Chapter Thirty.

60.3K 1.9K 76
                                    

Wahhh! Happy 42k+ reads. Huhuhu I'm so touched. Akala ko dati walang magbabasa nito kasi hindi naman ako magaling magsulat pero... Wahhhhh!!! Thank you sa inyo, kung hindi nyo siguro to binasa matagal na akong tinamad mag update. This story won't reach this far kung hindi dahil sa inyo. Advance Merry Chirstmas and Happy New Year guys . Love you all .

Kana's POV

Pagkatapos naming maglakad lakad we saw this part of the jungle. Pagabi na pero medyo maliwanag pa naman. Maganda ang lugar, malayo sya sa lugar kung nasaan kami kanina. At masukal din yung daan na dinaanan namin. I think safe nga dito. At hindi na kami mahihirapan, may falls kasi na pwede naming pagkuhanan ng tubig at pwedeng pagliguan. Ang problema nga lang walang makukuhanan ng pagkain. Wala akong makitang fruit bearing plants dito.

Pero ayos na din, napag-usapan namin na may dalawang kukuha ng pagkain tuwing gabi para madilim mahirap kasi kung umaga baka mapadpad kami sa lugar kung saan naroon din ang ibang tribo, maliwanag madali kaming makikita.

Kailangan naming makasurvive ng ten days dito nang hindi nakikita ng ibang tribes kung hindi umpisa na ng gera wether we like it or not.

"Saan ka pupunta?" Napatingin ako kay Misaka na nakatingin kay Sasuke.

"Matutulog ako." Sagot ni Sasuke.

"Pwede namang dito ka na matulog, delikado kung lalayo ka." Sabi pa ni Misaka pero nginisian lang sya ni Sasuke sabay umalis na talaga.

Ano bang nangyari sa kanya? Alam ko talagang si Sasuke na 'to at yung Sasuke na kababata ko ay iisa pero bakit ganito? Hindi nya ako maalala at parang may nagbago sa kanya.

"Tss, bahala sya. Kabwisit!" Narinig ko pang sabi ni Misaka pagkatapos ay itinuloy na ang paggawa ng tent nya sa loob ng kwebang ginawa ni Kyoya para sa amin.

Pero si Sasuke, nag-aalala ako para sa kanya. Imposibleng makalimutan nya yung pinagsamahan namin ng ganon ganon na lang. We're best friends since diapers kasi magkaibigan ang mga magulang ko at mga magulang nya kaya naging magkaibigan din kami dati. Pero bakit nga hindi nya ako maalala?

Itinuon ko na lang din ang pansin ko sa paggawa ng sarili kong tent. Nakatulong din naman pala ang pagiging girl scout ko ng pitong taon dahil nagagamit ko yung kaalaman ko sa paggawa ng tent ko.

"KANA!" Bigla akong napalingon sa tumawag sa akin.

Si Ken. Minomotion nya akong lumapit sa kanya. Ano nanaman ba ang kailangan nya?

Tumakbo ako palapit sa kanya, mahirap na baka masabihan pa ako ng babagal-bagal.

"Guys! Kami na muna yung kukuha ng mga pagkain! Bukas Yuna at Kyoya kayo ang magkasama. At kayo naman ni Sasuke ang magkasama Misaka sa susunod na araw." Tumango lang si Kyoya at Yuna si Misaka naman ay napa-tss nalang. Tigin ko parang ayaw nya sa ugali ni Sasuke.

Hinila na ako ni Ken palabas ng cave kaya sumunod na lang ako.

"Who do you think?" Bigla nyang tanong nang makalayo-layo kami.

"Ano?" Hindi ko gets. Anong who do you think?

"Who do you think is the traitor?" Ahhh! No! May pinaghihinalaan ako sa dalawa pero sasabihin ko ba? Sasabihin ko ba kay Ken na naghihinala ako kay Misaka?

Hah! Bahala na kailangan nyang malaman kung makakatulong man sa kanya.

"Okay, ayokong maghinala pero I think... I think it's Misaka. Shit! She's my friend pero feeling ko ang sama ko dahil dito Ken." Hindi ko alam kung saan ako titingin. Hindi ko talaga alam, kaya sa lupa na lang ako tumingin habang naglalakad.

"I think it's Sasuke for the boys and Misaka or Yuna sa girls." Mas lalo naman akong kinabahan sa sinabi nya. Sasuke? Yuna? Si Yuna pinaghihinalaan nya? Imposibleng si Yuna e.

"Yuna? Papaanong si Yuna? Si Yuna na anak ni sir Arashi? Ken si sir Arashi ang head ng Himitsu Academy paano mo nagawang paghinalaan si Yuna na anak nya?" Hindi ko makapaniwalang tanong tama naman ako diba? Imposibleng si Yuna. Kung si Yuna yon ibig sabihin traitor din si sir Arashi diba?

"Now let me ask you your own question Kana... How can you easily trust people?" Napanganga ako, itinanong ko nga yan sa kanya noong humingi sya ng tulong sa akin. Paano nga ba?

"Base sa ipinapakita nila sa akin. Mabait silang dalawa pero iba ang ipinapakita ni Misaka nitong mga nakaraang araw kaya sya ang pinaghihinalaan ko. At isa pa hindi ko kayang paghinalaan si Yuna Ken anak sya ni sir Arashi." Sabi ko na lang at sumabay pa din sa kanyang maglakad. May maliit na apoy yung daliri nya para medyo maliwanag. Madilim dilim na din kasi.

"Tandaan mo 'to Kana, kung sinong hindi kahinahinala minsan sila pa ang gumagawa ng masama. Looks can be deceiving, attitude can be deceiving Kana. Some demons are dressed like an angels sinasabihan lang kita, baka mamaya nagpapaloko ka na sa kanila." Napakurap-kurap ako. May point si Ken. As in, super laking point. Paano nga? Ugh! Mas lalo akong naguluhan.

"Baka naman ikaw yung traitor!" Bigla na lang lumabas sa bibig ko kaya napatakip ako.

"Hmm, ikaw... Walang masama kung paghihinalaan mo ako. Pero alam ko sa sarili ko na mali ka dahil hindi ako." Aish okay! Naniniwala naman ako kay Ken kasi kahit pa ganyan sya, yung masungit at medyo masakit magsalita noong una alam ko naman na mabait sya.

Actions speaks louder than words ika nga. At nakikita ko sa mata at kilos ni Ken na ayaw nya ng ginagawa nya dahil pareho kaming ayaw pagdudahan ang mga kaibigan namin.

"Dito ka sa baba, aakyat ako saluhin mo yung mga ihuhulog ko." Sabi ni Ken at umakyat na lang bigla.

Gaya nga ng sinabi nya sinalo ko lahat ng kinuha nya gamit ang malaking towel na dala namin. Helpful nya yung ginawa ng air goddess at ni lola sa akin. Nung pinahanap nila sa akin yung mga flag. Medyo madaling mag-adjust ang mga mata ko ngayon sa dilim, kumpara dati na halos kada lakad ko mangapa ngapa ako.

"Ay kabayo!" Napasigaw ako bigla nang may matapakan akong kung anong matigas na bagay. Bato ata? "Aray naman Ken!" Kasi naman alam naman nyang hindi pa ako nakakarekover sa natapakan ko tapos biglang ihuhulog yung mangga tumama pa sa ulo ko.

"Sorry naman! Malay kong huy! Napano ka?" Bigla nyang tanong pagkatapos ay bumaba na agad ng puno.

"May natapakan akong bato, kakahabol sa mga ibinabato mo." May halong irita kong sagot. Kasi yung ulo ko lumagkit. Nabasag yung mangga na tumama.

"Sorry na! Tara na nga okay na siguro 'tong nakuha natin hanggang bukas ng umaga." Sabi nya pagkatapos ay tinulungan akong tumayo.

Umalis na kami at dinalian na din namin ang paglalakad. Baka kasi nagugutom nadin yung iba. Pero tumatakbo pa din s utak ko yung sinabi ni Ken totoo yung sinabi nya na kadalasang yung mga hindi kahinahinala sila pa yung gumagawa ng masama.

Aish nakakafrustrate.

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxo~~

Hello @PretendingBlack thanks for reading. Ang silent reader na nagcomment para sabihing update na daw sa chapter twenty eight hahahaha natawa ako sa comment mo XD hello ulit ;)

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon