Chapter Fifty Five.

54.7K 1.3K 82
                                        

Ken's POV





Tahimik lang ako hanggang sa makatating sa office ni sir Arashi. Buong buhay ko na naging estudyante ako ng Himitsu Academy, ngayon lang ako nakaramdam ng pagod sa pag-akyat mula sa baba papunta sa office ni sir Arashi. Serious 350 steps, for Pete's sake! Ganyan kataas ang office ni sir Arashi. Sino ba namang hindi mapapagod kung ganyan kataas yung aakyatin mo plus ikaw lang yung walang kausap sa buong grupo nyo.




Hindi na tumigil sa pagdadaldalan sina Kyoya at Misaka they're reminiscing their childhood memories, kung saan kabilang ako sa pinagkukwentuhan nila. There are times na titingin sila sa akin sabay tatawa na akala mo may naalalang katawa-tawa tapos mag aapir pa. Wala na lang akong ibang ginawa kung hindi umirap na lang tuwing titingin sila sa akin. On the other side, hindi na rin tumigil sina Kana at Sasuke. Nag-aasaran pa rin sila at dahil wala namang pikon sa kanilang dalawa walang tigil ang mga bunganga nila.




Ako? Nah, ako lang naman ang dakilang OP dahil ako lang ang walang kausap. Nasaan sina Aki at Nishiko? Wala sila, they're practicing their abilities with the help of Ms. Fuu and Ms. Kagome. Sila ang pinaglalaban na dalawa and I wonder kung may mananalo ba sa dalawa. Hindi naman kasi tatalab ang powers ni Nishiko kay Aki dahil dakilang power blocker si Aki. At si Aki? Wala naman syang ibang special ability bukod sa pagbblock ng powers kaya malabo ding masaktan nya si Nishiko.




Laking gulat pa namin nang buksan ang pinto dahil hindi namin inaasahang madatnan doon sina sir Mamoru. Sina sir Mamoru kasama nya yung iba pang naatasan na sumama sa amin sa pagpunta sa chitaen palace.




-Ruiko Tsukuda (Healer)


-Hanako Koizumi (Mind controller)


-Miki Hinasaki (X-ray vision)


-Katsumi Nakagawa (Super Strength)


at si sir,


-Mamoru Yamada (Time and space controller)




"Good day chosen." Bati ni sir Arashi. "Maupo kayo." Utos nya at naupo naman kami sa kahilerang sofa na inuupuan nina sir Mamoru.




Tumingin ako sa kanila. Malaki ang advantage namin dahil sa kasama namin si sir Mamoru. Kahit kailan talaga si sir Arashi hindi sya pumalpak sa pagseset ng plano at pagbibigay ng task sa mga napipili nya.




Kasama din namin si Ruiko, magandang idea na kasama sya pero kailangan lang ng ingat para sa kanila ni Hanako. Kailangan lagi ng mata na magbabantay sa kanilang dalawa kasi sila yung less attackers. Sila yung napakaimposibleng umatake dahil healing at mind controlling ability lang ang may roon sila. But still, malaki pa rin ang maitutulong nilang dalawa. Kailangan lang namin silang ingatan.

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon