Chapter Forty.

56.4K 1.4K 163
                                        


Sasuke's POV

Saktong ika-anim na araw na namin dito. Lumipas ang tatlong araw na hindi namin naeencounter ang kahit na anong tribes at si Yuna/Imadori.

Tatlong araw na rin kaming paikot-ikot lang at walang permanenteng tinitigilan. Hindi na kasi namin nahanap yung lugar na pinagtayuan namin ng tent noong unang punta namin dito, kaya ito para kaming sinaunang tao na palipat lipat ng tirahan.

"Ken, diba sabi mo paglabas dito on mission tayo?" Narinig kong tanong ni Kana. Nasa unahan silang dalawa ni Ken. Nakita ko naman na tumango si Ken mula sa kinaroroonan nya. "Wala ba tayong back-up? Tayong lima lang talaga?"

Umayos ako ng paglalakad dahil sa narinig kong tanong ni Kana. Interesado akong marinig ang sagot ni Ken sa tanong nya. Kung tutuusin, masyadong delikado para sa amin kung walang back-up.

I looked at Ken, I think he's thinking. Mukhang nagulat sya sa tanong ni Kana, parang hindi nya napaghandaan.

"Ang totoo nyan, hindi ko din alam. Hindi natin alam kung sino pa ang kalaban at kakampi sa loob ng Academy. Isang hingi lang natin ng tulong sa maling tao palpak na yung plano." Kung sabagay.

Pero, wala naman na akong kilalang chitaens na nasa loob ng Himitsu. Tanging kami lang ng pekeng Yuna ang ipinadala para magmanman doon.

"Mas mabuti sigurong wala muna tayong pagsabihan hanggat hindi tayo nakakasiguro kung sino ang kakampi at sino ang hindi." Tumango na lang si Kana. "Pero tuloy tayo sa mission, kilala ko ang mga Mitsu. Oras na malaman nilang sumugod tayo sa mga chitaens rerescue kaagad sila." Dagdag pa ni Ken.

"Ito ligtas tayo dito." Sabi ni Kyoya at ibinaba na sa may puno si Misaka.

Masyadong maraming nangyari nang mga nakalipas na tatlong araw.

Noong hapon kinabukasan, matapos naming makita si Yuna na kasama ang grupo nina Seichiro may nangyaring hindi talaga namin inaasahan.

Iniwan muna namin sina Misaka at Kana noon dahil kailangan naming maghanap ng mga kahoy para sa campfire.

Malayo layo na ang nalalakad namin noon nang magsalita si Kyoya at sinabing may kakaiba daw sa paligid. Akala namin ibang tribes lang pero hindi pala. Dahil hindi pa naman sobrang dilim kitang kita ko ang pagbitak ng lupa sa kinatatayuan namin.

Mabilis na nabiyak yung lupa, pero dahil kasama namin si Kyoya, napigilan nya ng kahit papaano ang mabilis na pagbuka ng lupa at nakatakbo kami. Kita kong hinahabol kami ng lupa na 'yon. Napailing pa ako nang makita ko ang dead end at malapit na sa amin yung lupa.

Hinintay na lang namin yung sunod na pangyayari pero walang sumunod. Kaunti na lang yung agwat ng lupa sa kinatatayuan namin nang tumigil ito sa pagbitak.

Doon ko nakita na parang may barrier pala kaming napasukan. Marahil ay iyon ang dahilan kung bakit hindi kami nasundan ng lupang 'yon.

Naglakad ulit kami nang makarinig kami ng kaluskos sa daan. Hinintay na lang namin na makita kung ano o sino ang paparating.

Laking gulat namin nang makita si Kana na akay-akay sa balikat ang walang malay na si Misaka. Napatingin si Kana sa amin pagkatapos ay nag-collapse na din.

Napansin ko yung mga sugat nila sa katawan, malalalim. Parang gawa ng mga mababangis na hayop.

Kahapon nagising si Kana, at medyo nagamot na din namin silang dalawa.

Tinanong namin sya, at gaya nga ng hula ko. Mga mababangis na hayop nga ang may gawa ng lahat ng iyon sa kanila. Si Misaka yung napuruhan kasi sya daw yung naunang umatake at hindi nito nakita yung leon na dumamba sa likod nito. And the rest was history.

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon