Chapter Thirteen.

75.9K 2.2K 149
                                        

HUHUHUHUH Guys... Sorry talaga sa late updates :( dumating na kasi yung araw na kinatatakutan ko. BUSY na sa school, kailangan ko ding i-maintain at mapataas pa lalo yung grades ko. At nakisabay pa 'to; Naubusan ako ng nakaimbak na chapters para makapagUD ako ng mabilis. Pero asahan nyo pagnaka-ipon na ako ulit... BABALIK NA SA DATING SCHED YUNG UD KO NG HIMITSU ^.^ 3 to 4 times a week ulit sya :) So pagpray nyo ako xD





Sasuke's POV




Nagsitalunan ang mga leon at wala na akong nagawa kundi gumawa na lang ng malaking ice wall. Pero gaya nga ng sinabi ko kanina, madali itong natunaw kaya nadamba ako ng isa sa kanila. Napangisi na lang ako dahil sa likidong nahahawakan ko ngayon. Wrong move kang leon ka, anim na leon na lang sila. Buti na lang nakagawa agad ako ng mahabang ice spike at nasapul non ang tiyan ng leon.



Sumugod naman ang dalawa pa, agad naman akong lumipad kasunod non ang paghagis ko ng frozen fangs. Yon ang tawag ko don, since ako naman ang nakadiskubre ng technique na 'yon. Nakaiwas ang isa pero hindi nya alam na susunod sa kanya yung atake ko hanggang sa matamaan sya.



Dalawa na lang ang kalaban ko, at naaatat na akong tulungan si Kana. Ayun sya nakapaligid pa rin yung ipo-ipo nya pero may moves syang ginagawa. Nandidiri na lang ako kapag nakikita kong nagkakaputol-putol yung katawan ng mga hayop na tamaan ng bawat atake nya. Lalo na yung mga ahas, gumagalaw pa bago tuluyang tumigil.



GROWL



"Awwwwww!" Napasigaw na lang ako sa sakit. Sinakmal ako ng isang leon sa leeg. At tingin ko mapupunit ang balat ko anumang oras.



Namalayan ko na lang na parang lumalamig yung bandang leeg ko na may sugat. Namamanhid nababawasan yung sakit nya. Napatingin ako kay Kana sya lang ang may kakayahang gawin 'yon. Nakangiti sya sa akin habang namalayan ko na lang na pinalipad nya papalayo yung dalawang leon at natusok ang mga ito ng puno.



"Salamat." At diyan ko lang napansin na ubos na pala ang kalaban namin. Nagkalat ang katawan ng nga namatay na hayop sa paligid.



Makakalabas na kaya kami?



Lumapit ako kay Kana habang papahina ng papahina yung ipo-ipo nya. Naglakad kami papunta dun sa tinutulak nya kanina at itinulak muli namin iyon.



"Kaya mo nang i-manage?" Tanong ko habang tinutulak pa din namin yung pader.



"Hmm, tingin ko talaga yung stone tinulungan nya ako mag manage. Umilaw kasi sya bigla nung time na sinakmal ka ng leon." Ahh, so ibig sabihin pala wala sya sa sarili nung walang awa nyang pinapatay yung mga hayop na pinatay nya.

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon