Kana's POV
Nagising ako sa lamig na bumabalot sa katawan ko. Parang umulan kanikanina lang. Pagmulat ko nakatingin na sakin ang air goddess at si lola.
"Gising na prinsesa. Mag-uumpisa na tayo." Sabi ni lola. Lola na tawag ko sa kanya since ka-age naman sya ni lola.
"Hmm? Hindi po ba mag-aalmusal?" Nagkakamot ulo kong tanong.
"Walang oras para kumain." Napatingin ako sa paligid. Madilim-dilim pa. May mga stars pa. Panong wala ng oras para kumain?
"Eh? Madilim pa po." Sabi ko.
"Exactly Kana. Kailangang masanany ng mata mo sa dilim." E? Hindi naman ako kwago. Hindi na kailangan. Air goddess talaga o!
"Bakit po?" Tanong ko.
"Malalaman mo pagpasok nyo ng jungle." Okay... Madilim ba dun?
"Pero kahit konting kain lang. Di po talagapwede?" Namimilit kong tanong.
"Wag ka nang makulit pa Kana, alam mo na pinakain kita ng madami kagabi dahil hindi ka talaga kakain pagkagising mo. At mamayang gabi ka na ulit kakain." Srsly? But breakfast is the most important meal! "Hindi ka kakain dahil alam mo namang magtetraining ka buong araw, at kung kakain ka maaari kang magka-appendicitis." Napatango na lang ako. Totoo naman kasi. Mahirap na! Ayokong ma-opera. "At yan lang ang gagawin natin sa loob ng isang linggo mo dito." Isang linggong dinner lang ang kain. Huhu. Hindi ako diet.
"Tara na?" Tanong ng air goddess. Tumango naman ako.
"Maghihilamos lang po ako." Sabi ko at tinakbo yung bukal na ininuman ko ng tubig kagabi pagkakain ko. Malapit lang naman yon.
Pagkahilamos ko tumakbo na ulit ako pabalik.

BINABASA MO ANG
Himitsu Academy
Mistério / SuspenseHave you ever heard about Himitsu Academy before? Of course you haven't heard it yet, unless you are one of the Mitsus and one of the inheritors of its secrets. In the academy that full of secrets and mystery. In the academy that normal people are n...