Chapter Fifty.

56.4K 1.4K 185
                                    

Ken's POV



Nadatnan ko sa library ang matanda naming librarian, ang sabi ng iba sa akin humigit kumulang sampung decada na syang namamahala sa library. Ibig sabihin humigit kumulang isang daang taon na sya rito, age defying o stamina boosting yata ang ability nya kaya hindi sya gaanong nanghihina gaya ng mga ibang kasing edad nya.



Lumapit ako sa kanya para ibigay ang ID ko. Bakas na sa itsura nya ang katandaan pero masyado pa syang malakas kapag kumikilos. Mabilis, at nakakapagbuhat pa sya ng ibang mabibigat na gamit. Kung hindi siguro kulubot ang mga balat nya pwede pa syang ihanay kina sir Arashi.



"Hmm, Ken Uchiha." Banggit nya sa pangalan ko at nagbow pa sa akin, sabay itinuro ang secret passage para sa totoong mga libro namin.



Dalawa kasing klase ang library namin dito, isang room para sa mga ordinary books like science, history, filipino, etc. At sa pangalawang room naman ay para sa mga magic books, casting spells, at kung anu-ano pang libro na hindi para sa mga normal na tao.



"Alas singko. Magsasarado itong library ng alas sais. May isang oras ka pa." Pahabol nya.



Tumango ako. "Sige po."



Itinulak ko yung pader at gaya nga ng inaasahan bumukas iyon at bumungad sa akin ang madilim na hallway sa loob. Hindi na ito ang unang beses na pumasok ako dito pero matagal tagal na rin simula nang huli kong punta dito. Yun yung time na kalaban namin ni Misaka sina Kyoya at Yuna sa logical thinking. Dito kami dinala ng mga clues at dahil nga sa sobrang daming libro dito natalo kaming dalawa ni Misaka.



Bawat hakbang ramdam ko ang pagkalat ng alikabok na natatapakan ko sa paligid. Mukhang hindi na rin 'to nalilinis. Nagsindi na ako ng maliit na apoy dahil masyado na akong nabubulag sa dilim ng paligid. Walang wala talagang kailaw-ilaw sa daan.



Nilakad ko lang hanggang sa madating ko na yung dulo ng hallway. Itinulak ko ulit yung pader na nakaharang, kung kanina nabubulag ako sa dilim ngayon naman nakakabulag na liwanag ang bumungad sa akin. Kakaiba talaga. Sanayan na lang talaga kapag papasok ka dito.



Sinanay ko muna ang mga mata ko bago ako pumasok sa loob. Kumurap kurap pa ako para mawala yung panlalabo. 'T*ngna, kaya ba 'to ng one hour?' Tanong ko sa sarili ko nang maaninag ko na ang sangkatutak na bookshelves na naglalaman ng sangkatutak na mga libro.



Pumasok na ako, sumarado naman ulit yung pader. May nakita pa akong mga halaman sa bawat gilid ng mga shelves. Kahit maalikabok sa hallway halata namang naaalagaan 'tong loob ng library dahil green na green yung halaman.



Saan ko ba uumpisahan? Dito ba o doon? Napatingin ako sa M-13 shelf gaya ng dati nagliliwanag at nagliliparan ang ibang mga libro doon. Mga magic books.



Lumapit ako sa C-3 shelf hinugot ko yung isang libro. 'Casting Spells, for aspiring wicthes.' Pamagat pa lang alam kong hindi na 'to ang hinahanap kong libro. Para sa mga Ragis yung ganong klase ng libro e.



Lumipat ako sa shelf D-4, gaya nang nauna humugot ulit ako ng isang libro pero ibinalik din agad ito dahil hindi din 'yon ang hinahanap ko.



Napailing na lang ako, ang hirap mag hanap kapag ganitong wala kang kasama at hindi mo pa alam kung saan ka mag-uumpisa. Ang alam ko lang prophesy book ang hinahanap ko. Isang prophesy book lang yung makakatulong talaga, pero alam ko marami pang ibang prophesy book na nagkalat dito na hindi ko naman kailangan.



*Blag*



Napalingon ako sa pinanggalingan ng tunog. Pagtingin ko may isang babaeng studyante doon, hindi pala ako mag-isa dito. Malapit sya sa shelves P-16 at Q-17. Ano kayang hinahanap nya? Natabunan din sya ng ilang mga libro sa ulo. Napa-upo din sya sa sahig dahil doon. Mukhang may kinukuha sya o may ibinabalik pero dahil mataas nahihirapan syang abutin yung parte ng shelf.



Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon