Chapter Fifty Seven.

53K 1.5K 119
                                        

Kana's POV

Nakasalubong namin palabas ng training bldg. sina Nishiko. Pabalik na rin siguro sila sa dorm galing sa training nila kasama sina Ms. Fuu. Nakakapanghinayang lang dahil sinabi ni sir Arashi kanina na hindi makakasama sa amin sina Aki sa pagpunta sa chitaen palace dahil hindi pa sila fully trained. Kakailanganin pa daw nila ng oras at panahon para magamit ng maayos ang mga kapangyarihan nila, lalo na si Aki. Hindi kasi maniwala si Aki na may kapangyarihan sya dahil hindi nya naman nakikita.



"Woah, kuya saan ang laban nyo? Haha. Nice sword ah?" Komento ni Aki nang sumabay sila sa amin sa pagpunta sa dorm.



"Alam mo ikaw, ewan ko kung makakatawa ka pa kapag nakakita ka ng actual na gera sa harapan mo. Magseryoso ka nga." Biglang sabi ni Misaka kay Aki. Maya maya ay bumaling sya ng tingin kay Kyoya. "Baka naman kasi hindi mo pa napapaliwanag ng maayos sa kanya kaya ganyan?"



"Huh? Hindi ah? Nasabi ko na sa kanya 'yon. Aware na nga sya e. Sadyang hindi nya lang iniintindi." Sagot ni Kyoya. "Alam mo kasi, kung iinindihin mo ng iintindihin, mauubos lang ang oras mo kakaisip."



Nakita kong napairap nalang si Misaka sa sinabi ni Kyoya.

Dumiretso na kami ni Misaka sa dorm namin pero may kinuha lang sya at umalis na rin agad. Tinanong ko sya at sinagot nya ako ng: 'May tatapusin lang akong research. Kakailanganin natin 'yon bukas kaya kailangan kong matapos ngayon. Baka matagalan ako, wag mo na akong hintayin.' 'Yan ang eksaktong sabi nya.



Hindi ko na sya hinintay gaya ng sinabi nya. Gabi na pero wala pa rin sya.



Namalayan ko na lang sya ng bandang mga ala-una ng madaling araw na pumasok sa dorm. Natulog na rin sya kaagad. Gusto ko pa syang tanungin kung natapos nya ba yung reasearh pero 'hwag na lang. Mukhang antok na antok na kasi sya.



Kinabukasan naman,



Maaga kaming nagising ni Misaka dahil sa announcement ni sir Arashi sa speaker. Pinaalalahanan nya lang naman kami dahil baka nakalimutan namin. Inulit nya din yung ilang sinabi nya kahapon. At yung mga armas daw namin, wag kakalimutang dalhin.



'So, this is the day.' I thought to myself.



"Tapos na akong maligo Misaka. Maligo ka na din." Tinanguan nya ako at deretsong pumasok sa banyo.



Dumiretso naman ako sa kama ko at inayos yung backpack kong maliit pero may kalakihan din naman. Importante lang talaga ang mga dinala ko ngayon. Dalawang pares lang ng damit at underwear. Tubig, at kaunting tinapay. In case lang na magutom o mauhaw kami sa daan.



Napatingin ako sa gamit ni Misaka. Nakalatag pa iyon sa higaan nya at halatang inaayos nya pa lang din. Damit, may pagkain at tubig din sya, flashlight at tablet. Teka bakit may tablet? Dadalhin nya ba yun?

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon