Chapter Eighteen.

66.6K 1.8K 49
                                        

Kana's POV

Naalimpungatan ako dahil sa init na nanggagaling sa may paanan ko. O mas magandang sabihing "sa may ulunan ko." Nakabitin pa din kasi ako ng patiwarik. Pero ano ba yung init na 'yon?

Tumingin ako sa may ulunan ko at nakita ang mga nagbabagang uling sa ilalim ko. Nanlaki agad ang mga mata ko. Nili-letchon ba ako ng mga puno na 'to?

"Gising kana pala." Napatingin ako sa puno na nagsalita.

Totoo nga, hindi ako nag ha-hallucinate kanina. Totoong nakaka galaw at nakakapagsalita ang mga puno dito. Dapat pa ba akong magtaka? Nasa Himitsu Academy ako. Ang eskwelahan ng mga hindi normal na tao. Lugar na punong-puno ng sikreto. Misteryoso.

"Hoy puno ka! Ibaba mo ako sa bandang 'yon!" Sabi ko habang walang takot na nakikipag-usap sa puno.

Kung nasa normal na lugar siguro ako ngayon, at may nakakita sa aking normal na tao na kinakausap yung puno baka masabihan pa akong may sira sa utak.

"At bakit ko gagawin iyon?" Sabi sa akin ng puno.

"Dahil sinabi ko." Matigas kong sagot.

"Hindi pwede. Iaalay ka pa namin kay pinuno. Bilog ang asul na buwan ngayon. Malas ka at pumasok ka dito." Sabi nung isa pang puno. Nakakabwisit naman! Kumukulo na yung tiyan ko!

"Kanino ba kayo natatakot? Sa pinuno na tinutukoy nyo o sa akin? Matakot kayo sakin please! Gutom na akoooo! Nakakatakot ako kapag gutom!

"Kay pinuno syempre! Sino ka ba para katakutan namin? May ilalakas ka pa ba kay pinuno?" Napatingin ako sa punong yon! Kahit masama ang magputol ng puno parang gusto kong mawala na sya sa paningin ko.

*kruuu kruuuu* Ayoko sa lahat yung nagugutom ako! Dahil una sa lahat galing ako sa mayamang pamilya na kumakain tatlong beses sa isang araw!

Hindi ako papayag na dahil sa mga puno na 'to mangangayayat ako sa gutom. Balak pa yata akong gawing handa.

"Okay lang kung magalit ka wag lang si pinuno!" Sabi nung punong may hawak sakin.

"Grrrr... Gutom na akooooooo! Ibaba nyo ako dito." Unti-unting bumaba yung sanga ng puno na naging dahilan para mapalapit ako sa maiinit na uling. YUNG MAGANDA KONG BUHOOOOKKKK!!

Grrr.

*kruuu kruuuu*

Wahhh. Grrrrrrrrrrr. Humanda kayo!

"ANDYAN NA SI PINUNO!" Napatingin ako dun sa punong sumigaw. Bigla ay naghawi ng daan ang mga puno at lumitaw sa harapan ko ang isang may katandaang babaeng may nakakatakot na aura. Nakaitim at nakasuot sya ng damit na parang kay kamatayan.

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon