Chapter Thirty One.

58.4K 1.6K 221
                                        

Misaka's POV

Bumalik sina Ken at Kana bitbit ang mga nakuha nilang pagkain, gutom na ako at alam kong gutom na rin ang mga kasama ko. Kaya pagkalapag na pagkalapag ng mga pagkain sa batong lamesa na ginawa ni Kyoya ay nilantakan na agad nila ang mga prutas.

Habang kumakain ay halata kong iba ang tingin nilang dalawa sa akin. Tahimik na lang akong pinagmamasdan sila, hindi kaya alam na nilang dalawa ang totoo?

At last, matagal ko nang gustong malaman nila dahil hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila dahil simula nang malaman ko 'yon, dumami na ang mga matang nakabantay sa bawat kilos ko. They even captured one of my weaknesses. They captured the whole Mikoto clan at pinagbantaan pa akong papatayin nila si lolo kapag humingi ako ng tulong sa iba.

Pero kahit na alam nila hindi ko naman sila pwedeng tanungin dahil gaya ng ng sinabi ko maraming nakabantay sa bawat kilos ko.

Sinadya ko ring manmanan sina Ken para ako na mismo ang magsabi ng katotohanan sa kanila, pero bigo ako kada attempt ko ay nandiyan sya, nandiyan ang mga alipores nya.

"Misaka galawin mo naman ang pagkain mo." Napalingon ako kay Kyoya na kanina pa palang nakatingin sa akin.

Napansin nya sigurong kanina ko pa rin pinipiga ang mga pagkain ko.

Nakakatawa lang dahil paano kung ako pala ang pinaghihinalaan nila kaya ganyan sila kung makatingin?

"Uy... May problema ka ba?" Tanong pa ni Kyoya. Isang makahulugang ngiti na lang ang ibinigay ko sa kanya at umiling.

Kahit kailan talaga, ang taong iyon napakagaling nyang magpanggap. Kaharap ko pa man din sya sa mesa, ang taong nasa likod ng lahat. Ang taong dahilan kung bakit nasa peligro ang buhay ng buong pamilya ko. Ang taong kinasusuklaman ko simula nang matuklasan ko ang lahat. Walang iba kug hindi si -.

"Misaka!" Napalaki ang kanina ay nanlilisik kong mata habang nakatingin sa taong iyon nang sumigaw si Ken.

"Pasensya na. Wala akong gana. Mauna na ako." Yan na lang ang nasabi ko at dumiretso na sa sarili kong tent.

Bakit ganon? Itinuring ko syang kaibigan. Hindi, kapatid na nga ang turing ko sa kanya gaya ng iba naming kasama pero hindi ko inaakalang sya pala ay... Basta... Kinasusuklaman ko sya. Ginamit nya pa ang pamilya ko para hindi ko masira ang plano nila. At eto lang ang masasabi ko; Handa akong kalimutan lahat ng pinagsamahan namin mabawi ko lang ang pamilya ko. Magkakamatayan man kami.

Pumilit na lang akong pumikit. Kailangan ko nang kumilos, kung hindi man ako matulungan ng iba ngayon at least may nagagawa na ako. Alam kong matalino ako, kaya kong umisip ng paraan. Umaandar ang oras at araw, hindi ko maatim na bawat araw na lilipas ay wala akong nagagawang paraan para mabawi ang pamilya ko sa madilim na lugar ng Chitaens. Hindi ako makatulog ng maayos sa gabi dahil naiisip ko na baka mangyari ulit yung dati. Yung oras na muntik na nilang patayin si Maru; ang kakambal ko.

Hinding-hindi ko sila mapapatawad dahil doon. Mahina si Maru, at dahil doon itinago namin sya. Hindi sya pwedeng pumasok sa Himitsu dahil masyado syang mahina. Hindi nya kakayanin ang mga training kaya pinili nina mama na itago sya at palabasin na na-iisa lang akong anak nila. Pabor naman si Maru doon. Alam kong may araw na naiinggit si Maru sa akin pero hindi ko ipinaparamdam ang dapat nyang maramdaman. Pareho kaming anak kaya wala syang dapat kainggitan. Hindi ko man masabi sa kanya pero mahal ko ang kapatid ko. Ayaw ko syang nakikitang nasasaktan dahil doble ang sakit sa akin, lahat ng sakit na nararamdaman na ay nararamdaman ko rin. Dahil na rin siguro sa kambal kami at hindi basta-bastang magkapatid lang.

At ngayon, hindi ko man nakikita... Alam kong nasasaktan nanaman si Maru, dahil nararamdaman ko. Kaunting tiis na lang... Magbabayad ang Chitaen tribe.

Kana's POV

Pinagmasdan ko lang si Misaka habang papaalis. Magkahalong galit at lungkot ang nakita ko sa mukha nya kanina. Tingin ko may problema sya e. Pero natatakot ako na kausapin sya... Naaawa ako kay Misaka base sa ikinilos nya kanina, nung pinipiga nya yung mga pagkain nya... Galit sya na parang tutulo na ang luha nya. Parang sari-saring emosyon ang nararamdaman nya... At naibuhos nya sa pagkain ang galit nya.

Napatingin ako kay Ken na tahimik na kumakain, parang nag-iisip. Hindi na ako magugulat maya-maya hihilahin na ulit ako nyan tapos sasabihin lahat ng naIisip nya. Si Kyoya ganun din parang nag-iisip. Si Sasuke ayon wala pa ring pakialam. At si Yuna parang tinamad na ding kumain.

Siguro kailangan ko ng alone talk kay Misaka... Titiempo ako, kahit anong mangyari magkaibigan pa din kami kaya concern ako sa kanya. Ang tanong kailan? Malamang kapag walang tao.

Maya-maya natapos na rin kaming kumain. Nagsipasok na sila sa kanya-kanya nilang tent pero nagpaiwan muna ako, ang lagkit talaga ng buhok ko kaya napag pasyahan kong maligo na muna sa talon.

Mabilis akong tumalon sa tubig dahil wala rin naman akong balak na tumagal, tatanggalin ko lang talaga ung lagkit ng buhok ko. Malamig ang tubig at mahangin din kaya gininiginaw ako kaya wala talagang dahilan para tumagal ako.

Nang matanggal ang lagkit ng buhok ko a napagpasyahan kong umahon na. Nasa ganon akong tayo nang may mapansin akong lumilipad sa ere. Hindi basta-bastang lumilipad dahil nakasakay sila sa walis. Parang witches... Babae sila dahil mahaba ang buhok. Isa lang ang kilala kong ganito; ang mga Ragi. Wait RAGI?

Dali-dali akong lumubog ulit sa tubig dahil baka makita nila ako. Dahil diba nga oras na magkita-kita kami mag-uumpisa na ang gera? E halos lahat naman kaming mga chosen mitsu ay ayaw pang mag-umpisa iyon kaya lumubog talaga ako kaagad. Sana ay hindi nila ako nakita.

Kung naguguluhan kayo tungkol sa mga chosen ng bawat tribes ito yun...

Ang Mitsus which is kami ay mga good power users.

Ang Chitaens ay ang mga dark power users... Kabaliktaran ng sa amin.

Ang mga Ragi ay mga witches... Sila ang nakita ko kanina...

At ang mga Junju ay mga sixth sense users.

At ang apat na tribes na yan ang bumubuo sa final four... Ang sabi kasi sa libro isa lang daw na tribe ang dapat na maghari sa mundo ng mga immortal... Kaya ito at patuloy pa din ang tradisyon ng bawat tribes hanggang sa may tuluyang manalo at matalo.

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox~~

Alam kong plain pero oka naman na siguro... Inaantok na din kasi ako ng mga oras na ito. Try ko ulit na mag-update bukas <3

Nalaman nyo na ang side ni Misaka... Hindi sya ang traitor kaya sorry sa mga naghinala kay Misaka gaya ni Kana hahahahaha

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon