Nux. Daming bumuboto kay Sasuke bilang traitor hahahahaha. Geh lol.
3rd Person's POV
Habang tumatagal humihirap para kina Ken at Kana na malaman kung sino ang traitor sa grupo nila. Nakakatawa pa ring isipin na hindi nila matulungan si Misaka dahil isa ito sa pinaghihinalaan nila.
Magaling tagalang magpanggap na kakampi ang dalawang iyon... No wonder kung bakit sila ang binigyan ko ng misyon na pasukin ang lugar ng mga Mitsu. Tama kayo ng basa dalawa nga ang traydor sa grupo nila. At natatawa ako tuwing naiisip kong isa lang ang inaakala nilang kalaban nila sa grupo. Isa lang naman ang pinakaayaw ko sa kanila... Si Ken, matalino sya matalino sila ni Misaka... Pero dahil nga may hawak akong alas laban kay Misaka alam kong walang magagawa ang talino nya. Si Ken lang talaga ang matindi kong kalaban ngayon at naghanap pa sya ng kakampi.
Yung babaeng sinubukan kong kunin noon. Sayang talaga... Kung nakuha ko sya noon edi may tatlo na sana akong malalakas na Mitsu ngayon. Sayang talaga si Kana... Nangialam pa kasi sila noon. At napabilib talaga ako ng isa sa kanila noon nagawa nya akong labanan para magmukhang kakampi talaga sya.
"Master nagwawala po sya." Napatingin ako sa isa kong alalay. Mahilig talagang magwala ang isang yon... Ilang beses ko bang sasabihin sa kanya na hindi na sya makakabalik sa tunay nyang katawan?
"Ihanda ang pampatulog pagkatapos ko syang kausapin." Sabi ko at dumiretso na sa kulungang ipiginawa ko para sa kanya.
"Masusunod master Akuma." Umalis na ang alalay ko at mabilis kong tinungo ang lugar kung nasaan sya habang may hawak pang baso ng wine.
Nakakaawa ang mukha nya... Hahah, hindi ko inakalang magiging ganito akong kasaya habang pinapanood at naririnig syang kinamumuhian at minumura ako. Bawat masasamang salitang lumalabas sa bibig nya laban sa akin ay parang nagiging vitamins na nagpapalakas lalo sa kapangyarihan ko.
"WALANG HIYA KA AKUMA! Ibalik mo ang katawan at kapangyarihan ko! Masusunog ka sa impyerno." Impyerno... Hmm ang sarap pakinggan ng salitang iyon... Ang lugar na matagal ko nang inaasam na pagharian. "Akuma! Paraang-awa mo na! Ibalik mo na ang kung anong akin!" Maluhaluha nya pang sabi.
"Haha... Hahahaha." Tumatawa akong pumasok sa loob ng kulungan nya. Nakakatawa talaga syang mag-makaawa. Dumudugo nanaman ang mga kamay nyang nakatali sa makakapal na bakal.
Nakakaawa naman ang totoong may-ari ng katawang ito habang nagpapakasaya sya sa pagpapanggap gamit ang katawang hindi naman kanya ay puro sugat at peklat na ang natatamo ng totoo nyang katawan.
"Hindi mo na mababawi ang sayo... Dahil may iba nang umaangkin sa pag-aari mo..." Hinaplos-haplos ko pa ang pisngi nya para mas dama. Ang dating matapang nagmamakaawa sa akin? How ironic right?
"P*tang*na mo Akuma! Pwe."
Pinunasan ko ang pisngi kong dinuraan nya. Bastos!
"Turukan na sya!" Sigaw ko at nagsipasok na ang mga alipores ko.
"HINDI BITAWAN NYO AKO! MGA HAYOP KAYO! PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT ORAS NA MAKATAKAS AKO DITO!" Tumakas ka kung kaya mo. "TULONG! Tulungan nyo akoooo!"
Sige isigaw mo lang hanggang kaya mo. Wala namang makakarinig sayo. Lumabas ako nang tumatawa nakakaawa naman natatawa ako sa pagiging kaawa-awa nya. Alam kong nakatulog na ulit sya dahil hindi ko na marinig ang mga sigaw nya. Kaunting tiis pa... Kaunti na lang matatalo din kayong mga Mitsu.
Kana's POV
Pangalawang araw na namin sa jungle ngayon at hindi pa rin lumalabas si Misaka sa tent nya simula nang pumasok sya roon kagabi. Nag-aalala ako sinubukan kong pumasok sa tent nya kanina pero mukhang nakasarado ito sa loob. Wala rin akong naririnig na ingay. Parang walang tao, pero naisip ko na lang na baka may ginagawa sya sa loob. Alangan namang umalis sya gayong delikado at wala naman syang pupuntahan hindi ba?
Nagmasid masid ako sa paligid. Halos lahat kami ay tahimik. Nakakapanibago dahil nakilala ko si Yuna na madaldal pero hindi sya nagsasalita ngayon. Si Kyoya tahimik lang sa isang sulok na naglalaro ng buhangin sa may paanan nya. Si Sasuke wala sya mukhang may pinuntahan, kung sabagay mukhang second home nya na ang gubat dahil tumira sya sa gubat for four years, baka namiss nya lang ang environment. Si Ken nasa itaas ng puno at nakapikit gaya noong unang araw na nakita ko sya parang natutulog sya. Mukhang bumalik sya sa dati nyang gawi.
Ako? As usual nganga walang ginagawa. Wala akong makausap e ang tatahimik nila. Tiningnan ko uli ang tent ni Misaka nang mapansin kong nakabukas na iyon. Nagtaka ako nasaan na sya? Nakalabas sya nang hindi namin nakikita? Nakalabas sya nang hindi namin namamalayan? Ganoon ba kami ka space out?
Lumabas ako ng kweba at laking tuwa ko nang makita ko si Misaka sa may talon. Nakaupo sya roon at mukhang malalim talaga ang iniisip. Lumapit ako sa kanya at halata namang naramdaman nya ang presensya ko. Tumingin sya at ngumiti.
"Jan ka lang. Malakas ang kuryente. Makukuryente ka." Sabi nya at huminto ako sa paglalakad. Bababa na dapat ako sa tubig.
Mukhang naglalabas sya ng kuryente sa tubig. Mukhang delikado nga para sa akin. Kaya ang ginawa ko lumipad na lang ako tsaka lumapit sa kanya. Gusto ko talaga syang makausap ngayon. Gusto kong itanong kung ano ang problema nya.
"Sabi ko nang wag kang lalapit e." Sabi nya pa habang nakalutang ako sa harapan nya.
"Hindi naman ako maaano. Tsaka gusto sana kitang makausap." Tumingin sya sa akin at yumuko ulit. "May problema ka ba Misaka?" Deretso kong tanong.
"Malaki ang problema ko." Sagot nya. Mas lalo naman akong umayos para marinig ko sya ng mabuti. "Alam kong pinagdududahan nyo ako... Pero Kana maniwala ka sana... Hindi ako, in fact kilala ko kung sino..." Nagimbal ako sa sinabi ni Misaka... Kilala nya? Pero bakit hindi nya sinasabi sa amin?
"Kung kilala mo sino? Bakit hindi mo sabihin sa amin ni Ken?" Tanong ko sa kanya.
"Dahil hindi pwede... Hawak nila ang buong pamilya ko. Kana tulungan nyo kong bawiin anng pamilya ko sa kanila... Please?" Nakita kong yumuyugyog na ang balikat nya umiiyak na sya.
"Paano ka namin matutulungan kung hindi mo sasabihin kung sino?" Tanong ko.
"It's -"
"MISAKA, KANA NANDIYAN PALA KAYO TAWAG KAYO NI KEN." Naputol ang sasabihin nya nang sumigaw si Yuna.
Agad na umahon si Misaka at sumunod na ako. Kapansin-pansin ang masamang tingin ni Misaka kay Yuna... Hindi kaya si Yuna?
Pero imposible diba? Kailangan kong malaman.
xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxooxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxooxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox~~
Hoho! #ABRAKADABRAMaguluhanKayo! Lol
Oha! Nag-UD ako! Umaasenso! HAHAHA. So hindi ko na ulit alam kung kailan ang update pero abangan nyo sa weekend! Either Saturday or Sunday ;)
Icomment nyo lahat ng naiisip nyo dali na please? Hahaha :D
BINABASA MO ANG
Himitsu Academy
Mystery / ThrillerHave you ever heard about Himitsu Academy before? Of course you haven't heard it yet, unless you are one of the Mitsus and one of the inheritors of its secrets. In the academy that full of secrets and mystery. In the academy that normal people are n...
