MERRY CHRISTMAS GUYS! GIFT KO? HAHAHA
Kyoya's POV
Mabilis kaming pumunta sa quadrangle kung saan nandoon ang mga naatasan ni sir Arashing sumamasa amin. Kilala ko (personally) ang ilan sa kanila, ang iba naman ay kilala ko lang sa mukha at ability pero hindi ko alam ang pangalan. Gaya nalang ng isang iyon na naka Indian sit habang hinihintay kaming dumating. Ang alam ko ay magiging bato lahat ng mahahawakan nya, kaya marami ang ilag sa kanya. Pero syempre magiging bato lang ang hahawakan nya kung gugustuhin nya. Hindi kagaya ni Nishi na mawawalan talaga ng ability ang bawat nahahawakan.
Pilit kong kinikilala ang bawat isa sa kanila pero may ilan talagang hindi ko alam ang pangalan at hindi ko rin alam ang ability. Tingin ko, mga Ragi ang iba naming makakasama dahil na rin sa mark na nakita ko sa may gilid ng noo ng isa sa kanila. Hindi iyon kagaya ng mark ng mga Mitsu kaya walang kaduda-dudang isa nga syang Ragi.
Hindi nagtagal ay bigla kaming nabalot ng liwanag. Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling dahil bigla nalang iyong sumulpot. Hindi ko rin nakita kung sino ang may gawa niyon dahil abala din ako sa pagkilala sa mga makakasama namin.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal nabalot ng liwanag, pero isa lang ang nasisiguro ko... Nasisiguro kong oras na magmulat ako ng mata ay wala na kami sa Himitsu. Ang kaninang tahimik na lugar ng Himitsu Academy ay napalitan ng nagkakagulo at maingay na lugar ng Chitaen Palace.
Iminulat ko ang mata ko. Hindi nga ako nagkakamali, nasa Chitaen Palace na nga kami.
Ang liwanag na kanina ay bumalot sa amin sa Himitsu Academy ay unti-unti nang nawawala. At doon ko lang nalaman na kay tita Tania ito nanggaling. Ang mama ni Ken ang may-ari ng nakasisilaw na liwanag kanina.
Tinignan ko uli ang mga kasama namin. At kulang nalang ay mapa-nganga ako nang makita ko si sir Arashi.
Ang buong akala ko ay hindi sya sasama? Paano ang Academy? Hindi pwedeng wala si sir sa Academy.
"Kana's dad is in charge Kyoya. You have nothing to worry about." Biglang sabi ni sir Arashi. Mukhang nabasa nya ang tumatakbo sa utak ko kaya sya sumagot.
Hindi nalang ako umimimik, at tumango nalang ako para sabihing nauunawaan ko.
"Ma?" Narinig ko ang boses ni Ken sa hindi kalayuan. Napapalibutan sya ng maraming chitaens na parang walang malay.
Magkakasama sina sir Mamoru at sina Kana. Ang tanging nahiwalay lang talaga ay si Ken at Miki.
"Dyan ka lang at huwag kang gagalaw Ken." Sabi ni tita Tania habang nakatingin ng mariin sa kinatatayuan ni Ken.
"Anong nangyayari?" Tanong ng isa sa mga kasama naming Ragi.
"May mga nakakasugat na sinulid na nakapulupot sa katawan ni Ken. At konting galaw nya pa ay hihigpit ang kapit ng sinulid sa katawan nya. Magkakasugat sya at kung nagkataong may lason ang mga sinulid maaaring malagay si Ken sa alanganin." Sagot ng isa pang Ragi na matamang tinitignan si Ken, o mas magandang sabihing tinitignan ang mga sinulid na nakapulupot sa katawan ni Ken.
Nagtaka ako kung bakit nakikita nya iyon at kung bakit nakikita iyon ng mama ni Ken, pero naalala kong hindi na importanteng malaman pa ang bagay na iyon.
Kung ganon, kung ganong ngang may nakapulupot na sinulid kay Ken, nasaan ang may gawa ng mga sinulid na iyon? Sino ang may-ari ng sinulid?
Naglinga ako sa paligid pero wala akong makitang posibleng may gawa niyon. Halos lahat ay mukhang gulat pa sa biglaang pagdating namin. Ang iba naman ay nakahanda na ring umatake sa amin.
BINABASA MO ANG
Himitsu Academy
Mistério / SuspenseHave you ever heard about Himitsu Academy before? Of course you haven't heard it yet, unless you are one of the Mitsus and one of the inheritors of its secrets. In the academy that full of secrets and mystery. In the academy that normal people are n...
