Chapter Fifty Three.

54.3K 1.5K 172
                                        

Happy 250k+ reads! Woo! Ang bilis ng panahon, dati 15k+ lang 'to. Thank you sa inyo na nandito na simula umpisa, yung umpisang umpisa, August 2014 to be specific na hindi sinukuan 'tong story na 'to. I heart you all ;) MAGTATAYO TALAGA AKO NG HIMITSU ACADEMY KAPAG ARCHITECT NA AKO! At syempre sa mga kakabasa palang nito hello I heart you all din!


MAHAL KO KAYONG LAHAT *winks*


Lahat ng sinabi ko jan totoo maliban sa pagpapatayo ng Himitsu Academy hahahaha echos ko lang yun. XD Pero why not diba? Panalangin nyong ampunin ako ni Bill Gates o kaya ni Napoles na lang. Pero, echos lang ulit si Napoles, kay Bill Gates tayo hahaha.



********************************************************************************************



Kana's POV




Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako habang nakaupo sa upuan kaya pag-gising na pagkagising ko ramdam ko ang pagkamanhid ng braso ko at ang sakit ng batok ko. Nag-unat unat ako para mawala ng kaunti ang manhid ng braso ko.



Napatingin ako sa kanila. Teka, anong oras na ba? Tiningnan ko yung relos ko. Alas tres na ng hapon! Kanina pa pala kami dito? Okay, nalipasan lang pala ako ng gutom, dalawang beses pa kasi agahan at tanghalian. E sila kumain na ba sila? Naglinga pa ako hanggang sa mapansin kong kulang kami.



Kinalabit ko ulit si Kyoya, "Nasaan yung kapatid mo? Bakit wala dito?" Tanong ko pagkalingon nya.



"Ah, sinundo sya kanina dito ni Ms. Kagome. Ability testing daw ng mga freshmen ngayon." Deretso nyang sagot.



Ganun? Tumango na lang ako. "Bakit di pa tayo naalis dito?" Tanong ko ulit.



"Tulog ka pa kasi. Alangan namang iwan ka namin dito. Hindi ka naman magising." E? Ako? Hindi magising? Napasarap yata yung tulog ko kaya ganun.



Napatingin sa amin yung mga kasama namin kaya nagsalita na si Ken.



"Ano? Tara na." Sabi nya at nanguna nanaman sa paglabas.



Si Ken? Minsan snob at bossy, madalas both. Napairap na lang ako sa sarili ko. Kelan ba magbabago ng ugali si Ken? Tss.



Tumayo na ako at sumunod sa kanila. Hindi ko alam kung saan sila pupunta pero may kutob ako na wala silang balak kumain. Pero, nagugutom na ako!



Magsasalita pa dapat ako para sabihing sasaglit muna ako sa cafeteria para bumili ng makakain nang sumabay si Sasuke sa akin sa paglalakad. Napatingin ako sa kanya dahil doon.

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon