ni Ken na parang tinatanong nya kung seryoso ba ako. Napangiti ako. "Seryoso ako Ken."
"Sasama ako." Sabi nya. Umiling ako.
"Hindi, hindi kita isasama." Pagkasabi ko nun, pumikit na ako at lumayo kay Ken. Mahirap na baka hawakan nya ako. Mapapasama sya sa akin ng wala sa oras.
Inisip ko ang hitsura ng kwarto ni Kana. Inisip ko yung hitsura ng kwarto na nakita ko kanina sa hologram.
Nagmulat ako at nakita ang kwartong nakita ko kanina. Ito siguro ang kwarto ni Kana.
Naglinga ako, napakagulo ng kwarto. Nakatumba ang upuan. Nasa sahig ang comforter. Basta, ang masasabi ko lang, mas malala ang makikita mong actual na hitsura nito kaysa kung sa hologram ka lang titingin.
Dahan dahan akong naglakad hanggang sa may natapakan akong basa. Parang may naligo. Nanggaling iyon sa isa pang pintuan na malamang ay yung cr. Sinundan ko ang mga tulo ng tubig. Palabas iyon.
BINABASA MO ANG
Himitsu Academy
Mistério / SuspenseHave you ever heard about Himitsu Academy before? Of course you haven't heard it yet, unless you are one of the Mitsus and one of the inheritors of its secrets. In the academy that full of secrets and mystery. In the academy that normal people are n...
